Chapter Fifty-nine "Bakit may black eye ka?" nag-aalmusal na kami nito. Tulog pa ang mga kaibigan ko. Si Nevara ay nag-text lang kanina at sinabing nasundo siya ni tanda bago pa dumating si Nairo. Safe. Hindi ito nakita ng lalaki. "Seriously, Li? You're asking me like that even though you're the one who did---" "Hoy! Nagbibintang ka na naman. Don't tell a lie." Sabay takip ko sa tenga ko. Ayaw kong marinig ang kasinungalingan nito. "Check this..." iniangat din niya ang pants niya. Nakita ko agad ang malaking pasa nito. "Binato n'yo pa ako!" "Hoy!" ani ko. Wala akong maalala sa mga sinasabi nito. "Yes, Lily! Naalala mo ba no'ng umakyat ka sa pader?" "Ako? Aakyat ako sa pader?" "Yes, iyong sa bakod. Sinubukan kitang saluhin para hindi ka masaktan." Sabay pakita ng siko niyang may gas