Chapter Sixty-six "Ipakikilala mo rin ba ako sa parents mo?" on the way home ay narinig ko iyon na tanong ng lalaki sa akin. Pareho kaming nakasakay sa backseat. Si Kuya Bencio ang driver. Ihahatid lang kami nito sa bahay, tapos babalik ito sa mansion ni Nairo. "Oo naman. Ipapakilala kita biglang sugar daddy ko---" "My question is serious, Lily." "Oh, need ba na seryoso rin ang sagot?" nag-iwas ito ng tingin. Kaya naman hinawakan ko ang baba nito para matitigan ko siya sa mga mata. "Siyempre naman! Pero baka matagal pa. Ire-ready ko muna sila, Nairo. Tiyak na kapag binigla sila ay mahahabol ka nila ng taga---" "K-aya nilang gawin iyon?" "Oo naman. Pinakasalan mo ang prinsesa nila, eh. Tiyak na taga talaga ang abot mo sa kanila." "Dapat ay makapagpaliwanag na pala tayo agad bago p