Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 3 AiTenshi Part 53: Ang Tadhana ni Bart "B-Bart?" ang nauutal kong salita. Tumingin sa akin si Bart at dito ay laking gulat ko noong bigla akong paluputan ng ahas sa katawan. Kakaiba ang anyo ng ahas na ito, mayroon tenga at mayroong maliit na pakpak. Humigpit ang pag palupot sa akin ng ahas at maya maya ay kinagat niya ako sa leeg dahilan para mapasigaw ako. Ngunit maya maya ay huminto ako sa pag sigaw dahil ang kagat ng ahas ay hindi masakit. Dito ay napansin kong naayos ang nabaling buto sa aking braso, ang malalim na sugat ay bahagyang nag hilom at tumigil sa pag durugo. "Hindi nag bibigay ng kompletong lunas ang ahas na iyan ngunit makatutulong ito para isara ang mga nasira sa iyong kalamnan." ang wika ni Bart habang nakapako ang ting