Chapter Sixty-four Lumalalim na ang kwentuhan. Nagsisimula na rin silang magtanong ng mga bagay na patungkol sa akin. "Anong pinagkakaabalahan mo, hija?" "Tindera po ako ng kakanin sa palengke." Naghihintay ako na magbago ang expression ng mga mukha nila. Pero wala akong nakitang negatibong reaction. "Really? Nice! Ikaw ba ang nagluluto ng kakanin?" "Hindi po. Inaangkat ko lang at itinitinda ko sa palengke. Iyon po ang kabuhayan ko." "Saan kayo nagkakilala ng anak namin?" gumawi kay Mr. Martin ang tingin ko. Ngumiti ako rito. "Customer ko po sa palengke si Nairo... I mean, nagandahan po yata masyado ang lalaki sa akin. Kaya nang makita ako ay agad akong sinundan at pinakyaw ang paninda ko. As in sold out po. Noong una ay nagduda po ako sa kanya. Ano ang reason niya kung bakit b