Chapter 113 "Akala mo yata'y nagbibiro ako sa mga banta ko, hijo. Ano ngayon ang pakiramdam mo? Nanginginig ka siguro sa takot." Tumawa ang matandang nagpadala ng larawan ng aking asawa. Sa huling larawan nito na nakasimangot ay tiyak ko kung ano ang iniisip nito. For sure iyong pose nito ang inaalala nito. "Huwag ang asawa ko. Bakit n'yo ba kami ginugulo? Ibalik ninyo ang asawa ko sa akin!" gigil na ani ko. I'm not acting na galit, dahil galit talaga ako. Hindi man lang nila pinaayos ng pose si Lily. Damn. Tumawa ang matandang lalaki na kausap ko. "Hijo, hindi iyon gano'n kadali. Kailangan muna nating maging magkatrabaho. Oras na pinahirapan mo kami ay gagawin kong impyerno ang buhay ng asawa mong si Lily." Humugot ako ng hangin. Pero ang alam ko'y si Lily ang gagawa ng way para magin