Chapter 120 Pinagmamasdan ko ang napakalaking larawan naming mag-asawa. Isang engrandeng kasal ang naganap. Hindi raw nito naibigay sa akin sa unang kasal ang deserve kong engrandeng kasal, kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay tinodo na niya. Tatlong buwan lang ang preparasyon. Nabuo nga ang 'wedding of the year' na ninanais nito. May mga artista pa ngang imbitado, politicians, businessman, at iyong mga malalaking tao rito sa bansa. "Hija, bakit 500 million lang ang hiningi mo sa asawa mo?" sinulyapan ko ang ginang na katabi ko ngayon at pinagmamasdan din ang larawan naming mag-asawa. Inamin na namin sa kanila kung paano kami nagsimula ni Nairo. No'ng una'y nagulat sila. Pero nang maproseso nila ang ginawa naming pag-amin ay wala naman kaming narinig na negative remarks mula sa mag