ITINULAK ni Astrid ang slide doors ng balcony ng silid at lumabas. Maganda ang sikat ng araw sa umagang iyon. Hindi niya namasdan ang paligid ng beach house kahapon dahil umulan buong araw, bukod pa sa dami ng iniisip niya, pero sa pagkakataong iyon ay muli siyang humanga sa ganda ng dagat ng Anilao. Pumikit siya at nilanghap ang sariwang hangin na humihip sa balcony. "Hi, I'm back!" Nagmulat siya nang marinig si Thea na nakabalik na sa screen matapos magpaalam sandali para paalalahanan ang househelp nito sa ihahanda para sa dinner. Hapunan sa mga ito samantalang hindi pa siya nakakapag-almusal. Alas sais y media pa lang noon ng umaga sa Pilipinas. Nakaligo at nakabihis na siya. Hindi niya alam kung anong oras naghahanda ng umagahan ang mga katiwala ng beach house, pero bababa siya mata