PART 4

2043 Words
***** AMAN *****   “Oo, oo, diyan. Park mo muna riyan kasi may bayad ‘pag ipapasok mo pa sa mall. Madami akong suki riyan ng bagoong monamon ko kaya hindi puwede lagpasan,” may pagmamalaki na mando sa kanya ni Rucia. After a long drive, they’ve finally arrived in Manila. At laking pasalamat ni Aman dahil kahit naging balikan ang byahe niya ay nakaya naman niyang nagmaneho na walang abirya. Nakatulong ang ilang beses nilang pag-stop over. Sinasamantala niyang lumaklak ng instant coffee kapag pinapakain niya si Rucia. Pinaninindigan niya talaga ang pagiging gentleman. Natutunan niya kay Nakee na ang babae ay feeling special kapag lagi raw pinapakain. “Tulungan na kita hanggang sa loob,” pagpipresenta niya ulit nang bumaba sila sa kotse at tinungo ang compartment. Siya ang nagbaba ng maletang mabigat. “Hindi na. Kaya ko na ito,” ngunit pagtanggi na naman ni Rucia. “Ipahinga mo na lang habang hinihintay mo ako. Alam ko napagod ka sa pagmamaneho. Madami pa naman tayong pupuntahan. Mamimili pa ako roon sa Baclaran. Mabilis lang ako. Mga thirty minutes,” mabilis nitong idinagdag pa. Hindi agad nakapagsalita si Aman. Naroon na agad sa malayo si Rucia pagkatapos sabihin ang mga iyon. “Mabuti naman,” he thought drily. Hands on his pocket, nakangisi niyang sinundan ng tingin na lamang ang dalagang papasok na sa entrance ng mall. Kung paanong pumayag ang guwardya na makapasok si Rucia without checking her luggage ay hindi niya alam. Basta nakita niya lamang na sumalado si Rucia sa lady guard. Baka magkakilala na. Rucia was friendly though. Napansin niya iyon nang sa lahat ng pinag-stop-over-an nila kanina on their way ay parang ka-close lahat ni Rucia ang mga tao roon kahit na first time lang naman nakilala. Nang hindi na niya matanaw si Rucia ay pumasok na siya sa kotse niya. Sinunod niya ang sinabi ng dalaga, ipinahinga nga niya muna ang sarili. Sa ngalan ng kanyang lihim na interes sa pakikipagmabutihan kay Rucia ay hihintayin niya talaga ito. He was willing to do anything to gain her trust. Bago ang lahat ay tsinek niya muna ang kanyang phone. Wala namang tawag or mensahe mula sa kanyang mga staff, pati na kay Kai. Sa tingin niya ang iniwan niyang negosyo ay puwedeng umandar nang maayos kahit wala siya. Thanks to Kai na kanyang mapagkakatiwalaan. Kasabay ng kanyang pagbuntong-hininga ang pasuksok niya ulit sa phone niya sa kanyang bulsa. Then pinindot niya pababa ang recliner ng kanyang kinauupuan upang mas komportable ang kanyang pagpapahinga. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata nang may natapunan siya ng tingin. Isang babae at lalaki na nakasukob sa iisang payong dahil sa tindi ng sikat ng araw. Naghihintay sila ng masasakyan. He blew out a breath. Naalala niya ang sarii niya at si Nakee sa dalawa dahilan para hilahin na naman siya sa masayang nakaraan sa buhay niya pero ang ending ay napakasama. Sa sobrang sama ay bangungot na kanyang maituturing na……   .   .   . TWO YEARS AGO. Malakas ang hangin at umuulan-ulan dahil may nagbabantang bagyo. The sky was almost pitch-black. “s**t!” naimura ni Aman nang sapilitan siyang bumaba sa kanyang kotse. Humampas sa mukha niya ang hangin na may kasamang ambon. Kinailangan niyang bumaba dahil biglang tumirik ang kanyang sasakyan at aalamin niya ang dahilan. Ngayon pa talaga siya nasiraan kung kailan delikado na ang panahon. Galing siya sa Bicol. Kina Kai. Kinamusta niya ang kanyang kaibigan at inalok na rin niya ng mapagkakaabalahan. Gusto niyang makasama si Kai sa inuupisahan niyang kompanya. Kung minamalas kasi siya ngayon ay sinuwerte naman siya sa mga nagdaang araw. Isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng negosyo. Hindi na raw maasikaso kaya pinapasalo na sa kanya. At nang tinanggap niya ay naging maayos naman ang paglilipat ng pangalan niya. Naging smooth ang transaction. Dahil do’n ay nakikinita na niya ang paglago ng kanyang negosyo balang araw. “Anong problema natin, buddy?” parang taong tanong niya sa kanyang Honda Civic na kulay pula bago niya itinaas ang hood. Maitim na usok nga lang ang isinagot sa kanya. “Aissstt!” Inis siyang lumayo at pumanaywang. Naghintay saglit bago bumalik at kinalikot ang makina. Hindi na niya inalintana ang malakas na ulan. Nang bigla ay naramdaman niyang tila ay tumigil ang ulan at lumilim. Nagtatakang tumingala siya sa langit pero malaking payong na kulay white na ang nasilayan niya. “You need help?” mahinhing na boses ng babae na nagpalingon sa kanya sa likuran. At unti-unti ay naghiwalay ang mga labi niya sa kagandahang bumungad sa kanyang paningin. Nabatombalani siya. His heart skipped a beat. Suddenly he couldn’t move, couldn’t speak. The rest of the world seems disappeared. Tila ba ay sila na lang ang natirang nilalang. Mas ngumiti ang babae na parang anghel sa kanyang paningin. Kay amo kasi ang mukha ng babae. Kay kinis ng ala-labanos nitong balat. Nakasuot pa ng toe-length na puting dress kaya para talaga itong anghel. Kulang na lang ay ang ‘halo’ sa ulo at pakpak. Sa pagkakatitig niya sa babae ay nakaradam siya ng kakaiba sa kanyang puso. Kakaibang pakiramdam lalo’t napansin niya na magkasukob sila sa iisang payong lamang. Halos dikit na sila. Hindi niya matandaan kung kailan ulit siya naging romantiko, sa tingin niya ay ngayon na lang ulit. “May problema sa car mo?” untag sa kanya ng babae. “Okay lang. Kaya ko na itong---“ He stopped in mid-sentence. “Hon, what’s wrong?” Dahil biglang dating ng isang lalaki mula sa kadarating na BMW. Agad nitong pinulupot sa baywang ng babae ang kamay nito. Napansin ni Aman na mahigpit iyon. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa balakang ng babae. Baka nga sadyang pinisil. “Na-nasiraan kasi siya, hon. I’m just helping him kasi nababasa siya ng ambon,” nautal na sagot ng babae. Dahil do’n ay nagsalubong ang mga kilay niya. Naglipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. There was something wrong with them; he was sure of it. “She’s my wife, dude,” pero nang sabi ng lalaki ay iwinaksi niya ang ano mang pumasok sa isip niya. Wala pa man ay pakiramdam niya ay may natibag na sa puso niya. Alam niya na sa maiksing sandali na nasilayan niya ang babae ay nagkaroon agad ng puwang ito sa puso niya. Ang kaso ay may asawa na pala. Damn! . . . “Nakee…” sambit ni Aman na pangalan nang bigla siyang mulat ng mata. Natulala siya saglit at nasapo niya ang noo pagkatapos. Hindi lang niya naalala si Nakee, napaniginipan na naman niya. As usual, nakailang iling at buntong-hininga muna siya bago niya nakalma ang sarili. Nga lang ay napapitlag naman siya nang biglang may kumatok sa may bintana ng kanyang sasakyan. “Buksan mo,” buka ng bibig ni Rucia. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayan ang paglabas ni Rucia sa mall. Nakabalik na ang dalaga. Agad siyang tumalima. Pinindot niya ang automatic lock button para ma-unlock ang pinto at bumaba. Dumako agad ang tingin niya sa maleta na mukhang hindi man lang nabawasan ang bigat. “Kainis,” bungad ni Rucia. Padabog na umupo ito. Kahit ang pagsara sa pinto ng sasakyan ay padabog din. “What happened?” tanong niya kasabay ng pag-unlock niya sa compartment. Lumalay ang mga balikat ni Rucia at ngumuso-nguso. Humalukipkip. “Malas. Dalawa lang ang bumili.” “Bakit walang bumili?” Kinuha niya ang maleta. Tama siya na hindi nga nabawasan ang bigat. Hirap ulit tuloy siyang ipasok sa compartment. Tinulungan siya ni Rucia. Humawak din ito sa maleta. Subalit dahil doon ay nagpatong ang mga palad nila. Sabay silang napatingin sa isa’t isa. Then their eyes locked. “Hindi yata mga nagluluto,” sinubukang magbiro ni Rucia. He smiled at her. Pa-cute na smile. At nang tumitig sa kanya si Rucia ay sinubukan niyang ilapit ang mukha rito. “Um… H-hindi pa raw daw kasi ubos ang binili nila sa akin noong isang buwan,” nga lag ay sabi ulit ni Rucia sabay iwas. Parang napaso na binawi nito ang kamay. “Kaya mo na ‘yan,” sabi pa bago nagmamadaling tinungo ang harapan ng kotse at sumakay. Labas sa ilong na natawa siya saka lihim na napangisi. Subalit nang hinila na niya ang hood compartment pasara ay hindi niya naiwasang matigilan saglit. Nagtaka siya sa sarili niya dahil bakit ganoon? Why the hell he seems to want to kiss her… so bad? Madaming iling ang ginawa niya at inisip na lamang na baka dahil lalaki siya at babae naman si Rucia kaya ganoon. Normal lang na madala siya dahil maganda naman kasi talaga si Rucia. Ang dapat niyang gawin siguro ay sundin ang sinabi niya kanina na kailangan niyang rendahan ang sarili niya. Gawin ang lahat na hindi mahulog ang loob niya ng totohanan kay Rucia. Ang dapat lang ay si Rucia ang mahulog sa kanya at hindi siya. “Saan tayo sunod?” parang wala lang na tanong niya nang sumakay na rin siya sa may likod ng manibela. “Sa Raon Market. Subukan ko roon,” normal lang din ang tono na sagot ni Rucia. “Okay. Tara na kung ganoon.” Nag-seatbelt at pinaandar ang makina. Naging busy na naman si Rucia sa maliit nitong notebook. Hindi niya alam kung busy talaga or nagbi-busy-busy-an lang. “May problema ba?” Kamot sa ulo si Rucia. “Problema talaga kung hindi ko maibibenta ang mga bagoong. Lugi ako.” “Hindi ‘yan. Galingan mo na lang mamaya ang salestalk,” cheer-up niya rito. Sinamahan niya ng matamis na ngiti nang sulyapan niya ito at nakitang nakatingin sa kanya ito. Kumibot-kibot ang mga labi ni Rucia. “Sana nga dahil kailangan ko pang bumili ng gamot. Itong pera ko kasi rito ay pambili ko mamaya ng orders. Hindi puwede na ito ang ipambibili ko ng gamot.” Hindi niya napigilang napasulyap ulit dito. “Para kaninong mga gamot?” Doon parang nag-hesitate na sumagot ang dalaga. “Sa… sa alaga kong matanda,” pero sa huli ay sabi rin nito. Napa-“Ah,” siya. “Your grandfather?” Kamot sa batok si Rucia. “Mag-drive ka na nga lang. Ang daldal mo. Baka mabangga tayo,” saka paiwas na sabi. Para ba’y kahirap sagutin ang kanyang tanong. “Okay.” Nginitian niya pa rin ito. Baka ayaw lang ni Rucia na pinag-uusapan ang pamilya nito kaya hindi na siya nagpilit pa. Itinutok ulit ni Rucia ang tingin sa notebook na hawak. Ang hitsura’y may kinu-compute sa utak. Minsan ay napapalatak pa na animo’y luging-lugi na nga. “Isip na lang tayo ng teknik if paano mauubos ang panindan mo. Marketing strategy, ganoon?” hindi nakatiis na suggestion niya. "Paano naman?" ngunit balik-tanong ni Rucia. Nag-isip siya. "Buy one take one?" Umiling si Rucia. "Lugi ako. Magkano lang sakin do'n, thirty kada bote." "Ilang bote ba 'yon?" "Thiry rin." "Ang dami naman?" Napatingin siya sa kausap. Hindi kasi iyon praktikal kung wala namang sure buyer. "Wala kasi akong maisip na ibebenta. Sakto ang tutubuin ko sa pamasahe ko sana at gamot." Tumango-tango siya. Nauunawaan na niya. "What if bawasan mo ng ten or twenty percent ang presyo? Tutal na-libre naman ang pamasahe mo. Kaysa naman iuwi mo at malugi ka?" payo niya ulit. "Sabagay. Tama ka." Napalabi si Rucia. Sinabi iyon pero nasa mukha nito ang hindi pagsang-ayon. Tiniklop na nito ang notebook. "Bilhin ko na ang lima. Okay na ba 'yon?" pampalubag-loob niya pang sabi. "Ay, thank you. ‘Yan ang gusto ko." Kahit paano ay bumalik ang sigla ng dalaga. Kindat ang tinugon niya rito. Parang sa mga millennials na pa-fall. Ngumiti naman sa kanya si Rucia. Mayamaya ay kinilatis ang kanyang mukha. Tinitigan. "Why? May dumi ba ako sa mukha?" Binitawan ng isa niyang kamay ang manibela at pinunanas sa mukha. "Guwapo mo, noh?" ang ‘di niya inasahang sasabihin ni Rucia. Kinunutan niya ito. "Alam ko na kung paano mauubos ang mga paninda ko," tapos sabi pa ni Rucia. May kapilyahan na ang ngiti nito..........    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD