***** RUCIA ***** “Ate, gising na. Baka darating na raw ang sundo natin sabi ni Kuya Aman,” pang-iistorbo ni Kyd sa masarap na tulog niya. Niyuyog siya nito sa balikat. “Ano ba? Natutulog pa ang tao,” aniya na nakapikit. Kaysa magmulat ng mata ay umayos pa siya ng higa. Mas yumakap siya sa kanyang mala-hotdog na unan. “Mamasyal tayo ngayon, ‘di ba? Gising na, Ate. Bihisan na natin si Lolo San,” ngunit ay pangungulit pa rin sa kanya ng bata. “Kayo na lang. Ayaw kong maging chaperone sa kanila ni Chana.” “Eh, hindi naman daw kasama si Ate Chana, eh.” Noon siya biglang mulat ng mata. “Talaga?” Kamot sa ulo si Kyd. “Oo, ‘Te, kaya halika na. Bihisan na natin si Lolo San. Nagluluto na si Kuya Aman ng agahan natin. Tayo na raw bahala kay Lolo San.” Tarantang bumaba na siya sa kama.