"I THINK it's better if we will continue the merger with A Plus Gas, Hijo," mahinahong sabi ni Miranda de Chavez- ina ni Liam at ang kasalukuyang CEO ng dC Oil and Gas. Nasa office pa si Astrid ni Liam. Papauwi na sana siya nang dumating doon si Madam Miranda mula sa meeting nito sa labas. Hindi siya agad nakaalis lalo na nang magsimulang mag-diskusiyon ang mag-ina tungkol sa posibleng investment deal na makukuha ng kumpaniya mula sa RBD Holdings. "But we're not yet sure about the merger," sagot naman ni Liam. "They even cancelled our scheduled meeting with them this afternoon at the last minute, and without valid reasons. At dahil tayo ang naghahabol para sa merger, wala tayong pwedeng gawin kundi ang maghintay ng tawag nila." Hindi gaya nila ni Madam Miranda, si Liam ay nakatayo at pa