Chapter Seventy-two Hindi ko nakita ng gabi si Chi-Chi pag-uwi namin ni Nairo sa bahay. Sumama ang pakiramdam ng lalaki kaya naman sinubukan ko itong asikasuhin. Nanghina ang lalaki sa sobrang stress kanina sa sasakyan. "Ma, anong lulutuin ko?" "Soup. Iyong palagi kong iniluluto sa 'yo tuwing masama ang pakiramdam mo." "Chicken soup?" "Yes, hija." Lumapit ako sa ref. Tinignan kung may pwede akong iluto roon gaya ng suggestions ng aking ina. Pero naalala ko na hindi nga pala ako marunong magluto ng gano'n kaya isinara ko ang ref ko. "Noodles na lang, ma. Chicken flavor." "Lily!" ani ng nanay ko. "Paano iluto ang noodles, ma?" "Lily!" reklamo nito. Kulang na lang sabihin nitong ang bobo ko. "Ma, nagtatanong po ako para matuto." "Magpakulo ka ng tubig." Agad kong dinampot ang ele