Chapter 107 "Dahil sa binigay mong tip ay kumpirmado na, Lily. Siya nga iyon." Ka-video call namin si mama, iyong mama kong boss ng organization. Seryoso kasi ito't halatang bobombahin ako kapag hindi ako seseryoso ngayon. "I'm so magaling talaga, ma---" "Ngayon ay alam na natin kung nasaan siya." "Pwede na natin siyang kunin." "No. Hindi pwedeng siya lang ang makuha natin, Lily. Kailangan bumagsak din ang sindikato. Kung mawawala si Arvon Kapkafe ay tiyak na may papalit lang din sa kanya. Ang sindikato na pinamumunuan niya ay tiyak kong maraming kilalang tao na mabibingwit natin oras na ang sindikato ang puntiryahin natin. You get it?" agad naman akong tumango. "Opo." "Kaya kakailanganin natin ang tulong ni Nairo." Napaayos nang upo si Nairo at tumingin sa akin. Dahan-dahan pa