Chapter 108 "Si Chi-Chi... si Chi-Chi si Star." Lumarawan ang pag-aalala sa mukha ng asawa ko. Sinapo pa niya ang pisngi ko para maiharap niya ako sa kanya. Natapos na ang usapan namin ni mama. Ngayon ay kami naman ni Nairo ang kailangan mag-usap. "Baby, hindi ka pa naka-move on sa pagkawala ng bata?" iniisip pa ata ng lalaki na may problema na ako dahil sa pagkawala ni Chi-Chi. Kaya hinawakan ko ang kamay nito na nakasapo sa pisngi ko. Saka ko ito iginiya paupo sa kama. "Nairo, buhay si Chi-Chi. Buhay na buhay ang batang makulit." "W-hat do you mean, wife?" "P-inalabas naming patay na siya." Napayuko ako. Baka dahil sa ginawa naming iyon ay magbago ang tingin nito sa akin. Kaya mabilis ko ring dinugtungan nang paliwanag. "Naging kritikal ang lagay niya, Nairo. Isang malakas na impact