NANG huminto ang kotse ay isinukbit na ni Astrid ang brown niyang shoulder bag. Tangan niya sa kaliwang braso ang iilang folders na may lamang importanteng dokumento na kailangan ng kaniyang boss. Nagpasalamat muna siya kay Manong Jolie- ang matandang driver ng mga de Chavez, bago dumiretso sa building kung saan naroon ang head offices ng dC Oil and Gas sa Maynila. Kung hindi siya sinundo ng lalaki ay malamang na nagkukumahog pa siya ngayon sa paghagilap ng taxi. Siksikan sa mga elevators ng building nang makapasok siya. Hindi pa siya late, pero nakihalo na rin siya sa daloy ng mga empleyado na sumasakay. Tatlong palapag ang okupado ng dC Oil and Gas, pero pagdating sa sixteenth floor kung saan ang mismong station niya, ay may kasama silang advertising agency office. Kakilala niya ang i