Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 2 AiTenshi Nov 22, 2018 "May matibay na force field ang aking sasakyan. Walang paraan para malunod tayo. Halika naaaa!" ang pag pupumilit niya sabay hawak sa aking kamay. "Kapitan, papasok na tayo sa bermunda triangle sa loob ng 5 minuto." ang wika ng isang pirata "Buksan ang force field. I-activate ang pinaka matigas na armor ng barko!" ang utos ng kapitan sabay hila sa akin sa labas. Part 39: Kinalimutang Lupain "Tingnan mo Narding, ito ang mga labi ng libo libong sasakyang pag himpapawid at pandagat na nahila ng lagusang ito. Lahat ng iyan ay nabalaho lamang dito sa bunganga ng wormhole dahil hindi nila kinaya ang matinding pwersa. Ang mga nakaka lusot lamang dito ay ang mga sasakyang may matataas na uri ng teknolohiya." wika ni Juh