Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 3 AiTenshi Nov 25, 2018 Part 43: Kaibigan Matapos niyang isalaysay ang proseso ng pag likha, nag tungo naman kami sa isang ilog kasama ang kanyang kanang kamay na si Maat. Si Rashida ay walang pinag kaiba sa aming mga tao, ang kanyang kilos at pananaw ay halos katulad ng sa amin. "Ito ang ilog na paboritong puntahan ng Panginoon. Kung iyong pag mamasdan ay malinaw ang tubig dito, malamig at parang kristal. Inaalagaan namin ito ayon sa kanyang bilin." bulong ni Maat habang pinag mamasdan si Rashida na nakatapak ang paa sa tubig. Maya maya ay hinubad niya ang kanyang saplot dahilan para tumambad sa aking paningin ang kanyang magandang katawan. Perpekto ang pag kakahubog na tipong kaya niyang itaob ang pinaka sexing male model sa aming panahon