Ang Tadhana ni Narding
AiTenshi
Book 2
Oct 24, 2018
Inihanda ko rin ang aking sarili. Inilagay ko ang aking isang paa sa likod at inipon ang aking lakas. Ang apoy ang aking katawan at mabilis rin akong sumugod para salubungin ang kanyang pag atake..
Kapwa lumipad ng mabilis para sagupain ang isa't isa..
Nag abot kami sa gitna at nag bangga..
Nag liwanag ang buong paligid at nag labas ito ng malakas na enerhiyang lumikha ng pag yanig sa buong siyudad..
Part 19: Ang Dalawang Kalasag
Lumikha ng malakas na pag yanig sa paligid noong mag abot ang aming mga katawan. Ang aking kamaong nag aapoy ay tumama sa kanyang mukha habang ang isang braso ko ay naka sangga sa palakol na nasa kanyang kamay. Ang isa namang espada na hawak niya ay naka daplis sa aking balikat. Parang isang suspended animation ang aming posisyon noong mga sandaling iyon.
Isang malakas na liwanag ang namuo sa aming pagitan at dito ay kapwa tumilapon sa mag kaibang direksyon ang aming katawan..
Sumadsad ako sa lupa ngunit agad rin akong naka balanse at tumayo ng mabilis. Halos ganoon rin ang ginawa ng aking katungali. "Hindi na masama." ang naka ngising wika niya habang lumalakad patungo sa akin.
Dumistansiya ako sa kanya ng kaunti at dito ay pilit kong binabasa ang kanyang mga kilos. "Alam mo ba kung bakit dalawa ang aking sandata? Ang bawat isa rito ay kayamanan ng mga planetang ninakawan ko. Ang palakol na ito ay pag aari ng isang maliit na bituin sa malayong galaxy ito raw ang natatangging kayamanan ng kanilang Diyos. At itong espada naman ay mula sa planeta ng mga mandirigma na namumuhay sa kalapit na system ng aming planeta. Ang bawat isang sandatang ito ay may kanya kanyang lakas at katangian. Maihahalintulad ito sa isang Diyos na mayroong sibat na kidlat at tungkod na nag mamanipula sa karagatan. Kapag malakas at makapangyarihan ang iyong sandata ay tiyak na sasambahin ka ng nakararami. Hindi ito isang mahika kundi teknolohiya!" ang paliwanag niya sabay hampas ng palakol sa lupa..
"Loading ang paki ko. Isa lang ang kilala kong may palakol at si Thor iyon! At iyang espada mo ay pag aari ni Batousai!!" ang sigaw ko naman.
"Wala akong alam sa pinag sasabi mo. Panoorin mo nalang ang ipakikita ko!" ang sagot niya at noong tumama ang palakol sa lupa ay nag labas ito ng malakas na pwersa. Nag bitak ito at lumikha ng malaking c***k. Kasabay noon ang pag yanig ng lupa sa paanan ng bundok kaya gumuho ang lupa rito.
Lumipad ako upang hindi ako madamay sa pag guho..
At maya maya ay tumingin siya sa akin saka ngumisi. Tinutok niya sa akin ang isang espada na kanyang hawak. Nag liwanag ang dulo nito kasama na ang talim.
Hindi ko alam kung anong abilidad ng sandatang iyon, nung iwasiwas niya ito sa ere ay bigla na lamang nag hiwa ang aking braso, hita at mukha. Malayo ang distansya ko sa kanya, nandito pa ako sa itaas.
"Ang espadang ito ay nag lalabas ng matalim na hangin, may kakahayan itong hiwain ang kahit ano, ang masaklap ay hindi mo ito makikita pero mararamdaman mo ang sakit nito!" ang paliwanag niya ay muli iwinasiwas ang espada.
Naaninag ko ang talim nito, isang uri ng matalim na hangin na animo mga espada.
Agad akong lumipad at umiwas. Tumama ito sa bundok dahilan para mag kaputol ang mga puno nito.
Inulit pa niya ang pag atake, hindi lamang dalawang beses kundi nag kasunod sunod pa ito hanggang sa mag wasak na ang lahat ng matamaan nito. May ilang tira siya na sinubukan kong sanggahin, matagumpay ko itong nagagawa ngunit katakot takot na hiwa at lamat sa aking kalasag ang aking natatamo.
Malakas ang piratang ito, hindi nakapag tataka na sandata nga ng Diyos ang kanyang gamit dahil mapanira ito ng husto. Lumilipad ako at malaya kong naabot ang kalangitan, siya naman ay nakatayo lamang sa lupa at hindi gumagalaw, nagagawa na niya akong sugatan ng husto at nawasak na niya ang bundok sa aming paligid.
Nanatili akong naka lutang sa ere. Tumingala siya at nag wika "Baba ka ba rito o ako ang pupunta dyan? Hindi naman yata patas na ikaw ay lumilipad at ako nandito lamang sa lupa."
Noong marinig ko iyon ay inihanda ko na ang aking sarili sa kanyang susunod na pasabog.
Maya maya ay bigla na lamang bumukas ang bakal na pakpak sa kanyang likuran. Nag liwanag ang dulo nito na animo isang rocket at mabilis siyang sumibat sa aking kinalalagyan.
Ang kanyang pag lipad matulin, walang ingay at napaka banayad, kumbaga sa eroplano ay parang lumulutang lamang ito sa mabilis na direksyon at sumasabay sa hangin. Sa isang kisap mata ay nandito na siya agad sa aking harapan na aking ikinagulat.
Isang malakas na hataw ng espada ang binigay niya sa akin, sinangga ko ito gamit ang aking kalasag sa braso, ngunit napa antras ako sa malayong direksyon at kasabay nito ang pag tilamsik ng dugo sa aking balikat at dibdib dulot ng hiwa. "Bilib rin naman ako sa husay mo at ng iyong kalasag. Biruin mo, hindi mo kailangan ng mabigat na bakal sa inyong katawan, isang medalyon lamang sa gitna ng iyong dibdib ang nag bibigay ng kakaibang tigas sa iyong hubad na katawan. Ang balat mo ay pinatitibay nito na parang bakal at ang iyong kalasag sa braso ay ang nag bibigay ng harang o shield sa bawat atake ng kalaban. Kakaibang teknolohiya, mahusay at nakaka mangha. Iyan ang gusto ko! Kailangan mapasa akin iyan!" ang sigaw niya at muli akong inatake.
Sunod sunod na pag sugod ang kanyang ginawa, may ilang atake siya na direktang tumatama sa akin, mayroon namang naiiwasan ko. Oo nga't naging bakal ang aking hubad na katawan ay nagagawa pa rin niyang sugatan ako at bigyan ng gasgas.
Isang malakas na hataw ng palakol ang kanyang iginawad sa akin, sinalo ko ito ng aking nag aapoy na kamay na kanyang ikinagulat. Bumukas ang kalasag sa kanyang ulo at pinag masdang mabuti kung paano ko hawakan ang sandata ng isang Diyos.
Hinawakan ko ang talim ng kanyang palakol upang pigilin ito. Hinataw pa niya ang kanyang espada at sa kaparehong taktika ay hinawakan ko rin ang talim nito. Lumikha ito ng hiwa sa aking kamay ngunit hindi ko ininda.
Tumingin ako sa kanyang ng matalim at inipon ng lakas sa aking medalyon. Mabilis itong nag liwanag at bumuga ng malakas na enerhiyang tumama at lumukob sa kanyang katawan.
Isang malakas na pag sabog ang nangyaring iyon at batid kong direkta siyang tinamaan. Bumulusok ang kanyang katawan sa ere at sumasad sa ilang gusaling nakatirik sa bungad ng siyudad.
Nag hintuan ang mga sasakyan dahil sa pag lagapak ng kanyang katawan sa kalsada at kasabay nito ang pag kakagulo ng mga tao para maki usisa.
Maya maya ay nag tatakbo si Liza at kanyang camera man..
"Ilang oras matapos mag pakita ang dambuhalang sawa sa Sentro ng siyudad ay may kakaibang kaganapan nanaman ang ating nakikita. Ngayon kaibigan ay nasasaksihan natin ang kakaibang nilalang na nababalot ng itim na kalasag, walang ano ano'y bigla na lamang siyang nahulog mula sa kalangitan at sumasad sa kalsada. Sino ang nilalang na ito? Siya ba ay isang kapanalig o kalaban?
Tatanungin natin ang ilang mga taong naka saksi sa kanapang ito. "Hoy bakla, anong masasabi mo noong makita mo ang pag bagsak ng nilalang na ito?" ang tanong ni Liza sa isang estudyanteng beki na abala sa pag pindot ng cellphone.
"Ay, wa akong noseline mama, kachat ko itong boyfriend ko sa twitter. At live ba ito? Wagi ba ito?" tanong ni Beki sabay lingon sa camera. "Hi guys, follow me sa twitter, tweet me @realsexingbeki2001 at please follow nyo rin yung boyfriend ko @realatlerkantuterongmacho. Please please need namin ng maraming followers lalo na yung bf ko kasi mamatay siya kapag hindi siya naka kota ng 300k. Please baka iwan nya ako!!" ang iyak ng beki
"Ay! Tumabi ka na nga dyan, baklang to. Famewhore ka ha." ang wika ni Liza at maya maya ay natili ito noong bilang bumukas ang helmet ni Juho na natumatayo mula sa pag kaka sadsad. "Ay! Lalaki, ang gwapo naman niyan!" ang bulong nito na parang na starstruck noong makita ang mukha ng aking katunggali.
Dito ay nakita kong nawasak ang kalasag niya sa ulo, nabasag rin ang bakal sa kanyang braso at kaliwang binti. Tumingala siya at muling lumipad patungo sa akin kaya naman inihanda ko muli ang aking sarili. "Ilang daang mandirigma ang aking nakasagupa sa iba't ibang galaxy. Lahat sila ay nagagapi sa isang hataw ng aking sandata. Pero ikaw, ikaw lamang ang tumagal at ikaw lamang rin ang tanging nilalang na naka sira sa aking kalasag. Hindi ko akalain na mayroong malakas na sandata ang planetang ito." ang wika niya habang inaalis ang wasak na kalasag na kanyang ulo.
Hindi naman ako nakasagot, nag simula akong lumipad patungo sa kaniya at dito ay muli kaming nag sagupan. Walang kalasag ang kanyang mukha kaya't dito ko pinapatama ang aking mga suntok. Paminsan minsan ay nagagalusan ako at napapa atras ngunit hindi ako nag pakita ng pang hihina. Muli kong ginamit ang aking medalyon, nag ipon ito ng lakas at muling pinasabog ang kanyang katawan palayo sa akin.
Sa pag kakataon ito ay sinangga niya ito gamit ang kanyang palakol kaya bumalandra ito pabalik sa akin. Ginamit ko ang kalasag sa aking braso upang sanggahin ang enerhiyang sa akin mismo nag mula. Napigil ko ito at sa pag kakataon ito ay ako naman ang sumibat pabulusok sa lupa.
Tumama ang aking katawan sa mga sirang gusali na pinag labanan nina Bart at Serapin.
"Ay! Nardo! Ayos ka lang ba?! Puro sugat kana!!" ang nangangambang boses ni Cookie habang tumatakbo ito sa aking kinalalagyan.
Bumangon ako at napa ubo ng dugo. Hindi ko akalain na sa akin tatama ang aking sariling enerhiya. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Cookie
"Ayos lang ako." ang sagot ko habang hinahabol ang aking pag hinga.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay bumaba naman si Juho sa lupa at lumakad ito patungo sa akin. "Masakit ba?" ang tanong niya
"Ay gwapo naman pala talaga ang kalaban mo Super Nardo, ang akala ko ay ineechos lang kami ni Liza Mae Lawit kanina." ang wika ni Cookie sabay tayo at humarang sa aking harap. "Excuse me pogi. Pwedeng "taympers" muna? Break muna ng kaunti okay lang ba? Alam mo kasi itong kalaban mo ngayon na si Super Nardo ay kanina pa pagod, bago ka kasi dumating at pumasok sa eksena ay mayroon pang isang villain na nag pakita kaya nilabanan rin niya iyon, tapos ang sad part ay iniwan pa siya ng jowa niya kaya broken hearted sya ngayon. Pwedeng time out muna?" ang wika ni Cookie
Hindi sumagot ang kalaban bagkus nakita kong iniangat niya ang kanyang espada at inihampas ito sa ere. "Alis dyan Cookie!!" ang sigaw ko noong makita ang isang matalim na hanging pabulusok sa aking kinalalagyan.
Itinulak ko si Cookie para hindi matamaan ito kaya ako ang nasapol. Tumama ang matalim na hangin sa aking katawan dahilan para mahiwa ang aking dibdib pa baba sa aking tiyan. Nagawa rin nitong tangayin ako at muling mapa dausdos sa lupa.
Itutuloy..