Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Oct 21, 2018
Tumingila ako at nakita ko nga itong kakaibang sasakyan sa kalangitan. Hugis barkong lumilipad at nag papasabog sa iba't ibang direksyon.
Hindi na ako nag aksya ng sandali. Mabilis akong lumipad upang puntahan ang bagay na iyon sa kalangitan. Halos hindi pa humuhupa ang sakit dulot ng pag alis ni Bart ay heto nanaman ako at sasabak nanaman sa isang labanang walang kasiguraduhan ang tagumpay.
Part 18: Pirata ng Kalawakan
FLASH BACK
Kaming 5 ay nag pasyang mag tungo sa inyong daigdig upang wakasan ang kasaysayang ng matandang kapangyarihan. Sa tulong ng mga taga Guryon na bihasa sa pag gamit ng worm hole at time travel ay madali kaming nakarating sa inyong galaxy. Iyon nga lang ay dumaan kami sa butas ng karayom bago marakating dito dahil naka sagupa namin ang sasakyang pandigma ng pinaka makapangyarihang kapitan sa mga piratang pang kalawakan, siya si Juho, isa siya sa nag nanais makamit ang sagradong kapangyarihan na nakahimlay sa inyong daigdig.
Nakipag digma kami sa grupo ni Juho hanggang sa napa bagsak niya ang tatlo naming kasamahan at tanging kami na lamang ng sasakyang pandigma ng Guryon ang nakarating dito." ang salaysalay ni Cacius.
End of Flashback (Scene from TNN2 part 8: Hudyat)
Patuloy ako sa pag lipad hanggang sa makarating ako sa harapan ng sasakyang pandigma ng mga dayuhan. Napahinto sila sa pag papa putok noong makita nilang naka lutang ako sa kanilang harapan.
Mukhang tama nga ang hinala ko, ang sasakyang ito ay ang mga tinutukoy na pirata ni Cacius. Ang kanilang sasakyan napapaligiran ng mga kanyon na parang sa mga pirata sa telebisyon, iyon nga lang ay lumulutang ito at wala kang ingay na maririnig mula sa paligid. Parang walang makinang nag papaandar, walang usok, walang apoy.
Tahimik..
Habang nasa ganoong pag mamasid ako ay bigla na lamang gumalaw ang sasakyan, lumiko ito ng direksyon at saka lumipad ng mabilis palayo. Hindi naman ako nag aksaya ng pag kakataon, lumipad rin ako at sinundan sila.
Kapwa kami lumipad sa mag kaparehong direksyon, kahit anong bilis nila ay nahahabol ko pa rin. Kaya wala silang nagawa kundi ang lumapag sa isang kabundukan..
Iyon rin ang aking ginawa..
"Anong kailangan ninyo sa aming planeta?" ang tanong ko
Maya maya ay biglang nag liwanag ang harapan ng sasakyan at dito ay bumaba ang imahe ng isang nilalang. Noong masilayan ko ang kanyang anyo ay laking gulat ko noong makitang tao rin ito. Ang ibig kong sabihin ay kawangis ito ng tao. May dalawang mata, isang ilong, labi na kagaya sa akin at dalawang tainga. Mag kasing taas rin kami at mag kasing hubog ng katawan. "Bakit ganyan kang maka titig sa akin? Ganyan ba ang tamang pag salubong sa isang panauhin?" naka ngiti niya ng tanong
"Panauhin? Hindi kami tumatanggap ng ganoon dito lalo kapag galing sa ibang mundo." seryoso kong tugon
"Nakaka lungkot naman iyang sinabi mo. Kaya naman pala sobrag baba ng inyong teknolohiya dahil hindi kayo nag papasok ng mga dayuhan galing sa mamalayong galaxy, alam nyo ba na sila ang susi sa inyong walang hanggang talino?" ang wika niya
"Sa tingin ko ay hindi na kailangan ng mundong ito ang sobrang katalinuhan. Alam mo naman na lahat ng sobrang ay nakakabuwang!" ang sagot ko.
"At ang lahat ng kulang ay nakakapang hihinayang diba? Ako nga pala si Juho, mula sa planetang Riraya. Isa akong pirata na nag lalakbay sa kalawakan upang mangulekta ng yaman, kapangyarihan at mga natatangging sandata na naka himlay sa bawat planetang aming pinupuntahan. Ikaw? Sino ka?" tanong niya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Anong sadya mo rito sa aming daigdig?" tanong ko
"Ang totoo noon ay may hinahanap ako mga kaibigan. Sa pag kakaalam ko ay dito sila sa inyong mundo napadpad."
"Sinong kaibigan?"
"Mga kaibigan mula sa ibang planeta. Hawak ng isa roon ang mapa kung saan matatapuan ang pinaka sagradong kapangyarihan dito sa iyong mundo. Ang mga taga planetang Guryon talaga ay sadyang matatalas ang mga utak dahil nagawa nilang mag lakbay ng ganitong ka layo upang angkinin ang kapangyarihang iyon." ang wika niya
Noong marinig ko ang tungkol sa planetang Guryon ay nag balik sa aking ala ala yung mga kaganapang pag bibigay niya sa aking babala ukol ng mga dayuhan nag nanais na hanapin ang sagradong kapangyarihan. At yung mapa, iyon ang iniwan niya sa akin bago siya mawala.
FLASH BACK
"Mabuhay Earthlings, huwag kang mag alala dahil buhay pa ang kaibigan mo. Kinakailangan ko lamang gamitin ang katawan ng pangit na baklang ito upang mag kaunawaan tayo. Kami ay nag mula sa planetang Guryon na nasa malayong galaxy. Ang aming planeta ay ang isa sa pinaka mahuhusay sa pag gamit ng worm hole at time travel kaya't agad kaming nakarating dito upang mag bigay ng babala at isa pa ay kaibigan namin ang iyong Planeta.
Dito sa planetang Earth naka himlay ang labi o kapangyarihan ng dalawang Diyos na may kakayahang gunawin ang mga planeta sa kalawakan. Ang ibang planeta ay hindi makapaniwala na dito pa sa inyong mahina at kulang sa teknolohiyang planeta nahimlay ang pinaka malakas na enerhiyang iyon. Noong malaman ng nila ang tungkol dito ay agad sila pupunta upang kuhanin ang naturang kapangyarihan.
Kami sa planetang Guryon ay nais lamang ng katahimikan sa kalawakan kaya agad kami nag tungo dito upang bigyan kayo ng isang babala. Nais sana naming tumulong ngunit ang aming sasakyang pang kalawakan ay nasira kanina lamang at ako na lamang ang natitirang buhay. Sa kalagayan kong ito ay batid kong hindi na rin ako mag tatagal kaya nais kong iwan sa iyo ang isang mahalagang mapa kung saan matatagpuan ang dalawang makapangyarihang enerhiya ng Diyos. Ang lahat ng aming teknolohiya ay ibinuhos namin sa mapang ito kaya hiling kong pag ingatan mo. Balang araw ay mauunawaan mo rin kung bakit sa iyo namin ibinigay ang mapa." ang wika niya sabay abot sa akin na isang metal na bilog na animo isang holen.
"Iyan ang mapa, taglay nito ang impormasyon ukol sa kapangyarihan ng Diyos. At sa mga oras na ito ay tiyak na parating na rin dito ang ilang mananakop, pag igihan ninyo ang pag tatanggol sa inyong planeta, huwag ninyong hahayaang makuha nila ang alin man sa dalawang kapangyarihan dahil tiyak na magiging katapusan ng lahat." ang wika niya at doon ay huminga ito ng malalim na animo nahihirapan.
"Sandali, sinong mananakop? Sino at saan sila nag mula?" ang tanong ko
Itinuro niya ang kalangitan at ang pinaka maliwanag na bituin dito at saka unti unting binawian ng buhay. Ang kanyang katawan ay naging abo at sumama sa hangin. Wala akong nakuhang impormasyon kundi ang isang babala na galing sa kalawakan na mayroong nag babadyang masamang dayuhang nag nanais sa iisang kapangyarihan. Hindi malinaw sa akin ang lahat ngunit batid kong kailangan mag handa para sa ika bubuti ng lahat.
End of Flashback
"Ang mapa iyon ay nag lalaman ng teknolohiyang mag tuturo kung saan naka himlay ang aming hinahanap. Tanging ang matatalas na utak lamang ng mga taga Guryon sa buong kalawakan ang makakagawa nito." ang wika niya
"Wala rito ang hinahanap mo. Umalis kana." ang tugon ko.
"Hindi ganoon kadaling umalis. Sayang naman ang pag punta namin dito." tugon rin niya saka luminga linga sa kanyang paligid. "Maganda itong mundo ninyo."
"Maganda, kaya maraming pumapasok para mawasakin." tugon ko rin
"Sino kaya ang gumawa dito sa inyong planeta? Marahil ang gumawa sa inyong mundo at ang gumawa ng sa amin ay iisa lang rin dahil halos mag kawangis ang ating anyo. Alam mo ang pag gawa ng mundo ay inaabot ng maraming taon gamit ang teknolohiya. Mag sisimula sila sa isang malaking bolang bilog na walang buhay hanggang lalagyan nila ito ng organismong mag sasabog ng gas na maaaring langhapin ng mga titira dito at saka pa lamang susunod ang pag gawa ng iba't ibang nilalang na makikinabang sa lupang kanyang ginawa. Ang tinawag na diyos ay isang makapangyarihan nilalang mula sa malayong bituin. Sila yung mga nilalang na tumulong sa atin upang maging maunlad.
Noon ang mga sinaunang nilalang ay naniniwala na kapag may bumaba mula sa kalangitan ay Diyos iyon at kanila itong sasambahin. Ngunit hindi nila alam na ang mga Diyos na iyon ay maaaring mga nilalang nag tataglay lamang ng mga kakaibang sandata sa katawan katulad na lamang ng espadang kidlat, sibat na nag cocontrol ng kagaratan, apoy o lupa kaya sila itinuturing na makapangyarihan. Sa makatuwid, ang sagradong kapangyarihan na nakahimlay sa inyo mundo ay gamit ng isang Diyos, isang makapangyarihang sandata iyon na maaaring gumunaw o lumikha ng isang sibilisasyon." ang wika ni Juho
"Maraming beses ko nang narinig iyan, mga makapangyarihang nilalang sa galing sa malayong bituin. At tungkol naman sa sinasabi mong sandata ay wala rito ang hinahanap mo, sa iba ka na lamang mag tungo." pag tanggi ko bagamat nasa akin naman talaga ang mapa, hindi ko lang alam kung paano ito gagamitin dahil para lamang itong isang bolang bilog.
"Imposible ang sinasabi mo, baka naman itinatago mo lamang? Ang mga taga planetang Guryon ay hindi nag kakamali. Mahihina sila at parang mag insekto ngunit ang kanilang utak ay talagang hindi mapapantayan."
Hindi ako kumibo..
Tahimik..
"Ayos iyang kalasag mo. Ginto at kumikinang. Mukhang malakas." ang papuri niya.
"Kung wala ka nang sasabihin ay sumakay kana sa inyong sasakyang pandigma at lumisan sa aming planeta, wala kang mapapala rito." ang tugon dahilan para matawa siya "Gusto kong subukan ang tibay ng kalasag mo." ang wika niya sabay dukot sa kanyang baril.
Itinutok niya ito sa akin at pina putok, nag labas ito ng kulay itim na sinag na parang laser at sumibat sa aking direksyon.
Sinangga ko ito gamit ang aking kalasag sa braso kaya bumalandra lang ito at tumama sa ibang direksyon.
"Hindi na masama. Ang baril na ito ay espesyal at nag lalaman ng mataas na uri ng laser, nagagawa nitong butasin at pasabugin ang ano mang bagay na kanyang matamaan. Kapuri puri ang iyong kalasag."
"Kahit bagsakan mo ako ng isang buong kometa ay hindi iyan tatalab sa aking kalasag." sagot ko
"Ang iyong kalasag ay hindi nag mula dito sa inyong mundo diba? Dahil imposibleng makagawa ang inyong mundo na may mababang teknolohiya ng ganyang uri ng mataas na kalasag. Alam mo ba na bilang isang pirata ng kalawakan ay naging gawa ko na ang mangulekta ng magagandang sandata, kalasag at kayamanan. Bakit hindi mo na lamang sa akin ibigay iyan? Ang iyong kalasag at ang sagradong sandata na naka himlay dito sa inyong mundo ang aking magiging pinaka magandang koleksyon." ang naka ngising wika niya.
"Ang aking kalasag ay sagrado at hindi mo ito maaring makuha. Humanap kana lamang ng ibang koleskyon."
"Ang gusto ko ay nakukuha ko, ang hindi akin ay napapasa akin. Bakit hindi tayo mag laban? Kapag nanalo ka ay aalis ako sa mundong ito, pero kapag natalo ka ay dadalhin kita sa aming laboratoryo, babaklasin ko ang kalasag mo at pag eeksperimentuhan ko ang iyon katawan." ang wika niya sabay kuha ng isang itim na bracelet o parang kalasag sa kanyang bulsa. "Ito ang pinaka paborito kong kalasag sa lahat, ang bracelet na ito ay nag lalaman ng mataas na uri ng teknolohiya na nag mula pa sa planeta ng mga bakal."
Lumakad siya sa aking harapan habang inilalagay ang bracelet sa kanyang kanang braso..
Kumapit ang bagay na iyon sa kanyang balat at maya maya ay nag simulang gumapang ang kalasag sa kanyang katawan. Mula sa braso, umakyat ang kulay itim na metal sa kanyang dibdib, leeg, hita, paa at pinaka huli ay ang sa ulo. Para siyang isang predator sa mga pelikula, para rin siyang isang tauhan sa sikat na larong mobile legends na may pagka saber ang datingan.
Noong makumpleto ang kanyang kalasag ay nag liwanag ang kanyang likuran, parang isang turbo, mabilis itong sumugod patungo sa akin. Sa kanyang dalawang kamay ay lumabas ang dalawang espadang mag kaiba ang hugis at laki, ang isa ay palakol, ang isang naman ay parang samurai.
Inihanda ko rin ang aking sarili. Inilagay ko ang aking isang paa sa likod at inipon ang aking lakas. Ang apoy ang aking katawan at mabilis rin akong sumugod para salubungin ang kanyang pag atake..
Kapwa lumipad ng mabilis para sagupain ang isa't isa..
Nag abot kami sa gitna at nag bangga..
Nag liwanag ang buong paligid at nag labas ito ng malakas na enerhiyang lumikha ng pag yanig sa buong siyudad..
Itutuloy..