Chapter Seventy-three "Inom lang. Iyong sakto lang, Lily. Huwag kang makikipagsabayan sa iba dahil batak na sila sa inuman. Please! Makinig ka sa akin. Baka kung hindi ay matulad ka kina mommy na naranasan pang ma-ospital." "Pag-iisipan ko." "Lily," umaga pa lang. Naghahanda pa lang kami sa gala namin with Chi-Chi pero nagbibilin na ito. Mukha na ngang stress. "Trust me. Okay?" ani ko rito. Tinitigan ako nito. Iyong titig na alam mong hindi niya kayang magtiwala sa akin. Kaya natawa ako at tinapik ang balikat nito. "I-enjoy natin ang umagang ito, Nairo. Relax." "After what I witnessed the last time you were drunk. I can't relax, Lily." Sign na traumatized ang isang tao. Chill pa nga ako no'n, eh. Hindi pa nito nakita ang 100% na kalasingan ko. "Huwag ka na lang sumama later para hin