Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 3 AiTenshi Dec 8, 2018 Nasa ganoong posisyon kami noong makita kong pinaluputan ng higanteng sawa ang kalaban at nilingkis ang katawan nito dahilan para lumuwag ang pag kakahawak sa akin ng kamay na anino at lumagapak ako sa lupa na parang isang saranggola na wasak ang mga kahoy. Hindi na ako nakagalaw, nakatanaw lamang ako kina Bart at Gamal na nag lalaban pa rin sa gitna ng siyudad. Sa pag kakataong ito ay mukhang niyakap na rin ni Bart ang kanyang tadhana. Part 54: Ang Trumpeta ni Kamatayan Kitang kita ko kung paano lingkisin ng ahas na si Bart ang katawan ng aming kalaban. Ang uri ng kaliskis na mayroon siya ay bakal at punong puno ng kalasag. Tila naabot na nga ni Bart ang sukdulan ng kanyang lakas at na master na niya ang kamandag n