NANG makabawi si Astrid ay magalang siyang tumayo para batiin ang tiyahin ni Revor. "Good afternoon, Ma'am..." "What's so good in the afternoon, woman?" mabagsik na tugon ni Bernice sa bati niya. "Ikaw ang pinakahuling tao na inaasahan kong makita rito!" Natigilan si Astrid. Sandali niyang nilingon ang paligid at nakita ang iilang empleyado na napapatingin sa pwesto niya. Tumikhim siya at kinalmang pilit ang sarili. Hindi rin niya inaasahan na makita niya ang babae. "I-I work here for a certain time, Ma'am. Ginagawa ko po ang cost of errors project ng lahat ng oil depot ng RBD." "To hell with your project here!" Mas lalong umigting ang boses ng babae. Nadagdagan pa ang mga empleyadong naaagaw ang pansin dahil sa sinasabi nito sa kaniya. "Hindi mo ako maloloko! Sigurado akong sinadya m