Ang Tadhana ni Narding
Book 2
Season 2
AiTenshi
Nov 8, 2018
Tumango ako at inalalayan ang aking sarili para makatayo ng maayos.
Halos balot pa rin ng takot at kaba ang aking dibdib dulot ng pangitaing iyon. Sa ngayon ang tanging magagawa ko lang ay kumilos na at buuin ang aking sarili gamit ang tibay at lakas ng loob.
Part 28: Anghel ng Kaibaitan
"Biruin mo hindi na natin kailangang lumipad at mag tungo sa malayo para makipag kita sa kanya. Ibang klase talaga ang yaman ng loko dahil may sarili pala siyang chopper! Bakit kayong mga superhero ay sumasakay pa sa sasakyan kung pwede naman kayong lumipad nalang para makarating sa iba't ibang lugar. Nakakarating nga kayo sa outer space eh." pag tataka ni Cookie
"Hindi namin maaaring gawin iyon ng madalas dahil masyado kaming maeexpose. Isa pa ay masarap pa rin ang mabuhay at maki ayon sa mga normal na tao. Ang aming kapangyarihan ay hiram lamang, hindi namin ito maaaring abusuhin. At lalo hindi namin maaaring idepende ang aming pang araw araw na buhay dito." ang tugon ko habang naka tingin sa lote ng paliparan sa siyudad habang nag hihintay sa isang espesyal na kaibigan.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang helicopter na sinasakyan nito kaya naman agad isinuot ni Cookie ang kanyang costume na ati atihan at saka nag sasayaw na animo naka drugs sa buong area. May hawak pa itong insenso na nakalagay sa palayok. "Kailangan ba naka ganyan ka?" ang tanong ko
"Yes naman! Dito namin maipapakita ang pagiging hospitable natin sa mga dayuhan. Piliin mo ang Pilipinas, Kapuluang kwintas ng perlas, Piliin mo yakapin mo, Kayamanan nyang likas, Piliin mo ang Pilipinas!!!” hirit ni Cookie na kumakanta at sumasayaw pa.
"Mauunawaan ko sana kung taga ibang bansa yung bisita natin e. Kaso taga rito lang rin siya. Dagat lang ang pagitan natin e." ang tugon ko naman at maya maya nga ay nag land ang sasakyang lulan nito.
Mula sa chopper ay ay bumababa ang dalawang security na naka itim, armado ng mga baril. Tapos ay bumaba rin ang isang lalaking may puting buhok, medyo may edad na ito ngunit ang katawan ay matipuno pa rin.
Ang pinaka huling bumaba ay ang aming bisita. Inabot ng security ang kanyang kamay ngunit tinapik nya ang kamay nito at saka masiglang lumundag mula sa sasakyan. Naka suot ito ng sirang jeans, naka sweater at rubber shoes.
Sinalubong namin siya at kinamayan. "Akala ko ay si Super Nardo ang susundo sa akin? Yung panget na version pala niya. Joke lang!" ang biro nito sabay yakap sa akn.
Maya maya ay lumapit si Cookie sa kanya. "Hello. Im a fan. Nagustuhan mo ba yung pag welcome ko sa iyo?" ang tanong nito habang sumasayaw.
"Maganda naman. Kamusta ka?" ang sagot nito sabay labas sa kanyang hintuturo. Ito ang kinuha ni Cookie para kamayan. "Nice meeting you dalmatian." ang wika nito sabay kuha ng alcohol sa bag at winisikan ang kanyang hintuturo.
"May attitude ang gago." ang bulong ni Cookie.
"Hayaan mo na." bulong ko naman habang naka ngiti.
Maya maya ay lumapit sa kanya ang matandang lalaki at hinawakan ito sa balikat. "Master Nai, hindi po tayo maaaring mag tagal dito lalo't hindi ka nag paalam sa kuya Rui mo, tiyak na magagalit iyon."
"Hindi ka naman mag susumbong diba? Ang mabuti pa ay sumama na kayo sa amin. Doon na lang tayo mag usap." ang sagot ni Nai sabay aya sa amin sa sumakay sa kanilang chopper
Lumapit naman sa amin ang matandang lalaki at kinamayan kami nito. "Ako po si Kohei, ang taga pag alaga ni Master Nai at ng kanyang kapatid na si Master Rui." pag papakilala nito na punong puno ng pag galang.
"Ako si Cookie, at siya naman si Narding a.k.a super Nardo." ang habol nito
Tila nagulat si Kohei sa kanyang narinig, muli niya akong kinamayan at hinaplos pa ang aking mukha. "Ikinagagalak kong makilala ka Master. Isa akong taga hanga." ang wika nito
"Oi, sikreto lang iyon ha. Wag mong sspluk dahil hindi kami aamin." ang dagdag ni Cookie dahilan para matawa kami.
"Kohei, ang tagal mo naman! Tara naaaa!" ang excited na sigaw ni Nai sabay lundag sa loob ng sasakyan. Bata pa talaga ito at hindi pa ganoon ka mature kumilos.
Sumakay kami at simula na itong lumipad paitaas. "Saan ba tayo pupunta?" ang tanong ko
"Edi sa amin. Ipapasyal ko kayo doon. Saka isa pa ay hindi ako pwedeng mag tagal dito dahil tumakas lang ako kay Kuya Rui na ngayon ay natutulog pa rin." sagot ni Nai
"Hindi maaaring lumabas si Master Nai ng bahay dahil may kasalanan itong nagawa noong nakaraang araw. Kaya tiyak na ang pag takas niya ngayon ay panibagong violation nanaman." wika ni Kohei
Nag patuloy ang aming pag lipad sa karagatan. Kung tutuusin ay malayo talaga ang pagitan ng lugar nila Nai at ng samin dahil karagatan ang nag hahati sa aming mga siyudad. Hindi ito mararating ng bus o sasakyang de gulong. Maaari kang mag pa book ng ticket sa barko o sa eroplano para makarating dito mula sa aming siyudad.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa siyudad kung saan nakatira si Nai, sa ngayon ay masasabi kong unti unti na rin itong bumabangon sa kabila ng sunod sunod na kaguluhan. "Matindi ang pinsalang naidulot ng mga ligaw na Alien sa siyudad. Nadagdagan pa tuloy ang trabaho ko." reklamo ni Nai habang naka tanaw sa ibaba.
"Ganoon rin sa aming siyudad. Kaya nga nakipag kita ako sa iyo upang humingi ng tulong." tugon ko naman.
"Ayos, pag usapan natin iyan mamaya." sagot rin niya habang nag bubukas ng kahon ng tsokolate.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba ang chopper sa tuktok ng isang gusali at dito ay sinalubong kami ng isang itim na kotse. Agad kaming sumakay dito at muli itong tumakbo patungo sa bahay nila Nai. Doon na lamang raw kami mag usap upang tahimik at walang ibang makarinig. Batid kong may ideya na siya sa aking pakay kaya hindi na rin ito nabigla.
Ilang minuto rin ang ginawang pag katakbo ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang bahay na may malaki at maluwang na bakuran. Napa "wow" nalang kami ni Cookie noong makita namin ang bahay nila Nai. Isa itong malaki at matayog na gusali. Parang isang magarabong hotel kung iyong pag mamasdan. May isang malaking swimming pool sa bakuran na nakatirik sa isang magandang land scape na lupa. "Sobrang yaman naman pala niya." bulong ni Cookie. "Mayaman ang mga Natchakal. Lalong lumaki ang negosyo nila mag buhat noong si Master Rui ang nangasiwa ng mga ito." ang sagot ni Kohei
Pag baba namin sa sasakyan ay pinatuloy agad kami sa loob ng bahay. Si Nai naman ay nag tatakbo sa isang sulok at mabilis na nag palit ng pambahay na damit. Naupo kami sa kanilang magarbong sofa habang isinasara ko ang bibig ni Cookie na noon ay naka nganga nalang dahil sa ganda at luwang ng buong kabahayan.
"At saan ka galing? Ang akala mo ba ay hindi ko alam na umalis ka? Nilagyan mo pa ng pampatulog yung kape ko kaninang umaga." ang wika ng isang lalaking pababa sa hagdan.
Matangkad ito, maputi, makinis ang balat. Maganda ang katawan. Naka suot ng boxer shorts at sandong puti na maluwang. Halatang kakabangon palang mula sa higaan.
Lalong natulala si Cookie at umausdos nalang ito sa sofa na parang nang hina ang tuhod. "Ang gwapo, akala ko si papa Bart na ang pinaka hot at pinaka gwapong nakilala ko. Pero iba ang isang ito, palong palo at parang hindi tao." ang halinghing ni Cookie na parang aatakihin sa puso.
Napalingon siya sa amin at bumakas ang pag tataka sa kanyang mukha. "May bisita pala tayo." ang wika niya
Agad na lumapit sa kanya si Kohei. "Master Rui, mga kaibigan po sila ni Master Nai mula sa malayong isla."
"Gaano kalayo? Bakit ngayon ko lamang sila na kita? Buti hindi binaril ni Nai ang isang iyon." ang tanong niya sabay turo kay Cookie
"Barilin? Bakit naman ako babarilin?" bulong ni Cookie
Nag kibit balikat lang ako dahil hindi ko alam ang aking isasagot. "Hindi ko alam, baka nag bibiro lang siya."
Maya maya ay bumulong si Kohei sa kanya at napatingin ito sa akin. "Wow." ang wika niya sabay lapit sa akin na aking ikinahiya. Marahil ay sinabi ni Kohei sa kanya na ako at si Super Nardo ay iisa.
"Kamusta ka? Masaya ako na makilala kita ng personal. Natutuwa ako at mayroon ring kaibigan si Nai na isa ring super hero. Ako nga pala si Rui, ang kuya ni Nai." ang wika niya sabay kamay sa amin.
"Ang gwapo, ang bango." ang kinikilig na wika ni Cookie.
Maya maya ay dumating naman si Nai at bigla itong sumampa sa likod ng kapatid. "Nandito si Narding kasi may pag uusapan kaming mahalagang bagay. Usapang superhero ito kaya bawal ang asungot." ang wika nito.
"Anong akala mo sa akin? Asungot? Gusto mo bang dagdagan ko pa ang araw ng pagiging grounded mo? Bakit nilagyan mo ng pampatulog yung kape ko kaninang maga?" paninita ni Rui
"Hindi ahh. Wala akong inilalagay." ang pag tatanggol ni Nai sa kanyang sarili.
"Anong hindi? Umamin na sa akin si Kohei. Mag dedeny ka pa e."
"Traydor ka talaga Kohei! Balimbing ka talaga kahit kailan! Akala ko ba kakampi kita?" pag mamaktol nito
"Huwag ka nga magulo, nakakahiya sa mga bisita. Sige mag usap na kayo para isalba ang mundo. Kohei, sabihin mo sa mga cook na mag handa ng maraming pag kain. Isang malaking karangalan ang makasabay sa dinner ang isang super Nardo." ang naka ngiting wika ni Rui sabay lakad paakyat sa kanyang silid.
Noong mga sandaling iyon ay nag usap kami ni Nai tungkol sa panganib na naka abang sa aming hinaharap. Ibinahagi ko rin sa kanya ang aking mga pangitain tungkol sa pag kagunaw ng mundo. At dito napag alaman na hindi lamang ako ang nakaka panaginip ng mga bagay bagay kundi pati siya rin. "Naikwento sa akin ni Sin ang tungkol sa sagradong kapangyarihan na naka himlay dito sa ating planeta. At ipinakita rin niya sa akin ang ilang malalakas na katunggali na nag nanais na makuha ang mga ito. Habang tumatagal yata ay palala ng palala ang sitwasyon ng ating mundo. Hindi ko tuloy lubos maisip kung hanggang kailangan tatagal ang digmaang ito. Anong plano mo Narding?" tanong ko
"Lalaban tayo, ibinigay sa akin ng taga planetang Guryon ang mapa kung saan matatagpuan ang sagradong kapangyarihan. Sa buong kalawakan ay mga taga planetang Guryon lamang ang may kakayahang gumawa ng accurate na mapa tungkol sa isang bagay. Iyon ang pinaka magaling na talento nila. Sa tulong ng bagay na ito ay tiyak na masusolusyunan natin ang digmaan parating." tugon ko sabay abot sa kanyang ng bolang metal.
Kinuha niya ito "ang plano mo ay unahan silang makuha ang sagradong kapangyarihan?" tanong niya habang tinititigan ang bolang hawak.
"Oo, at balak ko itong itago sa lugar na hindi mahahanap nino man. O wawasakin ko ito upang walang makinabang." tugon ko.
"Ayon kay Sin, ang sagradong kapangyarihan ay dalawang uri. Isang puti at isang itim. Paano kung ang itinuturo ng mapang ito ay ang itim na kapangyarihan? Paano kung iyon ang pinaka madaling hanapin? Ayon sa kasaysayan ay nahati ang katawan ng Diyos sa dalawa, isang mabuti at isang masama. Kapwa niya ikinulong ang kanilang kapangyarihan at itinago ito sa ating planeta." wika ni Nai
"Kung itim o puti ay wala dapat silang makuha ni ano man sa kapangyarihang iyon. Iyan ang mapa, iyan ang gagamitin natin para hanapin ito." sagot ko
Napakamot ng ulo si Nai. "Eh bola lang ito, paano natin ito bubuksan? Baka naman may password ito o may lihim na on and off!"
"Hindi ko alam, ilang buwan ko na ring sinusubukan buksan iyan." ang sagot ko naman.
"Alam ko na! Mang hingi tayo ng tulong kay Kuya Gun! Mahusay iyon sa teknolohiya!" ang mungkahi niya. "Pero bago iyon, kumain na tayo. Nagugutom na kasi ako. Dito na kayo mag palipas ng gabi. Bukas na bukas ay pupunta tayo sa museum kung saan natin matatagpuan ang tutulong sa atin." ang dagdag pa niya sabay abot sa akin ng bolang metal.
Itutuloy..