Part 4: Babala ng Kalawakan

1860 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi                        "Wala iyon, siguro ay mga bagay na hindi mo muna dapat isipin lalo na kung hindi pa naman ito magaganap. Oo nga't maganda ang maging handa o pag handaan ito ngunit kung minsan ang sobrang pag iisip sa isang bagay ay nakaka praning, nakaka baliw. Basta kahit ano ang mangyari ay nandito ako, naniniwala ako sa kakayahan mo." ang naka ngiting wika ni Bart sabay lagay ng kanin sa aking plato. "Kain ka pa. Eto ubusin mo." Napatingin naman ako sa mukha niya, mahirap ialis sa aking isipan na kapag kasama ko si Bart ay para bang nasa paligid lamang si Serapin. Kung minsan ay nag babalik sa akin ang anino ng kahapon kung saan ang sugat ng kanilang pag tataksil ay naalala ko pa rin na parang isang sirang plaka na paulit ulit umaandar sa aking isipan. Nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba kapag sumasagi sa aking utak na muli kaming mag kasakitan katulad noon. Hinawakan ni Bart ang aking pisngi at ngumiti ito. "Wag kana mag isip, please. Magiging maayos rin ang lahat."   Part 4: Babala ng Kalawakan "Siya na talaga pinsan, ang bango bango niya, ang lambot lambot ng kamay at ang laki ng bukol. Nakita ko siyang nag sswimming sa pool area. Hay Pablo, ikaw na talaga ang isinisigaw ng puso kong nalulumbay." ang malanding wika ni Cookie habang naka higa "Itigil mo na nga iyang kabaliwan mo, the last time na nag kagusto ka sa isang gwapong doktor ay nadiskubre natin na isa siyang halimaw. At hindi basta halimaw dahil siya ang may ari ng itim na kristal." suway ko "Hindi halimaw si Pablo dahil para sa akin ay isa siyang anghel na may hawak na pana at inasinta niya ang puso kong nalulumbay. Mister kupido sa kanya'y dead na dead ako, huwag mo nang tagalan ang pag hihirap ng puso kooooo!." ang pag kanta pa nito "Hoy!! Cooke itigil mo nga iyang pag kanta mo gabing gabi na ay nag papalahaw ka pa! Walang darating na ulan kahit kumokak ka mag hapon! Palakang to!" ang sigaw ng aking madrasta. "Panget! Bullfrog!!" ang sagot ni Cookie "Sabi ko sa iyo wag kana maingay eh. Kulit mo kasi." tugon ko naman. "Basta itaga mo ito sa bato Narding, itong baklang ito ang bobongga at iyang si Pablo ay mapapasa akin sa kapangyarihan ng pag ibig at katarungan!" ang sagot niya sabay higa. Maya maya ay nakatulog na ito.. Agad agad.. Tahimik.. Ako naman ay napatitig lang sa kisame habang umiikot ang ceiling fan dito, halos sa mga naka lipas na araw ay tila binabagabag pa rin ang aking isipan ng kung anong pangamba at ang nakapag tataka ay simula noong nawala sa aking bato ay parang humina ang aking pag katao o baka naman naging dependable  lamang ako sa kung anumang kapangyarihan ang ibinibigay nito. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at habang nasa ganoong posisyon ako ay may kakaibang ingay akong narinig na nag mumula kung saan. Ang tunog nito ay parang grounded na mikropono, masakit sa tainga at nakakahilo. Tinakpan ko ang aking pandinig ngunit palakas ito ng palakas kaya naman bumalikwas ako ng bangon. Ang naka pag tataka ay tulog na tulog si Cookie, ang buong kabahayan ay napaka tahimik. Sa lakas ng ugong ay imposibleng walang makarinig nito ngunit bakit wala ni isa sa paligid ang nagigising? Palakas ng palakas ang tunog kaya naman mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas ako sa aming bakuran. Pag tapak ko pa lamang sa labas ay nakita ko na agad sa kalangitan ang isang malaking sasakyang kakaiba ang anyo. Batid kong galing ito sa kalawakan dahil sa hindi maipaliwanag na hugis at lapad na animo lumilipad na pyramid. Walang ingay ang pag lutang nito sa ere at ang nakapag tataka ay parang wala ni isa ang nakakapansin maliban sa akin. Hindi ako nasindak, marahil ay sanay nalang akong maka kita ng ganitong bagay kaya bale wala nalang sa akin. "Sino kayo?!" ang tanong ko habang nasisilaw sa liwanag na ibinibigay ng kakaibang sasakyan. "Sino kayo?!" ang muli kong tanong ngunit wala akong nakuhang sagot. Unti unting nag liwanag ang sasakyang iyon at nawalang parang bula. Bumalik sa normal ang lahat samantalang ako naman ay naka tingala pa rin at pilit hinahanap ang bagay na kanina lang ay lumulutang. "Oy Narding, anong drama naman iyan? Bigla ka na lang nawala doon sa silid. Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Cookie "May narinig ka ba o nakitang kakaibang sasakyan dito sa labas?" ang tanong ko "Wala, basta noong sumilip ako doon sa bintana ay nakita kitang nakatayo habang naka nakatingala, wala namang kahit ano doon sa direksyon na tinitingnan mo. Ang akala ko nga ay dadaigin mo si Nora sa pelikulang Himala." sagot ni Cookie Habang nasa ganoong posisyon kami may narinig kaluskos mula sa likod ng puno dahilan para matahimik kami. "Baka naman asong umiihi lang iyon." ang wika ni Cookie "Halika tingnan mo." ang wika ko sabay hila sa kanya at itinulak ko doon sa likod tabi ng puno. "Ayy! Bakit ako?!" ang reklamo niya at doon ay marahan siyang gumapang patungo dito. Tahimik niyang sinilip ang naroon sa likod ng puno at noong makita niya ito ay nag takip siya ng bibig sabay gapang ulit pabalik sa akin. "Ano?" ang tanong ko "T-tao. Maliit.. P-parang nuno sa punso." ang wika niya kaya naman agad akong lumakad patungo sa likod ng puno. Dito nga ay nakita ko ang isang taong kakaiba ang anyo. Para itong hobbit at kakaiba ang kulay ng balat, nakasandal sa puno at hinang hina. "Sino ka?" ang tanong ko "Ano kaba cousin alien iyan, hindi ka maiintindihan. Leave it to me." wika ni Cookie at siya ang nag tanong sa panauhin. "Sinetch itey naka itembang sa julalim ng pine tree?" ang tanong nito "Seryosohin mo kasi" ang bulong ko naman at maya maya ay biglang itinaas ng nilalang ang kanyang kamay at hinawakan si Cookie. Natili si Cookie at maya maya ay nangisay ito na parang nakuryente at nawalan ng malay ngunit naka tayo pa rin. "Anong ginawa mo kay Cookie?" ang tanong ko at maya maya ay umilaw ang mata ni Cookie na animo flash light. "Mabuhay Earthlings, huwag kang mag alala dahil buhay pa ang kaibigan mo. Kinakailangan ko lamang gamitin ang katawan ng pangit na baklang ito upang mag kaunawaan tayo. Kami ay nag mula sa planetang Guryon na nasa malayong galaxy. Ang aming planeta ay ang isa sa pinaka mahuhusay sa pag gamit ng worm hole at time travel kaya't agad kaming nakarating dito upang mag bigay ng babala at isa pa ay kaibigan namin ang iyong Planeta. Dito sa planetang Earth naka himlay ang labi o kapangyarihan ng dalawang Diyos na may kakayahang gunawin ang mga planeta sa kalawakan. Ang ibang planeta ay hindi makapaniwala na dito pa sa inyong mahina at kulang sa teknolohiyang  planeta nahimlay ang pinaka malakas na enerhiyang iyon. Noong malaman ng nila ang tungkol dito ay agad sila pupunta upang kuhanin ang naturang kapangyarihan. Kami sa planetang Guryon ay nais lamang ng katahimikan sa kalawakan kaya agad kami nag tungo dito upang bigyan kayo ng isang babala. Nais sana naming tumulong ngunit ang aming sasakyang pang kalawakan ay nasira kanina lamang at ako na lamang ang natitirang buhay. Sa kalagayan kong ito ay batid kong hindi na rin ako mag tatagal kaya nais kong iwan sa iyo ang isang mahalagang mapa kung saan matatagpuan ang dalawang makapangyarihang enerhiya ng Diyos. Ang lahat ng aming teknolohiya ay ibinuhos namin sa mapang ito kaya hiling kong pag ingatan mo. Balang araw ay mauunawaan mo rin kung bakit sa iyo namin ibinigay ang mapa." ang wika niya sabay abot sa akin na isang metal na bilog na animo isang holen. "Iyan ang mapa, taglay nito ang impormasyon ukol sa kapangyarihan ng Diyos. At sa mga oras na ito ay tiyak na parating na rin dito ang ilang mananakop, pag igihan ninyo ang pag tatanggol sa inyong planeta, huwag ninyong hahayaang makuha nila ang alin man sa dalawang kapangyarihan dahil tiyak na magiging katapusan ng lahat." ang wika niya at doon ay huminga ito ng malalim na animo nahihirapan. "Sandali, sinong mananakop? Sino at saan sila nag mula?" ang tanong ko Itinuro niya ang kalangitan at ang pinaka maliwanag na bituin dito at saka unti unting binawian ng buhay. Ang kanyang katawan ay naging abo at sumama sa hangin. Wala akong nakuhang impormasyon kundi ang isang babala na galing sa kalawakan na mayroong nag babadyang masamang dayuhang nag nanais sa iisang kapangyarihan. Hindi malinaw sa akin ang lahat ngunit batid kong kailangan mag handa para sa ika bubuti ng lahat. "Ummm, ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari? Nasaan yung hobbit?" ang tanong ni Cookie noong mag kamalay ito. Nakatahimik pa rin ako "W-wala na siya. Namatay siya matapos sumanib sa iyo. Ang ibig kong sabihin ay ginawa ka niyang medium para mag kaunawaan kami. Marami siyang sinabi sa akin at sa tingin ko ay nanalagay nanaman sa panganib ang ating planeta." sagot ko "Ganon? Ano ang sinabi niya noong sumanib siya sa body ko?" ang tanong pa niya "Ang sabi niya sa akin ay "Mabuhay Earthlings, huwag kang mag alala dahil buhay pa ang kaibigan mo. Kinakailangan ko lamang gamitin ang katawan ng pangit na baklang ito upang mag kaunawaan tayo. Kami ay nag mula sa planetang Guryon na nasa malayong galaxy. Ang aming planeta ay ang isa sa pinaka mahuhusay sa pag gamit ng worm hole at time travel kaya't agad kaming nakarating dito upang mag bigay ng babala" Iyan ang pag kakasabi niya, walang labis at walang kulang." tugon ko dahilan para umasim ang kanyang mukha. "Sana nag cut ka naman ng kaunti. Panget daw ako? Alam mo pinsan mabuti nalang abo na siya ngayon dahil kung hindi ay baka ako na mismo ang sumunog sa kanya!! Imbyerna!" ang pag mamaktol niya. "At ang sabi pa niya ay dito raw naka himlay sa ating mundo ang kapangyarihan ng sinaunang Diyos na pag aagawan ng ibang mga planeta sa kalawakan, sa makatuwid ay mag kakaroon naman ng alien invasion sa ating mundo." paliwanag ko pa "Oh edi bakbakan na. Syempre ay pass na tayo diyan dahil wala na ang bato, wala ka nang lulunukin. Sa ngayon ang tanging bagay na pwede mong lunukin ay ang t***d ni Bart! Halika na nga pumasok na tayo doon dahil baka mapag kamalan pa tayong drug adik sa ganitong oras." tugon ni Cookie sabay hatak sa akin sa loob ng bahay. Noong gabing iyon ay halos hindi ako dinalaw ng antok, ang aking dibdib ay kumakabog habang maigi kong pinag mamasdan ang bilog na bagay na ibinigay sa akin ng taga ibang planeta. Kung iyong titignan ay para lamang itong holen na gawa sa metal wala rin akong ideya kung paano ito magiging mapa. Maraming beses nang pinag tangkaang pasukin ng mga dayuhan galing sa ibang planeta ang mundong ito pero ni minsan ay hindi kami nanghina, sa ngayon ang tanging magagawa ko lang ay mag hintay na bumalik ang aking kapangyarihan bago humarap sa tuwirang pag huhukom dulot ng malupit na hinaharap. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD