Part 14: Kamandag ng Kahapon 2

2284 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi. Napa hawak ako kay Cookie at kasabay nito ang paninikip ang aking dibdib. "Si Bart, taglay niya ang kapangyarihan si Sarapin. Tama ang hula ni Pablo!" "Patuloy kang mumultuhin ng iyong nakaraan Nardo. Ang tunay na kalaban ay nasa tabi mo lang, kapag nagising ang kanyang lakas ay mamatay ka na rin. Nakikita kong malalason ang iyong katawan sa kanyang kamandag at ikaw masasaktan ng paulit ulit. Humanda ka Nardo dahil ang pangalan mo ay magiging parte na lamang ng kahapon." ang naka ngisi niyang salita bago bumulwak ang dugo sa kanyang bibig at malagutan ng hininga.   Part 14: Kamandag ng Katapon 2 "Bart! Labanan mo! Please!" ang paki usap ko habang lumalapit dito. "Akala ko ba ay inalis na ng anghel ang negatibong kapangyarihan kay Bart? Bakit pag katapos ng ilang taon ay heto nanaman?" ang naguguluhang tanong ni Cookie habang sumasampa sa lamesa dahil halos puro ahas na sa sahig. Noong gabi iyon ay nag gulo na sa buong siyudad, ang lahat ng lahat ay nag tipon tipon sa labas ng ospital na wari'y inaabangan ang pag dating ng kanilang hari at iyon nga ay walang iba kundi si Bart. Ang kapangyarihan ni Serapin nasa loob pa rin niya at ngayon ay tuluyan na siyang nilalamon nito. Naalala ko ang mga katagang ni Serapin noon na si Bart lamang ang tanging tao na naging compatible sa kanyang kamandag at hanggang ngayon na kahit wala na siya ay nanatili pa rin ang kanyang anino sa katawan ng iba. FLASH BACK "Hindi ka lang pala ahas, demonyo ka pa. Saan mo itinatago ang sungay mo Serapin? Ang akala ko ay mabuti ka, tiningala ka namin ni Cookie, hinangaan at minahal. Wala ka palang kasing sama!" ang sagot ko naman.   "Alam ko Narding, kaya nga tayo umabot sa ganito diba? Dahil masama ako at iyon ang nag papalakas sa akin." ang wika nito sabay lapit sa naka bulagtang si Bart.   "Lumayo ka kay Bart ngayon din." utos ko habang naka tingin sa  kanya ng matalim.   "Malakas talaga ang resistensya ni Bart, hanga ako sa  kanya. Ilang lalaki rin ang aking kinasama upang punlaan ng binhi ngunit wala ni isa sa kanila ang tumagal. Ibang klase ang lakas ng katawan ng isang ito. Siya lamang ang naka tagal at naka kompleto ng buong proseso. Kung sa bagay Narding hindi na ako mag tataka kung gaano kalakas ang kanyang katawan, alam mo ba na kapag nag niniig kami ay nakaka tatlong putok siya sa aking kaloob looban pero matikas pa rin at kasing tigas ng bakal ang aking pag kalalaki. Masarap talaga si Bart, saya lang dahil hindi mo siya natikman." ang wika nito habang dinidilaan ang mukha at dibdib ng walang malay na binata.   End of Flashback (Scene from TNN Book 1 Part 50: Ang Kamandag ni Serapin ) Habang nasa ganoong pag iisip ako nag sisigaw ni Cookie, dito ay nakita kong bumangon si Bart, inalis niya ang lahat ng naka tusok sa kanyang katawan. Nag tatakbo ito sa bintana at binasag niya ito. Lumundag siya at hindi alintana ang taas ng gusali. Nag tangka kaming sundang siya ngunit humarang ang mga ahas sa aming daraanan. Kumuha si Cookie ng pang hampas. "Sundan mo na si Bart, ako na ang bahala sa mga ahas na ito!! Ahas lang sila, bakla ako! Walang makaka buwag sa akin!" ang determinandong wika ni Cookie. Tumango naman ako, kinuha ko ang bato sa aking bulsa at agad na nilunok ito. Nag bago ang aking anyo at agad rin akong lumipad sa bintana kung saan dumaan si Bart. Mabilis akong sumibat sa paligid, pilit kong hinanap kung saang direksyon lumiko si Bart, hindi naman ako nabigo dahil nakita kong patungo ito sa sea wall sa pinaka gilid ng siyudad kabuntot ang libo libong ahas na para bang nag poprosisyon ang mga ito sa pag babalik ng kanilang hari. Ilang minuto ring nag tatakbo si Bart hanggang sa huminto ito at napatukod ang kamay sa lupa. Bumaba ako mula sa pag lipad.. Tahimik.. Nanatili siya sa ganoong posisyon na para bang nahihirapan ng labis. Napalingon siya sa akin, ang kanyang mukha ay nag balik na normal, bagamat ang kanyang mata ay maitim ang ilalim, putla ang bibig at bagsak ang katawan. "H-huwag ka sa akin lalapit Narding, may kakaiba sa aking katawan na nais kumawala. Ayaw kita masaktan, ayokong mag dulot ng sakit sa iyo." ang wika na niya na hindi maitago ang matinding pag hihirap. Sinubukan kong lumapit sa kanya ngunit humarang ang katakot takot na ahas sa paligid. "Huwag kang sumuko Bart, gagawa ako ng paraan upang mawala ang sumpa ni Serapin sa iyong katawan. Walang imposible basta ang kailangan ko lang ay ang iyong katatagan, maging matapang ka at labanan ang lason na maaaring lumukob sa iyong isip. Huwag kang bibitaw!" ang sagot ko. "Sorry Narding, hindi ako alam na mag kakaganito ako, normal naman ang pakiramdam ko kahapon, wala akong nararamdamang kahit ano. Nag bago lamang ito kanina, sana ay nakinig ako sa mga pangitain mo, sana ay mas pinakiramdaman kong mabuti ang aking katawan." "Wala kang kasalanan Bart, biktima ka lamang ng mapait na kahapon, alam kong may solusyon sa iyong problema. Hihingi ako ng tulong sa anghel na si Nardo, alam kong mayroon lunas iyan sa kahit saan sa kalawakan. Halika na, abutin mo ang aking kamay." ang tugon ko. "Huli na ang lahat, hindi ko na ito macontrol pa! Lumayo kana sa akin! Paki usap!" ang sigaw niya at dito ay nag lundagan sa akin ang mga ahas sa paligid. Isa isa ko namang sinangga ang mga ito upang hindi ako matuklaw. "Ay! Ang daming ahas, nakaka isang daan na yata ako ng napapatay!" ang sigaw naman ni Cookie sabay hataw sa kanyang hawak na palakol. "Kinuha ko lang ito sa ospital, ibabalik ko rin mamaya." "Lumayo na kayo sa akin! Hindi na ako tao! Isa na akong halimaw!" sigaw ni Bart "Tao ka pa rin papa Bart. Gwapo pa rin, yummy at lahat ng bakla ay mag papakamatay matikman lang ang alindog mo. Please, wag kang bibitiw dahil hindi ko kakayanin! Mamatay ako!!" ang sigaw rin ni Cookie kaya naman itinulak ko siya kay Bart. Nadapa ito sa maraming ahas. "Ay! Bakit mo naman ako itinulak?" ang reklamo niya "Ang OA mo kasi. Dito ka sa likod ko." ang sagot ko naman. "Kumapit kang mabuti sa balikat ko." ang utos ko pa. Kumapit si Cookie, mula sa aking kinatatayuan ay huminga ako ng malalim at hinipan ang mga ahas sa paligid dahilan para mag liparan na parang papel ang mga ito. Paraan na rin upang makalapit ako ng maayos kay Bart. Noong maka siguradong malinis na ang buong sea wall ay nag pasya akong lumakad sa harap niya, inilahad ko ang aking kamay. "Tayo na, tutulungan kita." wika ko ngunit hinampas niya ang aking kamay at muling dumistansiya. "Hindi niyo ako nauunawaan! Umalis na kayo dahil nandito na siya!" ang sigaw nito "Eh sino bang siya?!" ang tanong ni Cookie Lumayo sa amin si Bart habang namamalipit sa sakit ng tiyan. Muli niyang itinukod ang dalawang kamay sa lupa habang patuloy na sumusuka ng laway. Ibayong awa ang aking naramdaman habang pinag mamasdan siya sa ganoong pag hihirap. Patuloy siya sa pag duwal, halos isuka na niya ang bituka sa kanyang ginagawa. At makalipas ang ilang minuto ay laking gulat namin na may lumabas na ahas sa bibig ni Bart. Kulay pula ang ahas na ito at kasing laki lamang ng hintuturo ngunit mahaba at kumikisap ang kaliskis. Muling sumuka si Bart at lumabas pa ulit sa kanyang bibig ang marami pang pulang ahas kaya naman napasigaw nalang si Cookie sa matinding takot. Nag tipon tipon ang pulang ahas hanggang sa lumaki ito at maging hugis tao. Habang namumuo any imaheng iyon ay mayroon kaming narinig na tawang nag mumula kung saan. Ang tawang iyon ay nakaka kilabot, pamilyar ito sakin at habang lumalabas ang imahe sa aming harapan ay mas lalong lumalakas ang kutob ko na siya ang aking mortal na katunggali. "Serapin.." ang bulong ko sa aking sarili. At makalipas nga ang ilang sandali ay nabuo ng tuluyan ang imahe, mula dito ay umusbong ang isang nilalang na may katawan ng lalaki at sa kanyang bewang hanggang paa ay ahas na. Hindi nga ako nag kamali dahil ito ay si Serapin, walang pag babago at walang kaduda duda. Nag inat pa ito ng katawan na parang nagigising lamang at saka ngumisi na parang isang demonyo. "Surprise, nagulat ba kayo?" ang tanong nito "Hala, e paanong buhay pa ang sawang iyan?! Hindi bat matagal ka nang nagapi nina Bart at Narding? Kitang kita namin na pinugutan ka ng ulo." ang nag tatakang tanong ni Cookie FLASH BACK Habang nasa ganoong pang hihina ako ay muli nanamang kumibot ang katawan ni Serapin at mula sa kanyang bibig ay lumabas muli ang kanyang ulo. Tumatawa ito sa sobrang galak habang nakatingin sa aking unti unting pang hihina. "Hindi mo ako mapapatay Narding. Kahit sunugin mo ako at gawin abo ay paulit ulit ako mabubuhay. Ngayon, sino sa atin ang talunan?" ang tanong nito habang tumatawa.                                Maya maya ay sumagot si Bart na biglang sumulpot sa kanyang likuran. "IKAW.. IKAW ANG TALUNAN!" ang wika nito sabay hataw ng espada sa kanyang harapan. Pinugot nito ang ulo ni Serapin at nakita ko na lamang tumurit ito sa di kalayuan.   Maging ako ay bigla sa ginawang pag atake ni Bart. Hindi agad ako naka kibo at napatingin na lamang ako sa kanyang mukha na noon ay bahid ng dugo.   "Ang sabi sa kasulatan ng angkan ni tay Andres, matatapos lamang ang ahas kung puputulin ang kanyang ulo. Iyan ang ganti ko sa pag patay nyo sa lahi ng taong kumupkop sa akin." ang wika ni Bart habang naka tingin sa pugot na ulo ni Serapin.   End of flashback (Scene from TNN Book 1 Part 54: Huling Handog) "Pwes, nabigo kayong talunin ako. Kahit nagapi nyo ako noon ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang aking kamandag dahil bago pa man kami mag tuos ng pilantod na si Narding ay naipunla ko na sa katawan ni Bart ang aking binhi na nag lalaman ng aking kapangyarihan. Paano nangyari iyon? Hayaan mong isa isahin ko upang hindi kayo mag tanong pa. Alam mo ba na noong mag kakilala kami Bart ay siya lamang ang tanging tao na naka ligtas sa aking kamandag. At sa mga gabing nag niniig kaming dalawa ay unti unti kong isinasalin sa kanya ang aking binhi. Sa mga gabing mag kayakap kami, habang abala siya sa pag papasarap sa aking katawan at habang nababaliw siya sa pag sa pag subo ko sa kanyang pag kalalaki ay nag pupunla na ako ng aking ikalawang buhay. Alam kong darating ang araw na mag tutuos tayo Narding kaya't bilang seguridad na ako ay mag babalik muli sa mundong ito ay ginamit ko ang katawan ni Bart. Kaya kahit nagapi mo ako noon ay babalik at babalik pa rin ang aking kamandag at matatamasa ko pa rin ang aking kapangyarihan. Bale wala ang pag pugot ninyo sa aking ulo, dahil noong oras na iyon ay lumipat na ang aking kaluluwa sa binhing nakatago sa loob ni Bart. Mag hihintay lamang ako ng ilang taon upang muling mabuo ang aking katawan. Nakakalungkot lamang na kahit paulit ulit sinuri ng Anghel na si Nardo ang katawan ni Bart upang alisin ang negatibong sumpa ay hindi pa rin niya tuluyang naialis ang aking punla. Sa makatuwid, sa mga taong nag daan, habang mag kasama kayo ni Bart ay kapiling nyo pa rin ako! Kahit nasaan kayo at kahit ano pa ang inyong ginagawa. Huwag kang mag alala dahil kahit pinuputukan ng masarap at malapot na semilya ni Bart ay hindi malilipat sa iyo ang binhi. Huwag kang ambisyosa pilantod! Ang binhi ay para lamang sa katawan namin ni Bart na pinag isa ng kamandag. Para kaming mag asawa, dalawang katawang nag papasasa sa sarap!" ang paliwanag ni Serapin Natahimik ako at nakaramdam ng matinding galit.. "Okay noted! Pero bakit bumalik ka pa? Nag hahanap ka nanaman ba ng sakit ng katawan?" ang tanong ni Cookie "Huwag kang mag alala Narding dahil wala ni isa sa atin ang makikinabang kay Bart. Ang iyong kasintahan ay ang aking kasakapan, laruan at parausan! Noong isalin ko sa kanya ang binhi ay nasa kanya na rin ang aking kapangyarihan kaya upang muli ko itong makamtan ay kailangan kong kainin ang kanyang katawan. Katulad ng ginawa ko sa aking sariling ama, kinain ko ang kanyang katawan upang makuha ko ang kanyang lakas. Huwag kang mag alala dahil mabilis lang ito, hindi  mamalayan ng kawawang si Bart na siya ay pipira pirasuhin ko at gagawing pang himagas!" masayang wika ni Serapin Napatingin ako sa kanya, tuwid at hindi ko maitago ang namumuong matinding galit sa aking dibdib. "Bakit ganyan kang makatingin Narding? Galit ka ba sa akin? O baka naman naalala mo pa rin yung ginawang pag kantot sa akin ni Bart, alam mo ba na ang b***t niya ang pinaka masarap at pinaka makatas na ari na aking natikman. At ang kanyang mga halik ay talagang nakakabaliw." ang wika ni Serapin habang gumagapang ito patungo sa akin "Cookie, dalhin mo si Bart sa aking likuran. Ako ang bahala sa isang ito." ang bulong ko. Agad na nag tatakbo si Cookie patungo kay Bart noong makita ito ni Serapin ay agad rin siyang kumilos upang hadlang ang aming plano. Lumipad ako patungo kay Serapin, nag liyab ang aking kamao at isang malakas na suntok na punong puno ng galit ang inihataw ko sa kanyang mukha. Itutuloy..            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD