Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Oct 20, 2018
"Bakit hindi? Hangga't kaya mong kontrolin ang iyong isip at katawan ay wala tayong magiging problema. Please naman." wika ko sabay haplos sa kanyang mukha.
Iniwas niya ang kanyang pisngi mula sa aking pag haplos. "Huwag, baka masaktan kita. Iwan mo na ako dito at humanap ng ibang lalaking mag papasaya sa iyo. Patawad ngunit hindi ako ang taong para sa iyo." ang seryosong wika niya habang naka tingin sa akin ng tuwid.
Mga katagang nag dulot ng kakaibang kirot sa aking puso..
Part 17: Pagkabigo
"Bart, please. Hindi ganoon kadali ang nais mo. Ikaw ang mahal ko, hindi ako maaaring bitiwan at itapon basta basta ang mga pinag samahan natin. Magagawan natin ng paraan ang kondisyon mo. O, kaya ay maaari tayong maging mag kapanalig. Tulungan mo akong lupigin ang kasamaan, gamitin mo sa kabutihan ang kapangyarihan mo." ang paki usap ko habang hinahakawan ng kanyang mga kamay.
"Hindi ko ito kontrolado at ayokong masaktan ka o makasakit ng tao sa paligid ko. Ikaw ay alagad ng kabutihan, ang aking binhi ay galing sa kasamaan. Hindi magiging maganda ang ating pag sasama. Sadyang naging mapait lamang ang kapalaran para sa ating dalawa. Pero gayon pa man ay nag papasalamat ako sa masasayang araw at sandali na pinag samahan natin. Maaaring nasakop ng maitim na kapangyarihan ang aking katawan ngunit lahat ng ala-alang iyon ay mananatili sa aking puso." ang wika niya
"Bumibitiw ka agad? Iiwan mo ako Bart? Bibitiw ka sa mga oras na hindi kita kayang bitawan?" ang tanong ko sa kanya
At habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lamang umulan ng bala sa aming kinalalagyan. Ang mga bala ay nag mumula sa mga sasakyang pang himpapawid ng militar. At sa aming paligid ay kumalat na rin ang mga sundalong armado ng iba't ibang sandata, mga nakatago sila sa mga damuhan upang hindi agad mapansin.
Sinangga ko ang kanilang pag atake..
"Kung mananatili ako sa iyo ay tiyak na guguluhin ka lamang ng mga militar dahil ako ay isang halimaw. Kinakailangan kong lumayo at alamin kung para saan ang aking buhay." wika ni Bart.
Tahimik..
"Mahal mo pa ba ako?" tanong ko
Tumingin siya sa aking mata at maya maya ay binawi rin ito. "Hindi na.. Hindi na kita mahal." sagot niya
Parang may kung bagay ang tumusok sa aking puso, hindi ako makapaniwala sa mga katagang binibitiwan ni Bart.
"Hindi ako naniniwala! Alam kong mahal mo pa rin ako. Please Bart, huwag kang umalis. Huwag mo akong iwanan!" ang paki usap ko sabay yakap sa kanyang katawan.
“Narding please, bitiwan mo ako.” Pakiusap niya habang inaalis ang pag kakalingkis ng aking kamay sa kanyang tiyan
“Bart, hindi ako bibitiw. Mahal na mahal kitaaa.” Ang umiiyak ko salita.
“Iba na ang lahat ngayon. Ingatan mo ang sarili mo.” ang tugon naman niya
Habang nasa ganoong pag yakap ako ay biglang nag kapira piraso ang katawan ni Bart at naging maliliit na ahas ito. Ang lahat ng iyon ay gumapang sa iisang direksyon palayo sa akin.
Napaluhod ako at napatukod ang aking kamay sa lupa. Hindi ko maiwasang masaktan habang pinag mamasdan siyang lumayo sa aking kinalalagyan. Kakaibang kirot sa aking dibdib ang lumukob sa aking buong pag katao. Ang hindi maipaliwanag na sakit dulot ng pag kabigo at kahit ilang ulit ko pang itanong sa aking sarili kung paano umabot sa ganito ang lahat ay wala akong makuhang sagot. Basta sa isang iglap ay nag bago ang tadhana para sa aming dalawa ni Bart.
At tuluyan na nga siyang nawala sa akin. Lumayo siya sa mga panahon na hindi ko kayang mag isa..
Nanatili ako sa ganoon posisyon hanggang sa lumapit sa akin ang isang pulis. Tinutukan ako ng baril at pinatayo. "Huwag kang kikilos ng masama. Super Nardo, arestado ka sa salang pag tatanggol at pag papatakas sa isang halimaw." ang malakas na salita niya na punong puno ng otoridad.
Pumalibot sa akin ang mga sundalo habang nakatutok ang mga baril sa aking harapan. "Huwag kana mag tangkang tumakas o lumaban." ang wika ng isang pulis sabay lagay ng posas sa aking kamay.
Hindi naman ako lumaban, naka tahimik lamang akong sumunod sa kanilang nais. Malinaw na pag labag sa batas ang aking ginawa ngunit para sa akin ay tama ito lalo't mayroon akong pinoprotektahang mahalagang tao. Kahit ilang batas ay susuwayin ko basta para sa kanila.
Pag balik namin sa siyudad ay dumagsa ang mga media at ang mga taong bayan na nakiki usisa sa isang super hero na may posas sa kamay. Noong mga sandaling iyon ay naging laman ako ng mga pahayagan, balita sa radyo at tv. Pati na rin sa mga social media ay ang aking larawan na nakaposas ang siyang makikita.
Hindi ako lumaban at wala silang pag tutol na nakuha sa akin. Basta sumunod lang ako sa kanilang nais. Ang mga tao nga naman ay para kung sinong matatapang pero bahag naman ang buntot kapag dumarating na ang malalakas na kalaban. "Bakit mo ginawa iyon Nardo? Bakit mo kinampihan ang isang halimaw?" ang tanong ng isang pulis
Hindi ako sumagot..
"Hoy Nardo, sagutin mo si sarge Barurot! Matapang iyan at walang sinasanto." ang wika ng isa.
"Hindi siya ang tunay na kalaban. Sana ay ganyan kayo katapang kapag may dumarating na dayuhang nag nanais sakupin ang ating mundo." ang sagot ko dahilan para matahimik ang mga pulis sa loob kanilang istasyon.
"Minamaliit mo ba ang ating mga kapulisan?" tanong ni Sarge Barurot.
"Nag sasabi lamang ako ng totoo Sarge Barurot." sagot ko sabay pasok sa loob ng rehas.
"Ang yabang yabang mo naman Nardo, kaunting paligo lang ang lamang mo sa akin!" ang wika nito habang kinakatok ang rehas.
Hindi ko naman siya pinansin..
Breaking News: Dinakip ng mga kapulisan ang Super Hero na si Nardo matapos nitong tulungang makalaya ang isang makapangyarihang halimaw. Tinugis ng mga otoridad ang naturang super hero hanggang sa ma corner na lamang ang mga ito sa paanan ng bundok ng Lawiswis. Sa kasamaang palad ay hindi nadakip ang halimaw dahil naka takas na ito.
Isang malaking palaisipan pa rin kung bakit hinayaan ni Super Nardo na makatakas ang isang halimaw na siyang sumira sa halos dalawampung gusali sa buong siyudad. Si Nardo nga kaya ay isang bayani o isa rin siyang kaaway na nag tatago sa katauhan ng isang matulunging anghel. Ako po si Liza.. Ay!!!" ang tili nito. Hindi siya nakatapos sa pag rereport dahil inagaw ng isang matandang babae ang kanyang mikropono.
"Hoy impakta, hindi kaaway si Super Nardo! Isa siyang bayani at nag bubuwis siya ng buhay para sa ating lahat. Kung wala siya ay baka matagal na tayong nabura sa mundong ito. At iyang mga pulis na iyan, ang lakas ng loob ninyong hulihin si Nardo, paano kapag dumating ang mga kalaban? Sinong haharap? Kayo? Kaya nyo ba? Mga duwag rin naman kayo. At ikaw naman babae kang reporter ka kung ano anong pinag sasasabi mo!" ang gigil na wika ni Lola sabay sabunot kay Liza sa national television.
Kinuha ni Liza ang mic. "Ako po si Liza arrayy!! Liza Mae Lawit!! Nag.. ouch!! Nag uulat!!"
End of report..
"Sarge Barurot, nasa labas po ang kolumnista na si Carlito De Dios!" ang wika ng isang pulis.
"Anong ginagawa ng baliw na iyan dito?" tanong ni Sarge "Sige papasukin mo. Hingan mo tuloy ng pera pang yosi!"
Maya maya nga ay pumasok si Carlito hawak ang kanyang bag. Bitbit siya ng pulis na parang isa sa mga inarestong suspek. "Carlito, Carlito, ano naman ang ginawa mo ditong baliw ka?" tanong ng sarhento
"Naparito ako para piyansahan si Nardo. Heto ang dalawang daang libong piso. Palayain nyo siya!" ang wika ni Carlito.
"Alam mo, hindi maaari ang nais mo dahil ang utos ng nasa itaas ay bawal piyansahan si Nardo." sagot niya
"Nasa itaas? Inutos ba ng Diyos iyon? Paano nyo siya naka usap? Nag text ba o nag email?" seryosong tanong ni Carlito
Tawanan sila..
"Baliw ka talaga hano? Alam mo kahit piyansahan mo pa iyang si Nardo e hindi ka niya papansinin. Gwapo si Nardo, tingnan mo nga, kaputi, ang laki ng katawan, ang kinis ng balat at mukhang artista sa Hollywood. Ikaw naman ay mukhang artista dito sa local. Yung kapareha ni Mannilyn Reynes. Yung nasa bowl!" ang pang aasar ng sarhento
"Si Undin iyon boss!" ang sagot ng mga pulis.
"Oo tama, si Undin nga iyon! Yun ang kahawig mo Carlito." ang wika nito
Tawanan sila..
"Bakit ninyo ikinulong si Nardo, paano kapag may dumating na alien o dayuhan dito na galing sa ibang planeta. Kaya nyo ba silang labanan? Mga duwag kayo at walang alam kundi ang mangotong sa mga inosenteng mamayan!" ang wika ni Carlito dahilan para hablutin si Sarge ang kanyang damit. "Anong sabi mo? Gusto mo bang lumpuhin kita ngayon?" gigil na tanong nito at maya maya ay lumapit sa kanya ang dalawang pulis at pinag susuntok ito.
"Tama na!" ang sigaw ko. "Huwag nyo siyang saktan, gusto lamang niya na makalaya ako. Itigil nyo na ang ginagawa ninyong pang aasar at pang hahamak sa kanyang pisikal na anyo."
"Paano kung hindi namin itigil? Anong magagawa mo e naka kulong ka nga." ang wika ng isang pulis.
"Kung hindi ninyo ititigil ay lulumpuhin ko kayo." seryoso kong sagot sabay pitik sa rehas na bakal at naputol ito.
Natakot ang mga pulis at binitiwan nila si Carlito. "Umalis kana, gamitin mo na lamang ang iyong pera sa hinaharap."naka ngiti kong salita.
Inayos niya ang kanyang sarili at nag tatakbo palabas sa istasyon. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa harap ng rehas habang nakatingin ng masama sa mga pasaway na pulis. "Ang baril ay ginamit para ipag tanggol ang inyong mga sarili. Hindi ito ginagamit sa kayabangan at para ipakita na kayo ay may kakayahang kontrolin ang mga tao sa paligid ninyo. Isang malaking pag kakamali na kayo ay tawaging alagad ng batas. Kung ganyan lamang ang gagawin ninyo ay mas mabuti pang buhatin ko ang inyong istasyon at ilagay ito sa buwan, doon kayo mag silbi kasama ng mga batong walang buhay." ang seryoso kong salita sa kanilang lahat..
"Boss! Maraming nag poprotesta sa labas. Ang gusto nila ay palayain natin si Super Nardo!" ang wika ng mga pulis.
"Itaboy nyo sila. Huwag papa bayaang makapasok dito!" utos ni Sarhento pero huli na ang lahat dahil laking gulat ko ng makita si Cookie na nasa loob ng istasyon.
"Anong ginagawa ng isang iyan dito?" tanong ni Sarge.
"Nandito ako para sabihin na palayain na si Super Nardo. Ano papalayain nyo ba siya o ibubulgar ko yung sikreto ng mga kapulisan dito? Akala nyo ba ay hindi ko alam? Ikaw.. ikaw.. at ikaw pa!" ang wika niya sabay turo sa mga bortang pulis sa gilid.
"Ha? Bakit kami?" ang tanong ng mga borta.
"Oo kayong tatlong borta. Palayain nyo si Super Nardo kundi ay iuunfollow ko kayo sa twitter! Akala nyo ba ay hindi ko alam yung mga alter account niyo? Lahat kayo ay may tattoo sa singit at nag orgy pa kayo kagabi! Gusto nyo bang mabawasan ang followers nyo? Gusto nyo bang maloka loka kapag nabawasan auto likers ninyo?" ang pambabanta ni Cookie. "Oh bakit di kayo makasagot? Alam nyo ba na yung kaibigan kong famewhore ay nag commit ng suicide kagabi dahil nabawasan ng isa yung followers nya. Hindi niya kinaya ang kalungkutan, nag hunger strike siya at nag lason! Sad life talaga!"
"Palabasin nyo nga yung bakla na iyan. Ang ingay ingay!" utos ni Sarge Barurot.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla na lamang nag dilim ang paligid. Kasabay nito ang pag yanig ng lupa sa aming kinatatayuan dahilan para mag panic ang lahat. Ang mga gamit sa istasyon ay nag kahulog at nag bitak ang sahig nito. "Anong nangyayari?!" tanong ng mga tao sa loob
"Sarge, may isang kakaibang sasakyan doon sa kalangitan. Hugis barko ito at nag babanta na papasabugin tayong lahat!" ang natatakot na report ng isang pulis.
"Jusko, hindi pa nag papahinga si Nardo, mayroon nanamang kalaban!!" ang wika ni Cookie
"Aalis na ako Sarge Barurot. Ang isang iyan ay hindi biro. May nakapag sabi sa akin na mayroong mga pirata na nag lalabay sa kalawakan at sisirain nila ang mga bagay na kanilang nais." ang wika ko sabay hawak sa dalawang rehas at ibinuka ko ito para makalabas.
Pinigilan ako ng mga pulis at muling pinosasan. Ngunit sinira ko lang ang posas at nag dire-diretso ako sa pag labas sa istasyon.
Noong makita ako ng mga tao sa labas ay nag palakpakan sila, ang lahat ay natuwa sa aking pag labas mula sa mga bakal na rehas.
Tumingila ako at nakita ko nga itong kakaibang sasakyan sa kalangitan. Hugis barkong lumilipad at nag papasabog sa iba't ibang direksyon.
Hindi na ako nag aksya ng sandali. Mabilis akong lumipad upang puntahan ang bagay na iyon sa kalangitan. Halos hindi pa humuhupa ang sakit dulot ng pag alis ni Bart ay heto nanaman ako at sasabak nanaman sa isang labanang walang kasiguraduhan ang tagumpay.
Itutuloy..