PAG-ALIS ni Crisanto ay saglit pa siyang nakipagkwentuhan sa mga kasama sa bahay bago umakyat ng kwarto. Tinawagan muna niya ang Mommy niya at kinumusta ang maghapon nito. She missed her, but she had to cancel her visit to her parents at nagpasyang pagbalik na lang ni Revor siya uuwi ng Laguna. Ayaw niya sanang biguin ang Mommy niya dahil nangako siya rito na uuwi sa birthday ng ama, pero naisip niyang hindi rin naman magiging ganap ang okasyon dahil hindi pa sila okay ng Daddy niya. Gayunman, hindi niya kinalimutang tawagan at batiin ito noong birthday. She even sent him her gift. Although ganun pa rin sila, halos walang masabi sa isa't isa, alam ni Astrid sa sarili na gusto na rin niyang matibag ang pader na gumigitna sa kanilang mag-ama. Kailangan niya lang siguro nang tamang panahon p