***** RUCIA **** Takbo agad sina Aman at Rucia papasok ng farmhouse gawa nang narinig nilang kalabog mula sa loob. “Diyos ko! Santiago!” At grabe ang naging silakbot ni Rucia nang nakita niyang nakatumba sa harapan ng wheelchair nito ang matanda. Naka-extend ang kamay nito na wari’y inaabot ang pinto habang panay ang ungol. Gusto malamang lumabas. “Ako na,” madaling sabi ni Aman. Inunahan siya nito na saklolohan si Santiago. Inakay ng binata si Santiago at saka maingat na ibinalik sa wheelchair. “Anong nangyari at natumba ka? Paano kung nabagok ka? Ano ka ba naman, Santiago!” ayaw man ni Rucia pero hindi niya matiis na hindi sermonan ang matanda. Umungol ang matanda. May nais sabihin. “Sa tingin ko matino siya ngayon at narinig niya ang boses ng asawa niya kaya ginusto niyang luma