Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 2 AiTenshi Nov 22, 2018 Noong makapag palit kami ng kalasag ay nag simulang gumalaw ang daan daang robot. Lahat sila ay nag tatakbo patungo sa aming kinalalagyan.. "Handa ka na ba?" tanong ni Juho. "Laging handa." sagot ko sabay bunot sa aking kalasag sa ulo. Lumaki ito at naging patalim. Part 40: Ang Lihim ng Atlantica Patuloy sa pag takbo ang mga hukbong robot ng Atlantica. Noong mga oras na iyon ay wala na kaming nagawa kundi ang tumakbo para sagupain sila. Ngunit noon malapit na kami sa kanilang kinalalagyan ay bigla na lamang silang huminto sa pag galaw kaya naman napahinto rin ako sa pag takbo. Si Juho naman ay nadapa dahil nag preno siya at sumadsad sa lupa ang katawan. "Bakit?" tanong niya "Tingnan mo, huminto ang mga robot. Bu