TBWB - 40 (Haba ng hair!)

1450 Words

MULA SA HARAP ay ang entablado. Nagsimula ang naturang auction nang formal at kalmado ang paligid. Mababa ang boses ng host. Isang boses lang, malinaw at pormal. "Lot one. Majority stake. Seventy percent controlling interest." Lumabas ang detalye sa screen, numbers, projections, legal structures. Malinis at propesyunal. "Opening bid submitted." Hindi nagtaas ng kamay ang mga tao. Sa halip, may mga tablet sa harap ng bawat bidder. Tahimik silang nag-iinput. Seconds lang ang pagitan. "Bid acknowledged." "Counter submitted." Walang emosyon. Walang ingay. Pero ramdam ni Kira ang bigat ng bawat galaw, parang bawat pindot, may kapalit na kapangyarihan. She shifted slightly. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng katahimikan. "Observe," mahina niyang narinig mula kay Lissandro.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD