***** RUCIA ***** “BURAHIN mo ‘yan!” pagwawala na ni Mrs. Nimfa. Sinubukan nitong agawin ang cellphone kay Aman pero dahil matangkad si Aman ay ni hindi nito maabot kahit pa ang siko ng binata. “Get it if you can,” prenteng paghamon ni Aman. Walang kabahabahala. Kung makangiti pa ay wagas. “Anong tinutunganga niyo riyan?! Tulungan niyo ako! Kunin niyo sa kanya ang cellphone!” bulyaw ni Mrs. Nimfa sa mga kasama. Tatalima sana ang isang lalaki pero pinigilam ito ng abogado. Nagtataka na lamang si Rucia na nanonood. Sa isip-isip niya ay anong nangyayari? Anong meron sa cellphone ni Aman at parang na-trigger ang isang Mrs. Nimfa Vilaamor? “Idedemanda kita!” babala na lamang ni Mrs. Nimfa nang tuluyang mapagod. Hingal na hingal itong lumayo kay Aman at muling humilira sa dalawang lalaking