Chapter Sixty "Malalagot tayo sa nanay mo kapag nalaman niyang hindi mo sinunod iyong utos niyang lie low muna." Komento ni Issie habang nakaupo kami sa edge ng rooftop na kinaroroonan namin. "Sinusunod ko naman, Iss. Sadyang curious lang ako sa mga sinabi ng lalaki kanina bago siya patayin." "Pero may napala ka?" umiling naman ako. "Bumalik ako sa palengke kanina. Pero patay na iyong mga lalaking nagrarambulan. Iyong lalaking galit na galit kanina... in-check ko iyong pamilya niya. Patay na rin. Nagkaroon daw ng sunog kanina lang din. Ipinasilip ko kung may police report na regarding sa kapatid na nawawala pero wala raw." "Wala kang nakuhang details sa mga tao sa paligid?" "Siyempre meron. Ano pa't anak ako ng isang tsismosa at kaibigan ako ng mga tsismosa." Sumama ang tingin ni Iss