Chapter Seventy-nine 7 am ay umaalis si Nairo, balik ng 5:30 am sa bahay nito. Iyon ang araw-araw nitong routine. Limang araw ang matuling lumipas. Naroon lang ako. "Wala ka bang balak umuwi para makilibing kay Chi-Chi?" ani nito sa akin. Hindi ako sumagot. "Sasamahan kita. Pasensya ka na kung kinukulit kita. Sadyang ayaw ko lang na may pagsisihan ka pagdating ng panahon. Ayaw kong magsisi ka na hindi ka pumunta no'ng may pagkakataon ka pa." "Ayaw ko." Cold na tugon ko kay Nairo at tinalikuran ito. "Li," tawag nito sa akin pero hindi ko pa rin siya hinarap. Narinig ko ang mga yabag nito papalapit. Yumakap ito sa akin mula sa likuran. "Fine. Kung ayaw mo ay hindi na kita pipilitin. Alam kong nasasaktan ka pa rin. Malungkot din ako, Lily. Pero narito ako para sa 'yo." "Papasok na ako. M