***** AMAN ***** “f**k!” He cursed again under his breath. Hindi niya maiwasan dahil kanina pa siya tawag nang tawag kay Rucia pero laging, The subscriber cannot be reached please try again later, ang sinasabi ng recorded voice. Ang biglaang hindi na ma-contact si Rucia ang nagpadagdag sa kanyang pag-alala. Kanina ay narinig niyang umiiyak ang dalaga sa kabilang linya. Hindi kaya may nangyari nang masama sa kanya? While tapping his fingers on the black steering wheel. ‘Baka nawalan ng signal or na-lowbat’ ay alo sa kanya ng munting tinig sa likod ng kanyang isipan. And he has no choice kundi ang iyon na lang ang kanyang paniwalain para maayos niya ang pagmamaneho. Delikado kapag okupado ng kung anu-anong nakakatakot na kaisipan ang kanyang utak habang nasa likod siya ng manibela. Bak