Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 2 AiTenshi Nov 21, 2018 Habang nasa ganoong pag tanaw ako ay may napansin akong liwanag nag lalaro sa paligid ng barko. Ang kulay gintong liwanag na iyon ay pamilyar sa akin kaya naman agad akong lumakad para salubungin ito.. "Nais kong samahan ka sa iyong pag lalakbay Narding. Tiyak kong kakailanganin mo ang aking tulong." ang wika ng liwanag at mula dito ay lumabas ang anghel na si Nardo. Part 38: Ang Dalawang Anghel "Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mong hindi nag pakita sa akin?" tanong ko na may halong pag mamaktol "Nag tungo ako sa bagong planeta ng Adran, mayroon kaming isang maliit na bituin na hinuhubog upang pag mulan ng panibagong buhay. Doon kami mag kakaroon ng panibagong simula." ang sagot niya. "Sigurado ka ba na sasa