Chapter Sixty-five "Kailan ka available? Sana'y makasama kita sa pagsho-shopping. Gusto kitang ibili ng mga need mo---" "Mommy, that's my job. I'm the husband... ako ang magpro-provide ng lahat ng needs niya." "Hoy! Kumikita naman ako sa pagtitinda ng kakanin. Kaya ko ring bilhin ang needs ko." "Pero as your husband... gusto kong ibigay sa 'yo ang lahat. Huwag nang tumutol, baby." s**t! Baby raw. Bakit ako kinilig? "And as your mother-in-law ay gusto ko ring bigyan ka ng mga gift. Kaya kapag hindi ka busy ay magsho-shopping tayo." Pasimpleng kinalabit ako ni Nairo. Tinignan ko ito. Nakangiti ito sa akin. May nais ipahiwatig iyon at nauunawaan ko naman kung ano. "S-ige po, ma'am." "Mommy." Pagtatama ng ginang. "Sige po, mommy." "Perfect! My heart is so full right now. Gage,