Chapter 106 Parehong hindi nag-open ng camera ang dalawa. Pero naka-mask pa rin si Nairo in case na may Hindi inaasahang pangyayari. "Alam ko ang skills mo, hijo. Kaya may malaking offer ako sa 'yo." Nakikinig lang ako. Nanunuot sa tenga ko ang tinig na iyon na sa totoo lang ay nagpangiti sa akin. Iyong tingin ni Nairo sa akin kanina pa ay parang gusto na akong tanungin kung bakit gano'n ang reaction ko. "Alam ko ang husay at connection mo, hijo. Tiyak na sa offer kong ito ay limpak-limpak na pera ang papasok sa 'yo." "What is it?" "Gusto naming magamit ang malalaking laboratoryo na pag-aari mo. Kung papayag ka'y gagawin pa kitang business partner kahit na wala kang perang inilalabas." Hindi sumagot si Nairo. Illegal agad ang pumasok sa utak ko dahil sa gano'n offer. "Anong klaseng n