Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Mabuhay Earthlings, huwag kang mag alala dahil buhay pa ang kaibigan mo. Kinakailangan ko lamang gamitin ang katawan ng pangit na baklang ito upang mag kaunawaan tayo. Kami ay nag mula sa planetang Guryon na nasa malayong galaxy. Ang aming planeta ay ang isa sa pinaka mahuhusay sa pag gamit ng worm hole at time travel kaya't agad kaming nakarating dito upang mag bigay ng babala at isa pa ay kaibigan namin ang iyong Planeta.
Part 5: Ang Super Hero ni Narding
"Narding dali, tingnan mo ito! Heto na ang bagong copy ng Liquid Dreams magazine! Ang naka feature ngayon ay ang hottest pinoy at tadddaaaa nasa 3rd page si Papa Bart!" ang excited na wika ni Cookie habang kumakain kami sa isang karenderya
Naramdam ako ng pag excite noong mga sandaling iyon kaya naman agad kong kinuha ang magasin upang tingnan ang larawan ni Bart. Ang buong page ay sakop ng kanyang imahe na naka hubad, may hawak itong lambat na animo mamangingisda, putok na putok ang dibdib, sinadyang ipakita ang buhok sa kili kili at ang kanyang kupas na pantalon ay naka bukas ang butones at zipper kaya naman medyo kita ang buhok na nag durugtong sa kanyang pusod pababa sa kanyang ari. "Hanep Narding you are such a very very lucky girl. You know, ang swerte mo kay Bart, ang gwapo ng gago at napaka arrgghh sexy niya!" ang malanding wika ni Cookie at napa english pa ito kahit baluktot.
Tinitigan ko ang larawan at maging ako ay namangha sa ganda ng kuha ni Bart. "Huh, baka siya ang swerte sa akin. Saka dati naman ng gwapo si Bart e, lalo lang siyang kuminang noong matutong mag damit ng maganda." sagot ko na kunwari ay wala lang bagamat kinikilig ako.
"Kung sa bagay, dati ay napaka dusing niyang si Bartolome, hindi marunong mag suklay, puro bisyo ang inaatupag at laging amoy araw, ngayon? Ang gwapo ng gago!" ang wika ni Cookie sabay buklat sa center fold ng naturang magasin.
Natahimik ito at maya maya ay nag titili dahilan para mag tinginan sa kanya ang mga tao sa loob ng kainan. "Bakit?" tanong ko
"My Gewwdd! Hindi ko kaya!! Tingnan mo kung sino ang nasa center fold. Si Pablo!! Siyang tunay!! Ang gwapo niya at ang hot ng dating!" ang pag kamangha ni Cookie habang naka tingin sa larawan ni Pablo na naka upo suot ang brief at dito ay naka hubog ang kanyang mahaba at matabang pag kalalaki. "Paorder nga ng isang jumbo hotdog please!" ang wika ni Cookie habang naka tingin sa larawan ng lalaki. "Alam mo parehong gwapo itong si Bart at Pablo, ang katalo lang sa bukol nila kasi yung kay Bart ay Pinoy size etong kay Pablo ay parang pang black american! Ang laki, ang haba at parang sobrang juicy!" ang wika ni Cookie na parang aso kaya pinunasan ko ang laway niyang tumutulo.
"Sir eto na po yung order niyong Jumbo hotdog." ang wika ng waiter at hindi pa niya ito naibaba ng lamesa ay agad nang dinakma ni Cookie "give it to me!!" hirit niya sabay kagat sa hotdog habang naka titig sa bukol ni Pablo. Samantalang ako naman ay napakamot nalang sa ulo habang pinanood ito sa kanyang natatanging kabaliwan. "Malala na ito, tsk." bulong ko sa aking sarili.
Halos ilang linggo nang nababaliw si Cookie kay Pablo lalo na kapag nag ccheck in ito sa hotel na naming pinag ttrabahuhan. May isang pag kakataon na pa nga na nag panggap itong room attendant at kinuha ang hinubad na brief ni Pablo sa kanyang silid. Pati toothbrush ng binata ay hindi rin niya pinaligtas. Masasabi kong mabait naman si Pablo dahil kahit kailan mag papansin itong si Cookie ay talagang binibigyan niya ng atensyon at nakikita kong nakikipag tawanan rin ito sa kanya.
"Baka naman ang akala nung lalaki ay clown iyang pinsan mong may tililing." ang wika ni Bart
"Masayahin lang talagang kasama si Cookie at siguro ay nag hahanap lang siya ng taong mag bibigay ng pag mamahal sa kanya." tugon ko naman.
Inakbayan ako ni Bart habang lumalakad kami. "Baka naman pati ikaw ay tumitingin sa ibang lalaki?" tanong niya na may halong pag mamaktol, naka nguso at parang nag papacute pa.
Natawa ako at napatingin sa kanya. "Huwag ka nga mag pa cute dyan. Ikaw lang ay sobra sobra na, hindi ko na kailangan ng iba." naka ngiti kong sagot.
Nangiti siya at saka luminga linga sa paligid. Noong makatiyak na walang tao ay hinalikan niya ako sa labi. "Ikaw rin, hindi ko na kailangan pa ng iba dahil ikaw lang ay sobra sobra na. May asawa na ko may super hero pa ako." ang wika niya kaya naman ibayong kilig ang aking naramdaman habang ang kanyang braso ay naka lingkis sa aking likuran.
"Ang sweet mo yata, siguro may ginagawa kang kalokohan no?" pang aasar ko
Humigpit ang pag akbay niya sa akin at nag wika "Syempre lahat ng boyfriend ay sweet diba? Kaya sweet ako, saka hindi na ako malako ngayon. Promise yan!"
Natawa ako..
Habang nasa ganoong pag lalakad kami ay laking gulat ko ng bigla na lamang may lalaking humablot sa aking dalang clutch bag at nag tatakbo ito palayo sa amin. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Bart kaya alerto itong hinabol ang lalaki sa direksyon kung saan ito tumakbo.
Tumakbo na rin ako upang sundan siya. "Bart! Huwag naaaa!" ang pag pigil ko.
"Hindi! Tang ina ako bahala!" ang sigaw niya sabay lundag sa lalaki dahilan para kapwa sila madapa at gumulong sa kalsada. "Gago ka! Ibalik mo yung kinuha mo!!" ang sigaw nito habang sinusuntok ang lalaking snatcher.
Nag pumiglas pa sana ang lalaki para lumaban ngunit hindi na ito umubra sa pag aamok ni Bart. Isang malakas na suntok ang tadyak ang pinakawalan niya dahilan para tumumba ang snatcher. Agad kinuha ni Bart ang aking bag at noong muli niya susuntukin ang lalaki ay nag tatakbo na ito sa matinding takot.
"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong ni Bart noong inilalahad sa aking kamay ang bag. "Ako nga dapat ang mag tanong sa iyo niyan. Ikaw itong nakipag suntukan e. Ayos ka lang ba? Salamat ha." ang tugon ko
"Syempre ayos lang ako. Hindi naman porket superhero ka ay wala na ang pwedeng mag tanggol sa iyo. Tungkulin ko bilang kasintahan mo ang siguraduhing maayos ka sa lahat ng oras. Meron o wala kang kapangyarihan ay ako ang tatayong super hero mo. Super Boyfriend yata ito!" ang naka ngiting wika ni Bart sabay pakita ng kanyang abs at muscle.
Natawa ako at yumakap ako sa kanya. "Gago ka talaga." ang bulong ko.
Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. "Seryoso ako sa mga sinabi ko Narding, hindi ako papayag na may mang aapi sa iyo. Kahit anong mangyari, tawagin mo lang ang pangalan ko at darating ako para sa iyo. Kahit nasaan ako, kahit ano pa ang ginagawa ko ay nakahanda akong iwan ang lahat ng ito para sa iyo. Nag kamali ako ng landas na tinahak noon kaya gagawin kong lahat para makabawi sa iyo." bulong niya sa aking tenga.
"I love you." bulong ko
Lalong humigit ang yakap niya sa akin "mahal na mahal kita". tugon niya
Habang nasa ganoong pag yayakapan kami ay siya namang pag dating ni Cookie hawak pa rin ang magasin na nag lalaman ng larawan ng kanyang lalaking kinababaliwan. "Dito pa talaga kayo nag yakapan sa kalsada ano ito Road To Love? Tigilan nyo nga akong dalawa." ang bitter na wika nito
"Oh bakit parang ang pait mo ngayon? Anyare?" tanong ko
"Nakakainis yang si Pablo nakita kong may kasamang babae palabas ng hotel. Nakaka inis hindi naman maganda yung babae, sexy lang siya at naka suot ng p**e short! Hindi rin malaki yung s**o at parang bakla kung kumilos." paninira nito sabay tapon ng magasin sa basurahan.
Pero maya maya ay pinulot rin niya ito "Ay sayang, nandito pa yung picture ni papa Bart." ang wika niya.
"Akin na rito lalagyan ko ng pirma." ang wika ni Bart.
"Oh ayan Narding palagyan mo ng autograph kay Papa Bart iyang picture niya gamit yung sperm niyang malapot." ang bulong ni Cookie
"Tado, akin na nga iyan. Huwag mo sayangin dahil 375 pesos rin itong magasin." ang wika ko naman.
Pag uwi sa bahay ay agad akong nag handa ng hapunan para sa amin nila Bart. Wala naman ang aking madrasta dahil nasa probinsya ito kaya ayos na lang na mag papasok ng bisita, wala ring maingay at masungit.
Ngayon ay mas maayos ang aming tirahan kumpara dati na gawa sa kahoy. Ngayon ay sementado na ito, naka tiles ang sahig at maayos ang mga rehas ng bintana. Ipinaayos namin ito ni Cookie ng paunti unti at ganimit rin namin ang naipon ni papa para makapag tayo ng maliit na pwesto ng tindahan doon sa gawing palengke.
"Sexy ba ako dito?" ang tanong ni Bart habang pinag mamasdan ang larawan niya sa naturang magasin.
"Oo naman papa Bart, ikaw na talaga ang isinisigaw ng mga kabaklaan sa buong compound. Mas malaki nga lang ang bukol ni Pablo sa iyo pero panalo ka naman sa mukha." ang wika ni Cookie
Inilipat ni Bart ang magasin sa center fold. "Tang ina, pekeng bukol lang ito. Ang sabi ng cameraman ay nag lalagay ng tissue sa brief ang gagong ito. Yung t**i niya mas malaki pa yung t**i ng unggoy!" pang aasar ni Bart
Natawa si Cookie sabay bukas ng telebisyon. Dito ay agad bumulaga sa amin ang nag babagang breaking news mula sa isang sikat na reporter. "Ay bakit ganyan ang itsura ni Liza ngayon? Parang tumangos yata ang ilong niya at nag karoon ng cheek bone?" pag tataka ni Cookie
"Natural, nag paretoke siya. Saka mayayaman na ang mag pipinsang Mae Lawit ngayon dahil halos lahat dito sa buong bansa ay sila ang maririnig. Mula sa report sa TV, radyo, mga customer center at pati sa paging area sa mall ay dominating ang mga mag pipinsang iyan." tugon ko naman.
"Tama ka dyan, at alam mo ba pati sa network operator ay sila na rin ang mag tatake over. Mae Lawit invasion ang magaganap sa buong bansa sa mga susunod na taon!" wika ni Cookie
Breaking News: Sa ulo ng mga nag babagang balita, 3 katao ang natagpuang patay sa iba't ibang lugar dito sa siyudad. Ang lahat ng mga biktima ay wakwak ang tiyan, wala na ang mga bituka at lamang loob. Ang isang biktima ay kinilalang si Gwen Dunayon na natagpuan sa isang madilim na eskinita walang saplot at walang buhay. Sa ngayon ay pinag hahanap pa rin ang mga otoridad ang suspek. Samantala pinapayuhan naman ang mga taong bayan na mag doble ingat lalo na kapag nag lalakad sa gabi.
Balitang Panahon naman tayo na ihahatid sa inyo ni Rica Mae.
Rica Mae: Salamat Liza Mae, isang malakas na bagyo ang pinangangambahang tumama sa ating bansa sa susunod na tatlong araw. Ito ang kauna unahanag bagyo na hindi na nadetect ng ating mga weather satellite at lawak nito ay halos kasing laki ng ating bansa. Hindi ito pang karaniwang bagyo mga kaibigan dahil sakop na sakop ang ating buong teritoryo.
Sa lawak ng saklaw ng bagyong ito ay tiyak na wipe out ang buong luzon, visayas at mindanao. Kaya naman pinapayuan ang publiko na kumuha ng rosaryo at mag dasal para sa milagro. Mag pakalat na rin tayo ng mga post sa face book na one share one prayer dahil na bibilang na ang ating mga oras. Ako pa si Rica Mae Lawit ang 20 years old at fresh na fresh na news caster, 100% virgin at no boy friend since birth. Nag uulat!!
End of news.
"Oh bakit naka tulala ka? Naka nga nga ka pa?" tanong ko kay Cookie
"Yung nasa balita kanina, yung babae iyon ang kasama ni Pablo bago siya mamatay! Hindi maaari ito!!!" ang wika ni Cookie
"Anong ibig mong sabihin? Si Pablo yun pumapatay at kumukuha ng lamang loob?" tanong ko naman
"Syempre ay hindi, baka may masamang nangyari kay Pablo. Jusko, maicheck nga itong IG nya!" ang wika ni Cookie sabay stalk sa lalaking hinahangaan. Napailing nalang ako habang pinag sasandok ng pag kain si Bart. "May delubyo nanamang parating." ang wika ni Bart
"Okay lang iyan, hindi lang naman si Narding ang super hero dito no, sila Panget na ang bahala doon. Saka kahit lunukin pa ni Narding itong buong bahay natin ay hindi na siya magiging si Super Nardo. " hirit ni Cookie.
"Basta ako ang super hero ni Narding, ako bahala sa kanya. Ipag tatanggol ko siya at poprotektahan." wika ni Bart sabay halik sa akin "sarap ng luto mo mahal, tataba ako nito e."
Ngumiwi naman si Cookie na wari'y naiinggit. Itunuon nalang niya ang atensyon sa pag subo ng kanin at ulam hanggang sa mapuno ang kanyang bibig.
Noong mga sandaling iyon ay naging laman na ang social media at balita ang naturang delubyong parating, ang lahat ay nag pakalat ng babae at ang mga public storm signal sa buong bansa ay itinaas na sa signal number 15, kauna unahang bagyo umabot sa ganoong level na hahagupit sa aming lupain.
Itutuloy..