***** RUCIA ***** "Rucia, sandali!" Hinuli ni Jella ang kanyang braso at hindi na pinakawalan. "Bitawan mo ako, sheb. Gusto ko nang umuwi," lumuluha niyang pakiusap. Inaalis niya ang kamay ng kaibigan sa kanyang braso pero walang lakas kaya hindi niya makalas-kalas. Tila ba ay kandila siyang naupos ng napakabilis. Iyong excitement niya na makita kanina si Aman ay naglahong parang bula. "Akala ko ba gusto mong kausapin si Aman? Bakit naduduwag ka na naman?" Mas hinigpitan pa ni Jella ang hawak sa kanya. "Nakita mo naman, 'di ba? May humalik sa kanya na babae." Rumagasa ang mga luha niya. Halos hindi niya makayanan ang sobrang sama ng kanyang loob. "Ano naman ngayon? Malay mo kapatid niya o kaya kaibigan. Pwede ring client nila. Parang hindi mo naman kilala ang mga mayayaman. Lahat nama