Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 3 AiTenshi Nov 23, 2018 Halos hindi ako makapaniwala na ang Pyramid ay ginawa ng sinaunang sibilasyon. Ayon sa mga siyentipiko at archeologist sa hinaharap ay daan taong lamang ang tanda ng mga ito, ngunit nag kakamali sila dahil ang mga ito ay ginawa libo libong taon na ang nakakalipas. At ito ay nasaksihan ng aking dalawang mata. Ngumiti si Rashida at nag wika. "Ipapakita ko sa iyo ang proseso ng pag likha. At kung bakit ako binansagang isang "Diyos". Part 42: Proseso ng Paglikha Muling hinawakan ni Rashida ang aking braso at doon ay muli nanamang nag bago ang aming paligid. Dinala niya ako sa isang bakanteng lugar kung saan naroroon ang kanyang sasakyang pang kalawakan. Hugis bilog ito na animo donut. Malaki at yari sa mataas na uri ng