Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 2 AiTenshi "Hindi ito mga bituin. Ang lahat ng ito ay sasakyang pandigma! Mga battle ship mula sa iba't ibang planeta na may kanya kanyang layo. Lahat ay nag hahandang pumasok sa ating mundo." ang wika niya At maya maya ay kumilos ang isang liwanag, mabilis itong pumasok sa Earth. "Sir Gun, pumasok na po ang isa sa atmosphere ng daigdig." ang wika ng manunuri. Napatingin ako kay Nai, at ganoon rin siya akin. Tila ba nag kasundo ang aming mga isipan. Agad kaming lumabas sa silid at tumakbo palabas ng laboratoryo. "Ihanda ng barrier ng museyo! Huwag itong hahayaang masira!" ang utos ni Gun.. Samantalang kami naman ay nag patuloy sa pag takbo palabas ng gusali at inihanda ang aming sarili sa pag dating ng kakaibang bisita. Part 30: Ang Ma