Chapter Eighty "Pag-aari rin ito ni Ninang Batsy. Pero ang pinakaunang branch ng Alpha's Foodie ay iyong naroon sa The Alpha's Town." Papasok na kami ng restaurant kung saan kami kakain. Tuloy si Nairo sa pagbibigay ng trivia sa mga nakikita namin. Ngayon ay itong restaurant naman ang pinagdidiskitahan niya. "Alam kong mayaman iyang Ninang Batsy mo. Pero paanong nakatayo pa rin ang restaurant samantalang hindi naman marami ang customer?" "Nambubudol si Ninang." Ay! Parang ako? "Paanong budol?" ani ko rito. Mukhang pareho kami ng talent ng ginang na iyon. "Overpriced ang mga pagkain niya." Natawa pa ang lalaki. "Bukod sa masarap ang pagkain... sinusuportahan pa rin ang restaurant dahil sa foundation na nakikinabang sa malaking pursiyento ng kita niya." "Wow, nice!" pareho talaga kami