Part 13: Kamandag ng Kahapon 1

2254 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi Oct 17, 2018   "Alam mo pinsan, siguro ay kailangan mo lang ng pahinga, nilalagnat ka pa kasi e kaya nasa state pa ng pag kabalisa ang iyong katawan. Ang kailangan mo ay sapat na pahinga." wika ni Cookie Ako naman ay napatingin lang sa kanilang dalawa, kung pag kabalisa at panaginip lamang ang lahat ng iyon ay bakit masakit ay makirot ang aking buong katawan? Bakit nag karoon ako ng pasa braso at binti? Hindi ko maunawaan kung ano ang nangyayari ngunit ramdam ko na mayroong parating na mag dudulot sa akin ng matinding takot at kabiguan.   Part 13: Kamandag ng Kahapon 1 "Huwag kana mag alala, stress lang iyan. Alam ko na, sa weekend ay mag bakasyon tayong dalawa. Punta tayo sa isang magandang lugar tapos doon na rin tayo gumawa ng baby natin." ang biro ni Bart habang naka higa kami. Naka unan ako sa kanyang braso habang kapwa kami naka tanaw sa kisame. "Kahit tapunan mo ako ng isang dram na semilya mo ay hindi ako mabubuntis no." tugon ko Natawa siya at niyakap ako ng mahigpit. "Alam mo mas gusto ko yung mga araw na wala kang kapangyarihan, yung hindi ka super hero dahil nasosolo kita. Ngayong nag balik kana sa pagiging Super Nardo ay kahati ko na ang buong mundo sa iyo." "Pero, wala namang problema diba? Okay naman tayong dalawa kahit si Narding ako o si Nardo pa. Ako pa rin naman ito." "Syempre naman, at proud akong maging kasintahan ng isang bayaning katulad mo. Yung mga kalaban ay inuupakan mo at tinatalo, samantalang sa gabi ay pinatutuwad lang kita at inaasawa ng malupet! Hindi nila ako kaya!" ang pilyong pag yayabang niya kaya naman siniko ko siya sa tagiliran. "Biro lang, pero sana huwag kana mag isip ng kahit ano. Matagal nang tapos ang labanan ninyo ni Serapin. Magiging maayos rin ang lahat." ang bulong niya sabay halik sa aking noo. Niyakap ko siya ng mahigpit at dito ay nag pasya na akong ipahinga ang aking isipan. Nakatulog ako habang naka kulong sa kanyang mga bisig.. Tahimik.. Sa aking panaginip ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang pamilyar na lugar. Isa itong magarbong bahay na parang isang hotel sa ganda, namangha ako sa aking nakita lalo na sa maaliwalas na mga disenyo nito. Hindi ko maunawaan ngunit ang lahat ng ito ay parang nakita ko na. Lalo na noong pihitin ko ng door knob at pumasok ako sa isang silid kung saan mayroon akong ingay na narinig. Dalawang taong hinihingal.. Lumakad ako upang puntahan ang ingay na iyon at bago pa ako makahakbang ay napadako ang aking tingin sa kama kung saan may dalawang taong naka hubo't hubad na nag tatalik. Dito ay nakita ko si Serapin, naka tuwad na parang aso habang sa kanyang likuran ay si Bart na parang hineteng gumigiling sa kanyang likuran. Hingal na hingal ang dalawa at parang baliw na baliw sa kakaibang sarap na nararamdaman. Maya maya biglang hinugot ni Bart ang matigas na pag kalalaki sa pwet ni Serapin at mabilis ito itinapat sa kanyang bibig. Tumilamsik ang malapot at masaganang semilya ni Bart sa bibig ng katalik. Sarap na sarap si Serapin habang ninanamnam ang likidong lumalabas sa ari ni Bart. Makalipas ang ilang sandali at tumayo ang dalawa, nag tungo si Bart sa likuran ni Serapin at muling ipinasok ang kanyang matigas na ari na may katas pa niya sa pinaka ulo. Muling umayuda si Bart at hindi pa ito nakontento dahil itinaas niya ang isang biniti ni Serapin dahilan para makita ko ang pag kakasugpong ng kanilang mga katawan. Halos bumaon ng husto ang ari ni Bart sa butas ng katalik, umaabot sa kanyang lagusan ang dalawang bolang nakalawit sa kanyang ari habang tumutulo ang malapot na katas sa butas ni Serapin. Nasuka ako noong mga sandaling iyon at hindi ko napigil ang sumigaw. Alam kong panaginip lamang ito ngunit ramdam ko pa rin ang ibayong sakit na hindi mapapantayan! "Tama naaaa! Tamaaaa naaaa!!" sigaw ko sabay takbo patungo sa kanilang dalawa. Gusto ko na silang saktan at pigilan sa kababuyang ginagawa. Habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla na lamang nag bago ang hugis at anyo ng katawan nina Bart at Serapin pareho silang naging dambuhalang ahas na nag lilingkisan at noong makita nila ako ay ibinukas nila ang maluwang na bibig at mabilis na sinunggaban ang aking katawan. Kasabay noon ang pag balikwas ko ng bangon mula sa higaan. Halos mahulog ako at mawala sa balanse dahilan para magising rin si Bart. "Bakit? Ayos ka lang ba?" tanong niya sabay yakap sa akin ngunit pumiglas ako at tumayo. Dumistansiya ako sa kanya, halos hindi ko maitago ang takot at paninikip ng aking dibdib noong mga sandaling iyon. Napakamot ng ulo si Bart at tumayo ito, walang paki alam kahit manipis na brief lamang ang suot. "Bakit ba? Nanaginip ka lang, ano bang nangyayari?" ang tanong nito, kinuha niya ang short at mabilis na isinuot ito, lumabas siya sa silid para kumuha ng tubig. "Ano bang nangyari? Ayos lang ba kayong dalawa?" tanong ni Cookie, naka suot pa ito ng nighties na kulay pula. "Nanaginip nanaman si Narding, halos gabi gabi ka nalang yatang dinadalaw ng hindi magandang pangitain. Ano bang nakita mo?" tanong ni Bart Napatingin ako sa kanyang mukha. "Paano kung buhay si Sarapin?" ang tanong ko "Tangina naman, Serapin nanaman?! Patay na iyon! Wala na siya! Ano ka ba? Tama na please!" ang may kataasang boses na sagot ni Bart "Pero Bart, maraming beses nag karoon ng pangitain si Narding, at lahat ng iyon ay nag kakatotoo. Paano kung talagang buhay nga si Serapin?" tanong ni Cookie Natahimik si Bart. "Kapag pinag uusapan si Serapin ay nauungat parati yung nakaraan ko. Kung iyan ang pag uusapan ninyo ngayon ay mainam pang umalis na ako." ang mariing wika niya sabay kuha ng tshirt at susi ng kanyang sasakyan. Mabilis siyang lumabas sa aming bahay at tumulak palayo. Sinubukan ko siyang habulin ngunit pinigilan ako ni Cookie. "Bukas nalang, mainit ang ulo ni Bart dahil naka kabit sa pangalan ni Serapin ang kanyang masamang nakaraan. Unawain nalang natin siya." ang wika ni Cookie Napa upo nalang ako sa balkunahe, kinuha ko ang bato sa aking bulsa at tinitigan ito. Nitong mga nakaraang buwan ay parang hindi na maayos ang takbo ng aking isipan, para akong mabubuwang dahil sa samu't saring pangitain na gumugulo sa aking ulo, ang lahat ng ito ay nag babadya ng panganib at malagim na katapusan. Ang masama ay hindi ko alam kung paano ito patitigilin, kung paano ko ito lalabanan.. Kinabukasan.. Alas 3 ng hapon, break ko mula sa trabaho. Nakita ko si Bart na naka upo sa lobby, may hawak itong isang kumpol na pulang bulaklak. Noong makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin at iniabot ang kanyang dala. "Sorry kagabi, galit ka ba sa akin?" ang tanong niya Kinuha ko ang bulaklak habang naka ukit ang ngiti sa aking labi. "Hindi naman ako galit, salamat sa pag aalaga mo sa akin habang may sakit ako. Sorry kung medyo napikon ka sa akin kagabi." "Wala iyon, mahalaga ay maayos kana, gusto mong kumain?" tanong niya Tumango ako "nagugutom na nga ako." natatawa kong tugon Inakbayan niya ako at sabay kaming lumakad patungo sa kanyang sasakyan. Pasimple pa niya akong hinalikan bago ako pag buksan ng pintuan na nag bigay ng kakaibang kilig sa akin. Nag kwentuhan kami ni Bart tungkol sa trabaho, yung mga projects niya bilang modelo ay ibinahagi rin niya sa akin at syempre ay napag usapan rin ang plano naming mag bakasyon para makapag relax. Marami nang pag subok ang pinag daanan ng relasyon namin ni Bart, at masaya ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami bumibitiw sa isa't isa. Masaya rin ako dahil niyakap niya ang klase ng buhay at resposibilidad na mayroon ako bilang isang super hero, sinuportahan niya ako at binusog ng hindi mapapatayang pag mamahal. Habang nasa ganoong pag iisip ako ay napatingin ako sa kalangitan, mula sa pagiging maaliwalas ay unti unting lumabas ang madilim na ulap at kasabay nito ang pag guhit ng matatalim na kidlat sa iba't ibang direksyon. Napahinto si Bart sa pag ddrive, ang kanyang pag preno ay malakas na aking ikinagulat. Napa yuko ito sa manibela at kasabay noon ang pag papawis ng kanyang katawan. "Bart, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong ko at noong tangkang hahawakan ko siya ay tumayo ang kanyang ulo at napahawak siya sa kanyang tiyan saka nag sisigaw. Nataranta ako! "Bart! Ano bang nangyayari sayo?!" ang sigaw ko Pero sa halip na sumagot ay binuksan niya ang pinto sa kanyang gilid dahilan para mahulog ang kanyang katawan sa lupa. Kapansin pansin ang pamumutla ng kanyang katawan habang namamalipit sa sakit ng tiyan. Mas lalo akong nabahala kaya niyakap ko siya at sinubukang pakalmahin. Nag pumiglas siya at itinulak ako palayo. Ang kanyang laway ay tumutulo sa bibig na parang isang asong ulol. Nagwala ito, nag lupasay sa lupa na parang may kung anong kirot sa kanyang tiyan at pag katapos ay nawalan siya ng malay. Dahil sa pangamba ay hindi na ako nag dalawang isip na humingi ng tulong sa mga sasakyang dumaraan upang isugod sya sa pinaka malapit na ospital. Pag dating doon ay agad sinuri ang kanyang lagay, tinawagan ko naman si Cookie upang ibalita kung ano ang nangyari. Hanggang ngayon ay nangingibabaw pa rin ang matinding kaba at takot sa aking dibdib kaya ang aking kalamnan ay patuloy sa panginginig. "Baka naman na food poison iyang is Bart saka sumakit ng husto ang kanyang tiyan. Baka naman pinakain mo pa yung panis na cheese burger doon sa locker ko?" ang tanong ni Cookie. "Yung cheese burger ay kinain mo kahapon diba? Sarap na sarap ka pa nga. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Bart, bigla na lang siyang namalipit sa sakit. Natatakot ako na baka may masamang mangyari sa kanya." tugon ko "Sinuri namin ang katawan ng pasyente, normal naman ito at walang senyales ng kahit na anong malalang sakit. Normal naman ang lahat, siguro ay maka bubuting dumito muna siya ng dalawa hanggang tatlong araw upang mas masuri ang kanyang katawan." wika ng doktor. "Salamat po doc." tugon ko na may halong panlulumo. "Imposibleng hindi nila makita ang sakit ni Bart, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya nag hirap. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang kanyang itsura habang namamalipit dahil sa p*******t ng kanyang kalamnan." Tinapik ni Cookie ang aking balikat. "Kahit anong mangyari ay kailangan ni Bart ng tulong mo, huwag kang bibitiw sa kanya." Tumango lang ako bagamat alam ko na ang nais ipahiwatig ni Cookie sa akin. At iyon nga set up, na confined si Bart at syempre. Kumuha kami ng pribadong silid upang mas mabantayan ng maayos ang kanyang kalagayan. Buhat kanina ay hindi pa ito nag kakamalay bagamat pauli ulit sinasabi ng mga doktor na maayos naman at normal ang kanyang katawan. Alas 11:30 ng gabi, kakaibang ingay ang aming narinig mula sa labas ospital, sunod sunod na ambulansiya ang tumatakbo sa kalsada, may ilan rin nag hihiyawan na hindi mo malaman kung ano nag problema. Kaya naman agad na binuksan ni Cookie ang TV at dito ay saktong mayroong balita tungkol sa kaganapan sa buong siyudad. Breaking News: Isang kakaibang pang yayari mga kaibigan ang nagaganap ngayon sa bawat sulok ng siyudad dahil nag kalat umano ang daan daang ahas sa paligid na wari'y nag poprosisyon. Ay! Jusko! Ano ba iyan! Mayroon ahas sa likod ko! Cut! Helppp!!" ang sigaw ni Liza Mae at naputol ang kanyang pag rereport. Kasabay nito ang kakaibang pag kundap ng ilaw sa kisame na para bang mawawalan pa ng kuryente. "Ano bang nangyayari?" ang tanong ko naman sabay tayo sa aking kinauupuan. "Narding, may problema tayo." ang bulong ni Cookie sabay turo sa bintana at sa kisame kung saan mayroon mga ahas na nakapalibot sa amin. Agad kong binuksan ang pinto ng aming silid at dito ay nakita kong nag kakagulo ang mga nurse at pasyente lahat sila ay umiiwas at natatakot sa mga ahas na nag lawit sa mga ding ding. Halos naging magulo ang buong paligid dahil sa pag bugso ng mga sawa, kobra at kung ano ano pang uri ng ahas sa paligid. "Si Bart! Ilayo natin siya dito!" ang wika ko sabay alis ng kumot ni Bart. "Narding, malala na ito! Si Bart! Si Bart!!" ang sigaw ni Cookie at dito ay nakita namin ang braso at binti ni Bart na mayroong berdeng kaliskis na animo ahas. Napa atras ako sa aking nakita.. Ngunit sa kabila nito ay lakas loob pa rin akong lumapit sa kanyang katawan at noong akmang hahawakan ko na ang kanyang braso ay dumilat ito, ang kanyang mata ay kakaiba ang anyo, parang mata ng ahas, parang mga mata si Sarapin noong kami ay mag tuos. Napa hawak ako kay Cookie at kasabay nito ang paninikip ang aking dibdib. "Si Bart, taglay niya ang kapangyarihan si Sarapin. Tama ang hula ni Pablo!" "Patuloy kang mumultuhin ng iyong nakaraan Nardo. Ang tunay na kalaban ay nasa tabi mo lang, kapag nagising ang kanyang lakas ay mamatay ka na rin. Nakikita kong malalason ang iyong katawan sa kanyang kamandag at ikaw masasaktan ng paulit ulit. Humanda ka Nardo dahil ang pangalan mo ay magiging parte na lamang ng kahapon." ang naka ngisi niyang salita bago bumulwak ang dugo sa kanyang bibig at malagutan ng hininga.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD