Chapter Seventy-six Hindi ako kinakausap ni Nairo. Parang ilang araw na iyong hangover ko. Pero hindi pa rin nawawala. Puro ako tulog. Hindi pa ako bumabalik sa paupahan kahit na schedule ko nang pagtitinda. Hindi ko maalala iyong mga nangyari no'ng nakaraan. Para akong na blanko. Kaya rin hindi ko alam kung ano ang pinagpuputok ng buchi ng lalaki. Nagigising ako ng tanghali na wala na ang asawa ko. Sa gabi naman ay maaga akong nakakatulog. Hindi ko na naghihintay pa ito. Ngayon, Saturday na. Tiniyak ko talagang mahihintay ko siya. Nagpahanda ako sa kasambahay ng dinner para sa aming dalawa at dito ko na iyon pinapwesto sa kwarto. Naligo na rin ako at tiniyak na mabango ako para naman makapaglabing-labing kami mamaya. Nag-ahit pa ako ng pepe para swabe ang kain nito. Busy ito