TBWB - 3

1431 Words
HINDI MALAMAN ni David kung anong magiging reaksyon nang dalhin siya ni Kira sa isang maliit at lumang apartment. "Y-you're living here with your assistant?" nautal na tanong niya at tumingin kay Kira. Seryosong tumango ang babae. "Why? May problema ka?" "How come, Kira? You're a Windsor! For Pete's sake! It's too tiny a-and old? Ilang buwan ka nag nawawala, paano mong natiis ang ganito kaliit na space?" Bumuntong hininga siya at muling inilibot ang mga mata sa paligid. Hindi siya makapaniwalang ang isang Kira Windsor ay nagagawang tumira sa isang masikip at lumang apartment na siyang malayong-malayo sa marangya at malaking kwarto nito. "You're so silly, David. Napaka-OA ng reaction mo. Wala namang problemang tumira sa ganitong lugar. I'm happy, free and I enjoy staying here kumpara sa mansion na wala na 'kong naging freedom." Naupo si Kira sa isang plastic na upuan sa harap ng lamesa ipinagsalin siya ng tubig sa baso at iniabot ito sa kaniya. Tinanggap naman iyon ni David. May punto naman si Kira at mas naiintindihan niya ito ngayon. "What if hindi nagbago ang isip nila?" tanong niya at naupo sa isa pang upuan katabi nito. "Hindi ako uuwi," tipid na tugon ni Kira. "What if you marry me instead?" Kumunot ang noo ni Kira sa naging tanong ni David at kahit si David sa sarili niya ay hindi niya alam kung bakit ito naitanong sa kababata. Bigla na lamang itong pumasok sa isip niya. "What are you talking about?" iritableng tanong ni Kira at pinaningkitan siya ng mga mata. "Alam mo ba 'yang pinagsasabi mo, David? Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko gusto. Never!" "Ouch! Your words hurt, Kira," biro ni David at humawak pa kunyari sa dibdib niya. "I'm only trying to help, not to take advantage of you. Naisip ko lang na baka kapag kasal ka na ay hindi na sila mangungulit pa, besides it's me—they know me already. But we will make it a fake marriage but legit ceremony para maibalita sa kanila?" Napaisip si Kira sa sinabi niya. "Puwede po 'yon, Ms. Kira, kaysa naman nagtatago ka at nahihirapan sa pagtatrabaho sa coffee shop," singit ni Yolly na kanina pa nakikinig sa kanilang dalawa. Nagtatakang tumingin si David kay Kira. "Nagtatrabaho ka sa coffee shop? Seriously?! That's hilarious! Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo nang ganyan?" Pinag-ekis ni Kira ang mga braso sa dibdib. "Hindi ko pinapahirapan ang sarili ko, okay? I'm happy of what I'm doing. I'm enjoying it. Mas masaya ako sa meron ako ngayon kaysa sa buhay na meron ako sa mansion. Pinag-iisipan ko 'yong sinabi mo, dahil alam ko namang hindi habambuhay ay makakapagtago ako. I know it's temporary. Dahil tulad nga ngayon, inilapit ka ng tadhana sa 'kin." "That's the best option na nakikita ko right now," wika ni David. He wants to help Kira. Simula bata pa ay magkasanggang dikit na sila. Labas dito ang nararamdaman niya para sa babae noon pa man. “I want to help, Kira, just like how you helped me when we were in college, nagpanggap kang girlfriend ko para mahinto ang pagb-blind date sa 'kin ng parents ko," dagdag pa niya at mahinang tumawa. Tumingin si Kira kay Yolly at tumango ang tauhan. Pagkatapos ay bumalik ang tingin nito kay David. "Alright payag na 'ko. Pero sa situation namin now, abala kami sa trabaho sa coffee shop, kailangan naming tapusin at formal na magpaalam, about the ceremony for the wedding you have to arrange everything." Tumango si David. "I'll call my assistant to handle that." "You think hindi na nila hahalungkatin ang marriage license?" tanong ni Kira nang bigla iyong maisip. "I mean, legit ceremony but no marriage license at all? What if totohanin din natin ang mag-file and soon—" "There's no annulment in the Philippines," putol ni David sa sinasabi ni Kira dahil naintindihan niya agad ang gusto nitong sabihin. Kira sighed. "Then divorce?" "No, Kira. I don't think kailangan pa natin 'yon. All we need to do is pretend na gusto natin ang isa't isa sa harap ng parents mo after the ceremony. Pakikiusapan ko rin ang parents ko na subukan silang i-convince." Hinaplos ni David ang likod ni Kira. Hindi niya gustong ma-attach ang pangalan ni Kira sa kanya legally sa ganitong paraan, at lalong-lalo na sa isang divorce paper. He loves Kira, yes, but he’s not doing this to take advantage of her. Gusto niyang tulungan ito at makabalik sa totoong buhay nito. Kahit nakikita niyang masaya si Kira sa ginagawa alam niyang nahihirapan pa rin ito sa sitwasyon, lalong-lalo na sa pagtatrabaho sa ibang tao at pagpapakapagod nito sa maliit na suweldo. Pinagplanuhan nilang mabuti ang gagawin. Hanggang sa magpaalam na si David dahil dis oras na ng gabi at mahaba pa ang byahe pauwi "Siguro mag-stay nalang muna ako sa hotel at bukas nalang mag-drive pauwi," aniya at tumayo. "Ano nga palang ginagawa mo dito sa Batangas?" Napakamot si David sa batok sa naging tanong ni Kira. Bakit ba naalala pa nito ang tungkol doon? "Well, it's a long story. I met my daughter." "Daughter?!" mataas na boses ni Kira dahil sa pagkagulat. Tumango si David. "I said it's a long story, Kira. Ikukwento ko nalang sayo sa susunod and hindi siya tulad ng inaakala mo, okay? She's my daughter because I adopted her. Her parents died, I legally adopted her, nandito siya sa Antipolo dahil kasama niya ang pinsan kong si Denise para sa ilang trabaho dito. Wala akong plan magpunta ng Batangas but I rushed to go here because of my daughter. Imagine ilang oras ko 'tong minaneho just to see her. About naman sa bar, naisip kong uminom nalang mag-isa dahil 'di ako nakasama sa ilang friends ko sa Batangas and boom, nakita kita. That's all. Okay? Lahat nalang kayo iniisip na fvck boy ako. That's funny." Tumango si Kira at mahinang tumawa. "No need to explain that much. Silly!" Tuluyan siyang nagpaalam dito at dumiretso sa isang hotel. *** KINABUKASAN na nakauwi si David sa Batangas. Hindi pa man siya tumatagal sa kaniyang unit nang tawagan siya ng kaibigang si Lissandro. Pinuntahan niya ito kaagad dahil isang emergency ang tawag na 'yon. "Damnit! You got a gun shot!" Alalang-alala siyang lumapit sa kaibigan na nakaupo sa sahig at nakasandal sa paa ng kama habang duguan ang braso. "Anong nangyari?" "It's a long story," tugon ni Lissandro. Maigi na lamang at may alam si David sa medical kahit na papaano. Hindi ito ang unang gunshot ni Lissandro at hindi lamang din ito ang unang beses na tinawag siya nito dahil sa tama ng bala. His life is too conflicated. May personal naman itong doctor pero siya at siya pa rin ang tinatawag sa ganitong sitwasyon. Siguro ay dahil hindi ito komportable sa ibang tao. Hindi naman masyadong malalim ang sugat nito. Maigi lamang at may sa pusa ang kaibigan sa galing sa pag-iwas. Pagkatapos niyang linisan at lagyan ng bandage ay ibinalik niya sa lagayan ang medicine kit at naupo sa hinatak na stool sa harap ni Lissandro. Pinag-ekis niya ang mga braso at binti. "Kung sino man ang pakakasalanan mo, siguradong madadamay sa gulo na pinapasok mo. She's so unlucky." Napailing si David. Hindi na bago sa kaniya ang nangyari kay Lissandro lalo na't he's involve in Mafia World. "I don't care about her." "That's stupid." David sighed. Wala pa man ay naiisip niya nang hindi magiging maganda ang buhay ng taong pakakasalanan ng kaibigan. "Well, it's your life. Sa part pa lang na magpapakasal ka sa kaniya para makuha ang trono, you're messing her life." Napailing si Lissandro. "I don't give a fvck about her." Nagkibit balikat na lamang si David. "Siya nga pala, I'm getting married." Mahinang tumawa si Lissandro. Balewala dito ang pagkirot ng sugatang braso. "Seriously? You're joking, David." "Of course, but it's just a fake marriage." "Para kayong bata para sa fake marriage. It's just for kids." Tumayo si Lissandro nang marahan mula sa pagkakaupo sa sahig at marahang nahiga sa kama. "Mine is a real marriage and I don't care about the woman I will marry, masama na ba 'ko no'n?" "Kailan ka ba naging mabuti?" David asked him back na ikinatawa nilang dalawa. "I can't imagine the life of the woman who will marry you. Miserable. Bakit hindi nalang din fake marriage? Tutal ang maikasal ka lang naman ang mahalaga." "Nangyayari lang 'yan sa fiction books, David. Mine is real, real world, a real marriage, a real gun, and real bullets. Whoever marries me must be ready to take all of it." Napailing na lamang si David.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD