Ang Tadhana ni Narding
Book 2
Season 2
AiTenshi
Napakamot ng ulo si Nai. "Eh bola lang ito, paano natin ito bubuksan? Baka naman may password ito o may lihim na on and off!"
"Hindi ko alam, ilang buwan ko na ring sinusubukan buksan iyan." ang sagot ko naman.
"Alam ko na! Mang hingi tayo ng tulong kay Kuya Gun! Mahusay iyon sa teknolohiya!" ang mungkahi niya. "Pero bago iyon, kumain na tayo. Nagugutom na kasi ako. Dito na kayo mag palipas ng gabi. Bukas na bukas ay pupunta tayo sa museum kung saan natin matatagpuan ang tutulong sa atin." ang dagdag pa niya sabay abot sa akin ng bolang metal.
Part 29: Misteryo ng Sining
"Parang antok na antok ka yata. Di ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" tanong ko kay Cookie habang naka sakay kami sa sasakyan patungo sa museyo ng kaibigan ni Nai.
"Hindi ako masyadong nakatulog kasi sobrang lamig at yung guest room nila ay kasing laki na ng buong bahay natin." wika ni Cookie
Natawa ako. "Sabi ko naman sa iyo doon ka nalang matulog sa kulungan ng aso nila, kasing laki iyon ng kwarto natin."
Tawanan..
"Mabait si kuya Gun, siya ay fascinated sa mga bagay na may kinalaman sa mga aliens. At isa pa ay marami siyang mga footage ng ating mga pag lipad sa kalawakan, nakikita niya tayo madalas gamit ang kanyang espesyal na satellite. Siya ang unang naka buko ng aking sikreto at sa ngayon ay siya na rin ang tumutulong sa aking mga misyon." ang wika ni Nai.
"Master, nandito na tayo. Mag hihintay na lamang po ako dito sa labas." ang wika ni Kohei sabay bukas ng pintuan ng aming sinasakyan.
Ang museyo ay higit pa sa aking inaasahan, mas malaking gusali ito kaysa sa museyo sa aming siyudad. At ang style nito ay kakaiba dahil ang bubong ay parang ufo at ang mga salamin sa paligid ay kulay pilak. "Wow, ibang klase naman ito. Alien na alien ang datingan ng gusali." wika ni Cookie
"Kasi nga fan si Kuya Gun ng mga aliens! Ayan na siya." ang naka ngiting wika ni Nai sabay turo sa isang lalaking palabas bulwagan ng museyo.
Naka ngiti ito at bakas sa mukha ang excitement. Samantalang si Cookie naman ay nang hina ang tuhod at napaluhod nalang sa kanyang kinatatayuan. "Napaka gwapo rin niyan. Anong klaseng siyudad ba ito? Nakaka loka na, hindi pa ako nakaka get over sa kuya ni Nai ay eto pa ang isaaa. Juskooooo!!!" ang halinghing ni Cookie
Kinamayan niya si Nai, at agad itong lumapit sa akin. Ewan, ngunit para bang na starstruck siya na hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. "Hi! Wow.." ang tanging nasabi niya noong makaharap ako.
"Kailangan kong sabihin kay kuya Gun ang lahat para mas maunawaan niya ang sitwasyon. Noong nalaman niya na kasama kita ay nag cancel siya ng lahat ng appointment, pati flight niya patungo sa ibang bansa ay kinansela rin." ang wika ni Nai.
"Totoo ba ito? Pangarap kong makaharap ka. Wow.." ang wika ng binata at lumuhod pa ito sa aking harap para mag bigay pugay dahilan para matawa ako.
"Maraming salamat sa pag bisita mo, halika pumasok kayo." ang pag iimbita niya at dito nga binigyan niya kami ng pag kakataong makita ang kanyang mga koleksyon.
Pag pasok palang namin ay bumulaga na agad ang apat na malalaking kwadro na nakapakat sa pader. Halos higanteng larawan na ito na kasing laki ng billboard. Ang una ay si Jorel na nakatayo sa isang mataas na gusali. Bagamat hindi masyadong kita ang mukha nito ay halata pa ring siya nga iyon. Ang ikalawang kwardo naman ay si Ace na tumatakbo habang nag liliwanag ang mga braso at paa. Ang ikatlo ay si Super Panget na may hawak na baril at espada habang naka tanaw sa madilim na parte ng kalangitan. At ang pinaka huli ay si Super Nardo na nakaupo sa pinaka mataas na tore sa aming siyudad kung saan ako madalas tumatambay.
"Nagustuhan mo ba? Binago ko ang mga larawan at pinalitan ito ng mas malilinaw. Pangarap ko na masilayan ang mga iyan ng personal at halos hindi ako makapaniwala na ang isa sa pinaka mailap ay nandito ngayon sa aking tabi." ang wika ni Gun
"Excuse me, diba tungkol sa mga aliens ang museyong ito? Bakit ang daming paintings doon? Yung iba ay gawa pa ni Da Vinci, alien din ba siya?." ang pag tataka ni Cookie
Natawa si Gun "iyan ang misteryo ng sining. Si Leonardo Da Vinci ay biniyayaan ng kakaibang talino at talento ng mga bituin. Misteryoso ang kanyang mga likha kaya inilagay kong lahat ito sa isang section dito sa aking museyo." paliwanag ni Gun habang iniikot kami sa mga larawan na iginuhit ni Leonardo.
"Eh bakit nandito si Monalisa? Alien rin ba siya?" tanong ni Cookie. "Pero infairness ha, ang ganda ng ngiti niya. Parang napaka misteryosa ng datingan."
"Kaya ganyan ang ngiti ni Monalisa ay sa kadahilanang mayroon siyang alam na hindi natin nalalaman. Katulad na lamang ng mga ibang pintang ito, Salvator Mundi na may hawak na bilog at mayroong mga bituin sa loob nito, pininta ito ni Leonardo noong panahon ng renaissance. Halos lahat ng kanyang ginawa ay mayroong misteryosong ngiti at naka turo o naka tingin sa iisang direksyon, sa itaas kung saan mayroong bituin katulad ni St John Baptist. Si Leonardo ay biniyayaan ng kakaibang talino ng mga bituin kaya nagagawa niya ang mga eksaktong desenyo ng mga sasakyan sa hinaharap at pati ang katawan ng tao ay alam rin niya ang bawat detalye." ang wika ni Gun na aming ikinamangha.
"Eh bukod sa mga sining, mayroon ring ditong larawan ng mga wonders ng ibang bansa, katulad nilang nitong Pyramid sa Egypt. Bakit nandito ito?" tanong pa ni Cookie.
"Ang iyong nais itanong ay kung anong kinalaman ng pyramid sa mga aliens?" pag lilinaw ng binata.
"Oo yun nga. Lahat ba ng ito ay may kinalaman?" tugon ni Cookie
"Oo naman. Sinasabi sa history na ang pyramid ay itinayo noong 2630 BC ng mga Ehipto. Ngunit nito lamang nakalipas na taon ay binawi ito ng mga siyentipiko at sinabing ang pyramid raw ay itinayo mas matagal na panahon pa. Ito ay ginamit ng mga sinaunang sibilisasyon upang maging power supply sa isang malaking sasakyan na mag tutungo sa mga bituin. Bukod pa sa pyramid ay maraming pang mga higanteng infrastructure ang itinayo ng mga sinaunang sibilasyon para sa kanilang mga diyos.
Dito kayo, tingnan niyo ito. Ito ang pinaka latest na discovered ng aking mga kaibigang archaeologist." ang excited na wika ni Gun sabay pakita sa amin ng ilang tabletang bato.
Isa itong bato na mayroong naka ukit na imahe. Malabo ngunit napapansin pa rin ang larawan ng dalawang nilalang na naka upo sa ilalim ng isang puno habang naka tanaw sa isang maliwanag na bituin sa kalangitan. "Ang imahe iyan ay ang sinaunang tao na nanirahan sa ating mundo. Tingnan mo ang detalye ng kanilang damit, kakaiba ang desenyo nito at ang kanilang mga ulo ay mahahaba. Ang bituin sa itaas na iyon ay maaaring sumisimbilo sa kanilang Diyos. At ayon sa mga archaeologist ay matagal na panahon na itong naka himlay sa pinaka kailaliman ng lupa." ang salaysay ni Gun.
Namangha kami ni Cookie sa kanyang husay. Halos malayo na rin ang narating ng kanyang pag sasaliksik. "Naniniwala ako sa mga nilalang sa ibang planeta. Ang iba nga sa kanila ay inupakan ko at pinatumba!" ang hirit ni Nai.
"Nga pala, siguro ay oras na upang pag usapan natin ang tungkol sa inyong sadya. Doon tayo sa aking lihim na laboratoryo." naka ngiting wika ni Gun kaya naman agad kaming sumunod sa kanya.
Ang kanyang lihim na lugar ay nasa underground ng museyo, ito ay may sekretong lagusan. Isang secure na lugar na walang sinuman ang maaaring pumasok. Mayroon siyang mga sikretong tauhan sa loob nito na nag aaral ng mga labi o tira ng mga dayuhan mula sa ibang mundo. "Dito namin sinusuri ang mga naiwang sasakyan at labi ng mga nakakalaban ni Nai. Sa ganitong paraan ay mas marami kaming impormasyon na nakukuha tungkol sa iba't ibang lahi at teknolohiya sa ibang planeta. Nakaka lungkot lamang na ayaw yakapin ng mga tao ang katotohanan na tayo ay nilikha at dinesenyo gamit ang teknolohiya ng mas nakakataas na planeta." ang wika ni Gun abang lumalakad kami sa hallway ng kanyang lab.
Pag pasok namin sa loob nito ay agad kong ibinahagi ang aking mga pangitain tungkol sa pag wawakas ng mundo. Kabilang na nga rito ang pinag aagawang sagradong kapangyarihan na naiwan ng isang tinatawag na Diyos. At ang pinaka huli ay ang mapa na nag lalaman ng eksaktong direksyon kung saan ito naka himlay. Lahat sila ay maiging nakinig sa akin at hindi mapigil ang mag alala ukol sa nalalapit na pag huhukom. "Narito ang mapa, isa itong bolang metal na hindi ko alam kung paano pagaganahin." ang wika ko.
Kinuha ni Gun ang bola at maiging isinuri ito. Tinitigan niya ang bawat detalye. Inikot ikot at itinapat pa sa pinaka maliwanag na ilaw.
Tahimik..
"Gusto mo?" alok ni Nai. Inabot niya kay Cookie ang isang garapon ng popcorn.
Kinuha ito ni Cookie. "Thank you ha, inaantok na nga ako, nahihilo na ko kakapanood ng paikot ikot na bola." bulong nito.
Patuloy si Gun sa pag susuri..
"Walang kahit anong desenyo, para itong bolang metal lamang na walang kahit anong bakas ng impormasyon. Sandali at susubukan kong iscan." ang dagdag pa niya.
Ipinatong niya ang bola sa isang espesyal na scanner at dito ay nag simulang palibutan ng pulang laser ang paligid nito habang ang monitor nag lalabas ng kakaibang waves.
Patuloy lang rin kaming nanood..
Habang nasa ganoong posisyon ang lahat ay bigla na lamang nag labas ng asul na liwanag bola. Ang sinag nito ay tumama sa pinaka itaas ng kisame.
Malakas ang liwanag na iyon at nakakasilaw. Kasabay nito ang pag bubukas ng pintuan ng lab at dito ay pumasok ang isang manunuri. "Sir Gun, may nasasagap na kung anong kakaibang bagay ang ating satellite! Nandun ito sa monitor." wika nito na hindi mo malaman kung maeexcite o matatakot.
Agad kaming tumayo sa aming kinalalagyan at sinundan namin siya sa kabilang silid. "Ano iyon?" tanong ni Gun
"Heto po sir, kanina ay wala ito. Bigla na lamang nag pakita ang maraming bituin na iyan sa ating solar system. Mag kakaiba ito ng distansya at ang isang bituin na ito ng pinaka malapit." ang wika niya habang tinuturo ang mga tuldok ng liwanag sa monitor.
Hinawakan ni Gun ang controller sa monitor at pinilit niya itong izoom in. Maya maya ay luminaw ang tuldok at nag iba ito ng hugis. Halos nasa 8 tuldok ang nasa monitor at ang lahat ng ito ay nag bago noong ilapit.
Tahimik ulit..
Napaatras si Gun mula sa kakatitig sa monitor..
"Hindi ito mga bituin. Ang lahat ng ito ay sasakyang pandigma! Mga battle ship mula sa iba't ibang planeta na may kanya kanyang layo. Lahat ay nag hahandang pumasok sa ating mundo." ang wika niya
At maya maya ay kumilos ang isang liwanag, mabilis itong pumasok sa Earth.
"Sir Gun, pumasok na po ang isa sa atmosphere ng daigdig." ang wika ng manunuri.
Napatingin ako kay Nai, at ganoon rin siya akin. Tila ba nag kasundo ang aming mga isipan.
Agad kaming lumabas sa silid at tumakbo palabas ng laboratoryo.
"Ihanda ng barrier ng museyo! Huwag itong hahayaang masira!" ang utos ni Gun..
Samantalang kami naman ay nag patuloy sa pag takbo palabas ng gusali at inihanda ang aming sarili sa pag dating ng kakaibang bisita.
Itutuloy..