"Ms. Kira, umaapaw na po yung gatas."
Nabalik si Kira sa sarili mula sa pagkakatulala nang marinig niyang nagsalita si Yolly. Ito ay kanang kamay niya noon pa man at isinama niya ito nang tumakas siya mula sa mansion. Kasalukuyan silang magkasamang nagtatrabaho sa isang coffee shop.
Hininto niya ang pagsalin ng gatas sa tasa ng ginagawa niyang cappuccino. Kaagad pinunasan ang natapon na gatas sa counter. Bumuntong hininga siya. "Natulala ako, ang dami ko kasing iniisip."
"Tulad ng alin?" tanong ni Kira habang ito na ang nagsimulang mag-asikaso ng ginagawa niya.
"Napapaisip lang ako tungkol sa papa, nang umalis kasi ako ay wala na 'kong balita sa kaniya. I still love them despite of the reason why I escaped. Kaya kong tiisin lahat ng paghihigpit nila but not to the point na pilitin akong maikasal sa taong hindi ko pa naman nakikita. I don't even know his looks, or kung anong ugali meron ang taong gusto nilang ipakasal sa 'kin. It will be a nightmare if I didn't escape." Bumuntong hininga siya at inabala ang sarili sa trabaho nang dumaan ang isa nilang kasamahan.
"So, kailan mo balak bumalik?"
Umiling siya. "Hindi ko alam. Siguro kapag napagtanto na nilang mali ang gusto nilang gawin para sa 'kin, but knowing mama and papa, hindi sila papayag na ako ang masunod. They keep on saying na para sa 'kin din 'yon, well... I don't think so. Baka para sa kanila. Inalisan nila ako ng karapatang mamili ng taong gusto ko. You know what? I will get married, only if I love my groom, that's it. At ako ang pipili ng pakakasalan ko, hindi sila."
Kahit sa panaginip ay hindi niya gustong ikasal sa kahit sino mang lalaki na hindi pa niya nakikilala. Ang totoo niyang ay nagkaroon pa siya ng isang masamang panaginip tungkol sa araw ng kaniyang kasal, kung saan ang kaniyang groom ay may hindi kaaya-ayang itsura. Pawis na pawis siyang bumangon sa kama sa sobrang takot sa napanaginipan. Para sa kaniya ay hindi malabong totoo ang kaniyang panaginip. It's either pangit na ugali or talagang pangit ang mukha ng kaniyang pakakasalan base sa kaniyang panaginip kaya naisip niyang tumakas sa mansion.
Hindi naging madali kay Kira ang mamuhay nang simple. Napakaraming bagay ang hindi niya alam at talagang nanibago ang katawan niya sa trabahong mayroon sila ni Yolly. Maigi na lamang at hindi siya nito iniwan sa kabila ng ginawa niyang pagtakas.
Tiniis niyang tumira sa isang maliit na paupahang apartment kasama ito, dahil sigurado siyang malabong maisip ng mga magulang niyang hanapin siya sa ganoon lugar lalo na't may dinala siyang malaking pera na sinadya niyang gawin. Siguradong hinahanap siya ng mga ito ngayon sa ibang bansa dahil ang tingin nila ay umalis siya ng bansa dala ang malaking pera.
Pagkagaling sa trabaho ay sabay na lumabas sina Kira at Yolly mula sa coffee shop.
"Anong kakainin natin?" tanong niya sa tauhan habang sila'y naglalakad.
"Gusto n'yo po bang ipagluto kita?"
Mabilis siyang umuling. "Hindi na, alam kong pagod ka rin. Kumain nalang tayo sa labas."
Ngumiti si Yolly at nagkwentuhan sila habang naglalakad.
Laking pasasalamat niya dito dahil talagang tapat sa kaniya at maasahan. Kahit pagod sa trabaho ay ipinagluluto siya nito kaya naman paminsan-minsan ay inililibre niya pa rin ito mula sa kaniyang pinagpagurang sahod at ang perang tinangay nang umalis sa mansion ay hindi niya binawasan, dahil kahit mahirap ay nae-enjoy niya na rin ang buhay.
Higit anim na buwan na rin siyang wala sa mansion at tila nasasanay na sa simpleng buhay na mayroon. Kinailangan niya ding magpalit ng pangalan at gumamit ng pekeng impormasyon at ID upang mas maitago ang totong pagkatao at hindi matunton ng mga magulang.
"Gusto mo bang uminom muna?" tanong niya sa tauhan.
Tumango ito at ngumiti.
Dinala niya si Yolly sa isang bar at mas pinili nilang maupo sa dulo kung saan walang gaanong tao. Um-order ng inumin at nagsimula silang uminom habang nagkuwentuhan.
***
Marami-rami nang nainom si Kira nang makaramdam ng pagkaihi. Mataas ang tolerance niya sa alak at malabong malasing nang sobra dahil marunong din siyang mag-control. Nagtungo siya sa powder room. Pagliko niya sa hallway ay bumangga siya sa dibdib ng isang lalaki. Kamuntik na siyang matumba, maigi na lamang at mabilis niyang nahawakan nito sa beywang.
"I-I'm sorry-- KIRA??!" Nautal ang lalaki at binanggit ang pangalan niya nang gulat na gulat ang makilala siya. "Kira? Is that you? What are you doing here?"
Natigilan si Kira at napalunok ng sariling laway. Bahagya siyang lumayo sa lalaki at sumandal sa pader. Kaharap niya ngayon ang kababata niyang si David.
"I thought you're missing. You flew abroad, nandito ka lang pala sa Antipolo."
Kira rolled her eyes. "Don't tell anyone na nakita mo 'ko dito. Okay?"
"Why?" takang tanong nito, walang idea sa nangyayari at sa problemang mayroon si Kira. Magkababata sila at talagang dikit ang kanilang mga magulang kaya naman kinakabahan na ngayon si Kira. Nagsisisi siyang nagpunta sa isang bar.
"Bakit ka ba kasi napunta dito sa Antipolo? Nakakainis!" wika niya nang may inis na animo'y kasalanan pa ni David na nagkita sila ngayong gabi. Pinag-ekis niya ang mga palad. "Sa dami-dami ng bar nandito ka pa talaga? Napakalayo nito sa Batangas."
David chuckled. “Are you kidding me? Parang kasalanan ko pang Nakita dito. You don’t have an idea how worried your parents about you.”
“Worried? They want me to marry someone I don’t like. Ni hindi ko pa nga nakikita.”
Bumuntong hininga si David. Bakit ba puro arrange marriage ang naririnig niya buong araw? “That’s the only reason bakit ka umalis nang walang paalam at nagtatago dito?”
Tumango siya. “So, shut your mouth kung ayaw mong pati sa ‘yo hindi na ‘ko magpakita kahit kailan.”
“That’s so childish Kira.”
Kira rolled her eyes again and faced him. “Childish para sa ‘yo but you have no idea how that fvcking arrange marriage will ruin my life and my future. Matatanggap ko lahat ng paghihigpit nila, even the school they want me to study, the course they want me to study, what to wear, what to do, kahit gawin nila akong manikang de-bihis pero hindi ang ipakasal ako sa isang taong hindi ako kilala. So, pleaseeee… David, keep this a secret. Don’t tell anyone na nandito ako. Na nakita mo ‘ko.” Maluha-luha ang kaniyang mga mata nang sabihin niya ang mga ‘yon.
Marahang tumango ang lalaki. “Alright, naiintindihan ko na. I’m sorry, wala akong idea about that. Pero bakit hindi mo sila sinubukang kausapin?”
"You think pakikinggan nila 'ko? They're controlling us, just like Jessy," malungkot niyang sambit at binanggit ang pangalan ng panganay niyang kapatid na ngayon ay nasa US na napilitang pamahalaan ang negosyong mayroon ang pamilya nila at isinantabi nito ang mga pangarap na maging modelo at valerina.
Bumuntong hininga si David. Bigla itong naawa sa sitwasyon niya. "Can I come to the hotel you're living now?"
Kumunot ang noo niya. "Hotel? I'm not staying on a hotel."
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni David kaya naman dinala niya ito sa apartment na tinutuluyan nila ni Yolly.