PART 5

2127 Words
***** RUCIA *****   “Napakaguwapo naman ng kasama mo, Ate Rucia. Boyfriend mo?” kilig na tanong ng baklang service crew ng sikat na donut kiosk. Kung makadikit ito sa kanya ay parang kiting-kiti. May papadyak-padyak pa sa paa at tutop ng kamay sa bunganga. Sobrang tamis na ngumiti si Rucia. “Hindi pa… este hindi pala,” saka pilyang aniya. Nang tingnan niya si Aman ay kinindatan niya ito. At gusto niyang matawa nang makita niyang tabingi na ang ngiti nito. Nandoon na sila ni Aman sa isa pang mall na lagi niyang pinagbebentahan. Doon ay marami rin siyang suki at mga kaibigan na rin. Pero dahil bawal ang ang ginagawa niya ay palihim ang transaksyon nila, kung hindi ay hulihiin siya ng mga guwardya at pagmumultahin. “Bili ka na nito? Bagoong na masarap. Kasing sarap ng kasama ko,” sales talk niya sa bakla. “May libre bang kiss ni Kuya?” birong tanong nito. “Oo. Sige,” aniya na ikinamutla ni Aman. Tawanan sina Rucia at ang bakla. Apiran sila dahil biro lang naman iyon. “Sige na, ‘Te, pabili isa. Sakto may mga hilaw na mangga na pinadala ang nanay ko.” “Ay, pak. Sakto ‘yon na isawsaw rito. Lagyan mo ng sili. Sarap. Nangasim tuloy ako,” tuwang-tuwa na aniya. “Aman, pakibigyan siya ng isa.” “Okay,” sabi ng binata. Kumuha ito ng isang bote sa maletang kanina pa hila-hila habang nakasunod kay Rucia. “Ang guwapo talaga niya, ‘Te Rucia,” bulong na naman ng bakla nang iabot ang bayad. Kulang na lang mag-epelipsy na. Natatawa na lang si Rucia habang kumukuha siya ng sukli sa sling bag niya. “Here,” abot ni Aman sa isang bote ng bagoong sa kanya. Pero dahil sumenyas siyang sa bakla na ito ang umabot ay mas kinilig ang bakla. “Thank you, Kuya,” anito. Nang kinuha ang bagoong ay hindi na napigilan na hindi umabresyete sa braso ni Aman. Inamoy-amoy si Aman na animo’y cake na pinaglalawayan nito. Pasalamat n Rucia at game naman si Aman. Kamot sa batok lang ang binata. He turned to look at her, sumenyas ang mga mata nito na patigilin niya ang bakla. “Ikaw makita ka ng manager mo,” kaya natatawang saway na nga niya sa pasaway. “Landi mo, bakla,” lapit na ng tindera sa isang branded na mga kasuotan. “HI, Kuya,” pero bati rin naman kay Aman. “Miss, bili ka na bagoong namin,” na sinamantala ni Rucia. At nabentahan nga niya. Sa parte ng mall na iyon na lower ground floor ay nakawalo siya ng benta dahil naintriga na rin ang iba kay Aman. Napagkamalan pang artista si Aman. Iginiit na nakita na raw sa TV si Aman. Hindi lang daw maalala kung saang palabas. Tinitigan ni Rucia si Aman. Naka-polo shirt si Aman at denim jeans na halatang mga branded. At muntik  na nga siyang maniwala na artista nga ang kasama niya, hindi lang niya namukhaan. Pero nang itinanggi ni Aman ay mas naniniwala siya kay Aman. Kasi kung artista ito, sikat man o hindi, ay dapat namukhaan na niya kanina pa. Mahilig siyang manood. ‘TV is life’ sila sa bahay. “Lakas mo,” natutuwang sabi niya kay Aman nang nakabenta ulit sila ng lima sa first floor. Tumaas ang kaliwang kilay ni Aman kasabay nang pagbuga ng hangin sa ilong nito. “Para mo naman akong binubugaw nito, eh.” “Hindi naman. Guwapo ka lang talaga kaya hindi mo sila masisisi na kiligin sa’yo,” sabi niya. Tiningnan niya rin ito at ginantihan ng ngiting pasasalamat. “Huwag kang mag-alala eleven na lang iyang natitira. Konting tiis na lang. Basta ngiti ka lang diyan, okay?” Maasim ang mukhang nagkamot sa may kilay ang naging tugon ng binata. Natawa naman siya sa reaksyon nito. “Ngayon lang naman. Lubus-lubusin mo na ang pagtulong sa akin please?” at saka pa-cute niya. “Rucia!” Hindi pa nakaka-‘oo’ si Aman ay may nagtatakbong matabang babae palapit sa kanya. Tuwang-tuwa na makita siya. “Besh!” At pati man siya. Dito sa mall na ito ay si Matilda na sumigaw ang pinaka-close sa kanya. Bakit hindi, eh, binuburaot siya minsan. May mga utang pa nga sa kanya ito pero nahihiya na siyang singilin sa sobrang tagal. Mula sa mga damit, pabango, sapatos, bagoong, toyo at kung anu-ano pa na raket niyang itenda at ipautang. Nagyakapak sila nang maluwag nang magpang-abot sila. “Naku, buti nagpakita ka na,” sabi ni Matilda. Nakasuot ito ng apron na kulay itim. Service crew ito ng hindi pa naman sikat na milktea kiosk. “Bakit parang excited ka na makita ako, prend? Magbabayad ka na ba ng utang?” Huli na para bawiin niya ang sinabi. Sana hindi niya ito na-offend dahil imposible ang naibigkas niya. Si Matilda? Magbabayad? End of the world na ‘pag gano’n. “Ay, nahulaan mo, besh,” pero sabi ba naman ni Matilda. “Magkano ba lahat iyon, besh?” Dumukot sa pantalon ito at inilabas ang medyo makapal din tag-isang libo. Tulad sa mga cartoon character na nagugulat, ang mga mata niya’y napamulagat kasabay nang paglaglag ng kanyang panga. “Magkano nga lahat ng utang ko sa’yo?” natatawang tanong ulit ni Matilda nang hindi niya ito masagot. “Magkano raw?” pati man si Aman ay untag sa kanya. Kinalabit siya sa balikat sa pamamagitan din ng balikat. “Ah, oo, wait. Check ko,” aniya na natataranta na. Halos magkandahulog-hulog ang notebook niyang maliit nang kanyang bulatlatin at hanapin ang pangalan ni Matilda. May listahan siya ng mga pautang dahil minsan ay wala naman siyang pagpipilan kundi ang ipautang ang mga paninda niya kapag walang pang-cash ang mga suki niya. Kaysa naman iuwi pa niya sa Ilocos. “One thousand three hundred seventy-three lahat, besh. Pero tanggalin mo na ang butal,” aniya. Abot hanggang tainga ang ngiti niya. Sa wakas, Lord! “No. Dapat bayaran niya ng buo,” gunit bigla ay sabad ni Aman. “Miss, One thousand three hundred seventy-three lahat ang babayara mo,” tas hinarap pa si Matilda na animo’y bombay kung makapaningil ng utang. “Hoy!” Kinurot niya ito sa tagiliran. Nang lingunin siya ay pinanlakihan niya ito ng mata. “Okay na. At least magbabayad na,” saka magkadikit ang mga ngipini niyang bulong. Mamaya kasi ay magbago ang isip ni Matilda kapag ganoong kalaki ang babayaran pala. Kahit isang libo lang ang bayaran ay ayos na siya roon. Kaysan naman pera na ay naging bato pa. “Ayos lang, Rucia. Heto, one five. Keep the change,” ngunit nang sabi ni Matilda ay naginhawaan siya. Hindi ulit siya makapaniwala. Hindi niya tuloy makuha ang inaabot ni Matilda. “Sige na. Kunin mo na. Ang tagal na ng utang ko na iyan, eh.” “Hindi, besh, okay lang. Kunin ko lang ang sakto. Parehas tayong may alagain kaya okay lang. Ibili mo na lang ng gatas ng anak mo.” Akmang kukuha siya ng panukli sa kanyang sling bag kahit na hindi pa niya kinukuha ang pera. Si Aman ay nakikinig na lamang. Palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Matilda. “Rucia, hindi na. Kunin mo na ito lahat.” Hinawakan ni Matilda ang kamay niya upang hindi siya makakakuha ng panukli. Isinuksok doon ang kulay green at yellow na perang papel. “Naalala ko na may utang pa ako sa‘yo noon na one hundred. Naalala mo iyong wala ako kakong pambili ng gatas ng anak ko? Hindi ba pinahiram mo sa akin iyong buena mano mo pa lang kamo na one hundred? Ayan na bayad ko na ‘yan,” patuloy ni Matilda. Maluha-luha pa. “Hindi naman utang iyon,” aniya. At totoo iyon dahil sa pagkakaalala niya ay tulong niya iyon. Sino bang makakatiiis sa baby? “Huwag kang mag-alala ayos na ang kalagayan naming mag-iina ngayon. Nakapagpadala na ang asawa kong nagpunta sa Dubai,” sabi ni Matilda. Nagliwanag ang mukha niya. “Talaga?” Madaming tango ang ginawa ni Matilda. “Salamat, besh, sa mga tulong mo sa akin, ah?” Ngitian silang dalawa. At hindi na siya nahiya. Kinuha na niya ang pera at sinuksok sa bag niya. “Oh, siya sige na doon na ako sa pwesto ko. Next time na ulit tayo magchikahan pagbalik mo rito,” saglit ay paalam na ni Matilda. “Sige, sige,” pagpayag naman niya. “’Wag mong sasaktan itong Rucia, ah. Suwerte ka sa kanya. Mabait ang babaing ‘yan. Dami ngang nagkakagusto riyan dito kasi nga maganda na ay madiskarte pa sa buhay,” ang hindi nga lang niya inasahan na ibubuka ni Matilda kay Aman. Muntik na siyang mabilaukan kahit wala naman siyang kinakain o iniinom kaya napaubo siya. Nagtatawa si Matilda. “Guwapo ng jowa mo, besh,” huling sabi nito at tumalilis na. Nagtatakbo sa may elevator ng mall na saktong nagbukas. Maasim ang kanyang mukha na sunod-tingin na lang. Ang pasaway kumaway pa sa kanya bago nagsara ang pinto ng elevator. Pero mayamaya ay napangiti siya. Sa isip niya ay mabuti naman at nakakaraos na si Matilda. Naalala niya kasi na nag-iiyakan pa silang dalawa noong nakaraan lang dahil sa hirap ng buhay. “Bakit hindi mo sinabi na hindi mo ako jowa?” pukaw ni Aman sa kanya. Inirapan niya ito. “Kita mo naman tumakbo na.” Tiningnan siya nang makahulugan ni Aman. Itinuro niya ang mga mata nito. “Feeling ka rin, eh, noh?” “Bakit? Wala naman akong sinasabi, ah?” nakatawa ang ani Aman. “Aissst, halika na nga. Ibebenta pa natin ang eleven na bagoong,” pag-iwas na lamang niya. Nauna na siya ng lakad. Kagat-kagat niya ang labi na nangingiti. Ewan ba niya pero may naramdaman na siyang kilig kanina. Pasaway kasi na Matilda. “Rucia, halika,” hanggang sa may tumawag na naman sa kanya. Iyong babae naman na saleslady ng mga overrun na mga iba’t ibang jacket. “Kilala ka ba talaga ng lahat ng tenant dito?” tanong ni Aman. Nakangiti at proud niyang itinapik-tapik ang likod ng palad niya sa kanyang baba. “Maganda, eh.” Aman hissed. “Yabang.” Natawa naman siya. Pagkatapos ay pakendeng-kendeng niyang nilapitan ang babaeng tumawag sa kanya. “Bakit, prend? Bibili ka ng bagoong ko?” “Ay, sige bigyan mo ako isa,” pagpayag naman agad. Mabilis na kumuha si Aman ng isang bagoong sa maletang hila-hila nito kanina pa nang tingan niya ito. In fairness dito dahil hindi nagmukhang tinderong alalay kundi parang laging papunta lang sa airport. Kinagat niya ulit ang labi niya para hindi matawa sa kalokohang naisip. “Heto na, prend.” Inabot niya sa saleslady ang bagoong. “Wow, guwapo ng kasama mo, ah. Boyfriend mo?” tanong na naman sa kanya. Hindi matapos-tapos na tanong. “Hindi, alalay ko lang,” aniya. “What?” nga lang ay reklamo agad ni Aman. Ang luko, binitawan agad ang maleta. “Joke lang,” peace sign naman niya rito. Natawa ang saleslady sa kanilang dalawa. “Nga pala, Rucia. May naghahanap sa’yo noong isang araw. Isang babae at Jella raw ang pangalan. Kaibigan mo raw.” Pagkarinig niya sa pangalan ni Jella ay mabilis na nag-iba ang timpla ang mukha niya. Sumeryoso’t nalungkot. “Anong sabi, prend?” “Tumawag ka raw or puntahan mo naman raw sila dahil miss ka na nila. Nag-aalala na sila sa’yo. Minsan naririto iyo at inaabangan ka pero hindi ka naman lagi matyempuhan.” Tumango siya. “Sige, gagawin ko. Kunin mo na ito.” Nang nagbayad at umalis na sila sa puwesto iyon agad. Umiwas siya na mapag-usapan si Jella. Nga lang ay tuluyan na siyang natahimik. Hindi pa rin niya maiwasang hindi ma-miss sina Jella at Eyrna lalo’t nalaman niyang hinahanap siya. “Who is Jella?” usisa ni Aman. “Kaibigan,” tipid niyang sagot. “Then, bakit mo pinagtataguan?” Napatingin siya guwapong mukha ng binata. Gusto niya sanang sabihin na hindi niya pinagtataguan si Jella, kasama na si Eyrna, kundi gusto niya lang na huwag isama pa sa mga pinagdadaanan niya ngayon ang dalawang iyon. Pero pinili niyang huwag nang sabihin. Baka lalo lang magtanong pa si Aman tungkol sa buhay niya. “Naku, eh, baka uutangan lang kasi ako niyon. Hayaan mo siya,” pagsisinungaling niya. Pilit niyang ibinalik ang sigla niya. “Tara na sa 2nd floor.” Hindi na niya nakita ang pagsingkit ng mga mata ni Aman. Hindi ito naniniwala………  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD