Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 3 AiTenshi Dec 11, 2018 "Narding, totoo na dalawa ang kapangyarihang sagrado na nakahimlay sa inyong mundo. Ang sa akin ay hindi pa natatagpuan kaya't hindi pa sumisibol ang liwanag nito." "Kung gayon ay bakit ayaw mo kaming tulungan? Sana ay noon ka pa nag pakita sa akin para ituro ang aming hinahanap!" ang naiinis kong salita dahilan para matawa siya. "Kung matatagpuan agad ang aking kapangyarihan, ano pa ang silbi ni Super Nardo sa mundo? Kung ang aking kapangyarihan ay may kakayahang itaboy ang kadiliman, para saan pa ang bato at ang apoy ng sumisimbolo sa pag aasa na pumapalibot sa iyong katawan?" ang wika niya dahilan para makaramdam ako ng pag kahiya. Noong mga sandaling iyon ay kapwa kami naka tanaw sa kalayuan kung saan makikita ang i