Chapter 122 Chiana Naira at Ciandra Naira ang ipinangalan namin sa kambal. Nabalitaan kong nawalan ng malay ang asawa ko no'ng malaman nito na kambal na babae ang anak namin. Parang maling desisyon na hindi namin agad inalam ang gender ng kambal. At least sana'y hindi nalagay sa gano'n sitwasyon ang asawa ko. Sana'y may ilang buwan ito na paghahanda para sa kambal niyang anak. Pero parte ng memories ng pamilya namin iyon... thanks to Theo. May video pa kung paano bumagsak si Nairo. f*****g epic. "Ngiting-ngiti ka d'yan." Puna ni Nairo na katatapos lang magpalit ng diaper ng kambal. Hindi pa ito bumabalik sa trabaho kahit na dalawang buwan na pagkatapos kong manganak. Gusto niyang nasa tabi namin siya. Sa laptop na lang siya nagtitingin ng importanteng emails. Pero mas marami siyang or