Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 2 AiTenshi Nov 21, 2018 "Paano naman makakapunta si Narding sa ilalim ng karagatan, alangan namang lunukin niya ang kabibe ni Dyesebel para lang maging sirena. Sinong tutulong sa kanya? May submarine ba kayo? Pwedeng pahiram?" ang wika ni Cookie Natawa si Sam. "Parating na ang tulong, sila ang makakasama mo Super Nardo." ang wika ni Sam sabay turo sa kalangitan. Mula sa ulap ay lumabas ang isang sasakyang pandigma na hugis barko. Halos mapakunot ang aking noo dahil ang isang ito ay kalaban rin sa pag hahanap sa bagay na pinag aagawan ng lahat. Part 37: Ang Pangako "Teka bakit sila? Minsan na kaming nag laban ng mga piratang iyan at isa pa ay kaagaw sila sa misyon." pag tataka ko. "Naka recieve lamang ako ng mensahe mula sa kanila, handa raw